01

6 0 0
                                    


"Dito na ba 'yun?"

Napatigil kami at napatitig sa isang four-story building na nasa harapan namin ngayon. Medyo bago pa ito dahil sa pintura nito na white and blue. May tarpulin na nakasabit sa Second Floor na may nakasulat na. Apartment 4 rent, look for inang"

Tumango ako. "Dito na ata yun.." sabi ko. Pinagmasdan ko ang buong paligid, May mga tindahang magkakadikit-dikit, may mga batang naglalaro kahit ang init na ng panahon. Kasunod naman nun ay ang mga lalakeng nag-iinuman sa tapat ng kanto. Napangiwi ako nang marinig ko ang pagpiyok ng lalake habang kumakanta.

"Kunin ko Muna yung ibang gamit. " Paalam ni Krissy, tumango ako at naglakad papasok sa Entrance ng building.

"Tao po?" bahagyang nag-echo ang boses ko pagkapasok ko sa loob ng building. Moderno itong tignan at para bang nag-hire pa sila ng interior designer para dito. Naglakad ako at pinagmasdan ang mga Picture na nakadikit sa dingding. Mga award galing sa iba't-ibang kompetisyon. Napangiti ako.

Naglakad ulit ako at nilapitan ang isang lumang piano. Sa lahat ng gamit dito ay ito ang pinakaluma sa lahat. Akmang hahawakan ko sana nang makarinig ako ng boses.

"Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako sa isang matandang babae. May hawak itong sandok at namamawis pa ang kanyang noo. "Sino ka?"

Ngumiti ako. "Ako po si Elle. Ako po yung kumuha ng isang apartment dito po. Kayo po ba si Inang?" Tanong ko. Lumuwag naman ang Ekspresyon nito.

"Ako nga, Mabuti at nakaabot kayo ngayon, aalis kase ako mamaya." sabi niya. "Tara na at ihahatid ko kayo sa Apartment. "

Nilingon ko si Krissy at binababa na ang ibang kahon. Lumabas kami ng building at nagtungo kami sa pinakadulo ng building at umakyat duon. Medyo Masikip ang daanan dito kaya napakapit ako sa hawakan sa gilid.

"Medyo makitid ang daan patungo sa mga palapag, kaya kapag bababa kayo ng gabi, siguraduhin nyong tignan nyo ang bawat hakbang nyo, may ilaw naman dito, solar nga lang." sabi nito habang nasa unahan namin siya.

"Saan po ulit yung floor namin?" tanong ko. Lumagpas kase kami sa pangalawang palapag.

"Sa fourth-floor kayo, bago ang rooftop." sagot niya. Tumango ako. Nakakapagod pala, baka pagkarating ko dun, may asawa nako, joke.

Nang makarating kami sa huling palapag ay lumiko kami at naglakad kami sa medyo makitid ulit na daanan. Malaki pala ang building nito. Para din siyang School dahil sa sobrang daming pintuan.

Huminto kami sa Pang-apat na pintuan na may naka-sulat na numerong 24. "Dito ang Apartment mo, Simple lang naman ang rules dito, wag masyadong maingay lalo kapag Gabi. Respeto sa mga kapitbahay mo." sabi nya. Tumango ako at ngumiti.

"Ito ang susi mo. Malinis na din iyan dahil nilinisan ko yan kanina. Sige maiwan ko na kayo." sabi nito.

"Salamat po."

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay napahanga kaagad ako sa nakita. Ang ganda ng pagkaka-disenyo ng buong lugar. Medyo malawak din ito at pwedeng apat na tao ang tumira dito.

"Wow! Ganda ng unit mo!" Sabi ng katabi ko. "Parang gusto ko tuloy dito!" sabi niya. Tinawanan ko siya. "Wag na, gusto ko ng mapayapang buhay." biro ko.

"Sama mo." sabi niya. "Multuhin ka sana" dagdag nito.

Inirapan ko siya at naglakad sa may bintana at binukas ito. Sumalubong kaagad sakin ang preskong hangin galing sa labas. Napapikit ako.

"Ang ganda talaga dito elle, for real. Parang ang layo mo talaga sa problema dito." sabi niya. "Sana makalimutan mo na yung nangyare sayo sa manila-"

"Tama na." biglang sabi ko. Natahimik naman siya. "Sorry.."

Naglakad ako papalapit sa kanya at binuksan ang isang kahon. "Simula ngayon, wag na nating pag-usapan ang dati, gusto ko ng makalimot." sabi ko.

"Sige, pasensya na ha." sabi niya. Ngumiti lang ako ng pilit kahit na medyo nag-iba lang ang pakiramdam ko.

Inilabas ko ang mga gamit ko pangkusina at naglakad patungo sa maliit na kusina. Inalapag ko duon ang Rice cooker at Mga frying pan. Kasunof naman ang mga Sandok na ginagamit ko sa pagluluto.

"Ahhhh!!"

"Ahh!" Biglaang sigaw ko at mabilis na tumakbo patungo sa sala. "Anong nangyare? Ano?!" Tarantang tanong ko.

"Ahhh!!! Butiki! Butiki!" Tili ni Krissy at nagsisitakbo kung saan. Mabilis akong napa-irap dahil sa inakto nito. Akala ko kung ano na.

"Ano ba Krissy! Wag kang maingay! Maka-distorbo tayo nyan eh!" suway ko dahil tumatalon na to.

"Arrghh! Nakakainis!" inis na sambit niya at inayos ang nagulong buhok. "Panira kase yung butiking yon eh!" sabi niya. "Teka, nasan na yun?" sabi niya.

"Alin?" tanong ko.

"Yung butiki-" Nilingon nya ako at mabilis itong namutla. "Elle.."

"Oh?" Inis na tanong ko. Nakaramdam ako ng paggalaw sa buhok ko.

"Yung ano..." dahan-dahang sabi niya. akmang maglalakad na sana ako nang may lumapat sa mukha ko.

"Ahhhh!!!"

"Butiki!!" sigaw ko at nagtatalon dahil sa takot. "Ayoko na!!"

LOVE SERIES #1: The NeighborsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin