CHAPTER 9

18 2 0
                                    

Nasa loob si Silex ng kwarto niya at halos habol niya ang hininga habang nagpapalit siya ng damit.

Humarap siya sa malaking salamin at tinignan ang hubog niyang katawan. Hinubad niya ang lahat ng saplot niya at napangiti ng makita niya ang mga marka ni Dash sa dibdib niya.

Nakarinig siya ng katok sa pinto. “Silex?” tawag ng amo niya kaya agad naman niyang sinuot ang panty at malaking t-shirt niya. Sakto naman at bumukas ang pintuan. “Oh, sorry I didn’t know you were changing.” anang amo niya.

Humarap siya dito at ngumiti habang panay ang pag-iling. “Naku! Sir ayos lang ho, nagpalit lang naman ho ako ng pantulog.” aniya at lumapit sa amo. Nakita niya naman si Trevor na titig na titig sa dibdib niya. “Sir, nakakailang ho ba? Magpapalit na lang po ako.” aniya at panay ang pagtakip sa dibdib niya.

Nakita niyang kumurap-kurap ang amo niya at umiwas ito ng tingin sa kaniya. “It’s okay, I just came here to ask you if you could cook some food for us to eat,” anang boss niya at namulsa. “may trabaho lang akong kailangang tapusin.” dagdag pa nito.

Tumango naman si Silex. “Sige sir! Wala pong problema. Ano po bang gusto niyong ulam?” tanong niya habang nakasunod lamang sa likuran nito dahil palabas na sila ng kwarto.

“Ikaw na ang bahala,” sagot nito at nauna na sa kaniyang bumaba ng hagdan. “basta gulay.” bilin pa bago ito tuluyang bumaba.

Tumango-tango naman si Silex at dahan-dahang bumaba ng hagdan dahil baka madapa siya. Hindi pa kasi siya sanay sa bahay ng boss niya kaya talaga namang todo ingat siya lalo na sa mga gamit nito, lahat kasi ng bagay sa loob parang p’wedeng mabasag pag hahawakan niya.

Nagtungo siya sa kusina at napalunok nang makitang napakalaki noon. Nagluluto naman siya dati noong kasal pa sila ni Gray at malaki rin naman ang bahay ng dating asawa niya kaya alam niya kung paano gamitin ang malaking kusina ni Trevor.

“Gulay,” sambit niya nang buksan ang ref at naghahanap siya roon ng kahit anong masustansiya. “gusto niya ng gulay wala namang gulay dito.” pagkausap niya sa sarili at dahan-dahang binuksan ang pang-ibabang lalagyan ng ref.

Doon ay nakakita siya ng napakaraming uri ng gulay. Kumuha siya ng pechay at patatas. Tinola na lang ang lulutuin niya total may manok naman sa freezer ng amo.

Habang nagluluto at nag-gagayat siya ng mga lahok ng tinola niya ay naririnig naman niya si Trevor na parang sumisigaw mula sa living room. Siguro ay pinapagalitan na naman nito ang mga empleyado.

...

Dahan-dahang sumandok si Silex ng ulam mula sa kaldero patungo sa mangkok. Inamoy niya iyon at napangiti dahil proud siya sa sarili niya na marunong parin siyang magluto ng totoong ulam.

“Mukhang masarap ata ‘yang niluto mo?” tanong ni Trevor habang nakaupo ito sa hapag-kainan. “Tinola?” tanong ng lalaki.

Tumango siya. “Opo sir, kasi nakakita ako ng isang buong manok sa freezer niyo kaya ‘yan ang naisipan kong lutuin.” aniya at inihain ang mangkok sa harap ng lalaki. “Heto Sir, nagdala ako ng extra kanin baka sakaling mapadami ho ang kain niyo.” natatawang saad niya at nagpatong pa ng kaldero sa lamesa.

Ngumiti naman ito sa kaniya. “Sit, sabayan mo na akong kumain.” alok ng lalaki kaya naman umupo na siya sa gilid nito.

“Solo lang talaga kayo kumakain dito Sir?” tanong niya habang sumasandok ng kanin. “Hindi po ba kayo natatakot o nalulungkot?” tanong niya muli.

Natawa naman sa kaniya si Trevor habang sumasandok ito ng ulam at nilalagay sa sariling pinggan. “Why would I be scared? Mas gusto ko nga ‘yun, na ako lang mag-isa.” anang lalaki at tumingin sa kaniya. “But, it’s not like I don’t get sad. Of course there will be those days where you will feel empty.” dagdag pa nito at ramdam niya ang lumbay sa tinig ng lalaki.

GRAY'S TRAPWhere stories live. Discover now