04

2 0 0
                                    

Nang matapos ang usapan nilang dalawa ay nagsimula na kaming magpunta sa mga canned goods, tatlo kaming magkasama ngayon dahil pinakiusapan ni Arjo si Kenzo na samahan pa kami kahit na puno na ang cart nito.

Lumapit ako sa mga nakahilerang delata at kumuha ng tig-lima bawat brand. Medyo Nostalgia ang moment na to dahil nung bata pa ako kasama ko pa si mommy mag-grocery at ako ang kumukuha minsan ng mga item.

Nilingon ko ang dalawa na nag-uusap sa likuran ko. "Anong mas maganda dito na luncheon meat? Ayaw kase ni mama yung binili ko dati eh." tanong ni Arjo.

"Yung naka-blue na lang. Para mas madali ding buksan." tugon ni Kenzo at nilingon ako. Napalunok ako.

Bat ba ganyan sya makatingin? Argh!!

Nilapitan ko silang dalawa. "Luncheon meat?" tanong ko sa hawak nilang dalawa. Lumapit ako sa mga nakahilera at lumuha ng apat na piraso. Kita ko ang pag-ngiwi ni Kenzo. Yabang. Feeling Endorser.

Nang makuha ko na ay lumipat na kami sa kabilang stall at dun naman naka-pwesto ang mga gulay. Medyo ayaw ko sa gulay pero ayoko namang purgahin yung sarili ko sa karne at delata.

"Saan dito yung Cauliflower?" tanong sakin ni Arjo habang Inabot sakin ang dalawang gulay. Tinuro ko yung isa. "Broccoli yang Green."

"Ahh.. akala ko magka-ibang flavor lang." parang tangang sabi nito. Wtf?

"Ha?" natatawang sabi ko. "Ginawa mong samalamig." iling ko at kumuha ng mga sili. Trip ko kasing gumawa ng chili oil mamaya.

Nagtingin pako ng ibang gulay at nakakita ako ng isang ampalaya. Napangiti ako at kinuha iyon. Ngunit sakto din ang pag-abot ni Kenzo sa ampalaya kaya nagsaktong nagdampi ang kamay naming dalawa.

Nagkatinginan kami. "Ah.. sige, sayo na."
Sabi niya.

Umiling ako. "Nope sayo na. Kuha na lang ako ng iba.." sabay lapit sa kanya nung nag-iisang ampalaya.

Nag-aalangan siyang ngumiti. Biglang lumitaw yung dimples niya, ang cute. "Sure ka?" tanong niya.

Ngumiti ako. "Oo na, kunin mo na." sabi ko at kumuha ng Cauliflower. "Ito nalang yung sakin."

"Thanks.." sabi niya. Bigla akong napahanga sa kaniya. Wow, ngayon ko lang siya narinig na nagpasalamat. Sabagay kahapon ko lang siya nakilala eh.

Tumalikod na siya kaya naman nilagay ko na yung hawak kong cauliflower sa cart. Siguro mag-iisip nalang ako kung anong iluluto ko dito.

Naabutan namin si Arjo na nasa meat section na. Lumapit ako sa mga naka-display na karne at nag-tingin ng mabibili.

"Excuse me? Pwedeng maka-kuha ng kalahati?" tanong ko sa lalaking naka-apron. Tumango naman siya. "Opo ma'am. Lahat po pwede."

Kumuha na ako ng plastic at nag-lagay ng tig-kalahati sa mga bawat klase ng karne. Medyo dinamihan ko na din ang klase ng binili ko para may pagpipilian din ako. At para kapag nagutom ako bigla. May lulutuin nalang kaaagad ako.

"Ang dami naman nyan." sabi ni Arjo na nasa tabi ko na pala. Inabot niya sa lalaki yung kinuha niya at ipinabalot yun.

Nang matapos nako sa lahat ay dumiretso na kami sa cashier. Meydo madami na din ang tao kaya naman nagtagal pa kami ng ilang minuto. Nang matapos na kami ay sabay-sabay na din kaming umuwi.

"Oh, dito na ako ha." paalam ni arjo at pumasok na sa bahay nila. Kaya naman kaming dalawa nalang ni Kenzo ang naiwan.

Umakyat na kaming dalawa patungo sa mga unit namin. Nagulat ako bigla nang magsalita siya.

"Thank you pala kanina." sabi niya.

"Huh?" tanong ko. "Para saan"

"Dun sa ampalaya.." nahihiyang sambit niya. Parang gusto kong matawa sa reaksyon niya.

"Ano ka ba. Parang ampalaya lang eh." sabi ko. "Halatang di mo favorite eh." biro ko.

Napatigil ako nang makarating nako sa tapat ng apartment ko. "Kung may time ka, pwede kang bumisita dito-"

"Hindi na kailangan." sabi niya.

"Huh?" tanong ko. "Bakit naman?"

"Marami kase akong ginagawa kaya wala na akong time para diyan." sabi niya. Pero sa pintuan niya siya nakatingin.

Nilingon ko siya. "Bakit ka ba busy? May trabaho ka?" tanong ko kahit na ang slow ko sa part na yun.

"Mahabang kwento." sabi niya. "Mauuna na ako." sabi niya at saka pumasok sa loob ng apartment niya. Sisilip sana ako sa loob kaso mabilis niyang nai-lock ang pinto.

Pumasok na ako sa loob at inilapag ang mga pinamili ko. Medyo nakaramdam nako ng init ng katawan kaya naman naisipan kong maligo muna.

Habang nagsha-shampoo ng buhok ay hindi ko napigilang isipin si kenzo. Alam ko namang busy lahat ng tao ngayon. Pero base sa itsura niya kanina. Parang nate-tense siya at parang nanginginig pa nga. Parang may part sakin na mas kilalanin pa siya. Pero sino ba ako sa buhay niya? Eh kapitbahay ko lang naman siya? Argh!

"Ahh! Ouch!" daing ko nang aksidenteng masabunutan yung buhok ko. Ang sakit!

LOVE SERIES #1: The NeighborsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant