𝗞𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗧𝗔 𝟱

77 2 3
                                    

'𝖣𝗂𝖺𝗇𝖺 𝖯𝗈𝗏'

Nakakailang gulong na ako dito sa kama ko dahil sa kahihiyang nangyari kaninang umaga lang


Mag gagabi na ng makauwi ako dito sa bahay namin, sinadya ko talagang umuwi dito at hindi doon sa bahay ni Faith. Gosh!


Hindi na nga din ako nakapasok sa ibang subjects dahil talagang wala akong kamalay-malay dahil kanina pagkagising ko wala na hapon na sakto naman na wala s'ya dun sa office n'ya kaya sinamantala kong lisanin yung lugar na yun


Muli akong nagpa gulong-gulong sa kama dahil hindi ko lubos maisip na nagawa kong bumigay ng dahil lang sa halik nito!


Agad akong napatayo dahil sa gulat.



Kakatok na ngalang kase nag dadabog pa!



Inis akong nag tungo sa pinto at binuksan iyon, ang nag aalalang mukha ni mama ang bumungad sa akin.



"Anak are you okay? Kanina pa ako kumakatok" sabi ni mama, halata padin ang pag-aalala nito sa mukha



"Ahm.. opo okay lang ako ma, nakaidlip po kase ako" pagdadahilan ko nalang kahit na ang totoo ay hindi ko napansin na kanina pa pala sya kumakatok



"Kung ganun tara na sa baba, ready na ang dinner" pag-aaya sakin ni mama, wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang kahit na wala akong ganang kumain



Nadatnan namin si papa na nakaupo na sa hapag kainan kaya naupo nadin kami



Susubo na sana ako ng pagkain pero naudlot yun sa ere ng tanungin ni papa si Faith kung asan daw ito



"Si Faith po?" pag uulit ko sa tanong nito



"Oo anak, si Faith asaan, bakit hindi mo kasama?" muling tanong nito



Bumugtong hininga muna ako para pakalmahin ang sarili, masyado na akong naapektuhan kahit na sa pangalan palang nito.



"N-nasa school pa po, hindi pa po kase sya uuwi kanina kaya nag decide po akong dito nalang muna papa" ngiting kabado ang ipinakita kong ngiti dahil lahat nun ay kasinungalingan lang



Pano pag nalaman nila yung nangyari sa amin? Hindi nga ako pumayag na ikasal agad dahil ayoko tapos malalaman nalang nila na may nangyari na palang iba sa amin!



Napatango nalang si papa sa isinagot ko



Tinanong nga din nila kanina kung bakit andito ako, nag dahilan nalang nga din ako



Pagkatapos kong kumain ay agad na akong nag paalam sa kanila para mag pahinga na muna



Nasa hagdanan palang ako paakyat ng mag ring ang cellphone ko dahil may tumatawag


Agad na tumaas ang isa kong kilay dahil naka unregister ang cellphone number nito. Muli akong humakbang pataas at sinagot ito


Isasarado ko na sana ang pinto ng kwarto ngunit naudlot yun dahil sa isang malamig na boses ang sumagot sa kabilang linya.



"I'm here outside"


It was Faith


Hindi ko alam pero ramdam ko ang pagreak ng sarili ko, hindi dahil sa boses nitong malamig kundi dahil si Faith ito, I can't explain, honestly may part sa akin na excited syang makita.


The heck!


Napabugtong hininga nalang ako at dali-daling bumaba. Nasa last step na ako ng hagdanan ng mapatigil ako, nasa loob na si Faith habang kausap si mama, agad na dumapo ang walang emosyon nitong mga mata sa akin. Randam ko ang pag hagod ng tingin nito sa kabuuan ko, wala namang mali sa suot ko nakasando lang naman ako at naka pajama.


MS. PRES AND IWhere stories live. Discover now