Kabanata 6

2K 111 20
                                    

🍓with🍫

It's been two weeks since that hilarious scandal I did happened but my mind was still in there. Paanong hindi ko makakalimutan iyon, araw-araw akong nilalapitan ng demonyo.

Bullshit shuta tangina putangina shutangina shutanginamers gago idiot puta pakyo!

Sa dalawang linggo na iyon ay hindi ako tinigilan ni Pres. Gustong-gusto ko siyang patulan at sapakin pero mukhang alam nito ang kahinaan ko dahil everytime na mag-a-attempt akong patulan siya, agad niyang pinapaalala ang pwedeng mangyari.

Isa raw siyang may magandang reputasiyon dito sa school. Paniguradong kapag pinatulan ko ang pang-iinis nito, ako ang agrabyado.

Ako ang lalabas na masama dahil hindi malinis ang pangalan ko sa school na 'to.

Ako ang kinukulit tapos kapag pinatulan ako pa maguguidance. Wala akong takas sa pang-iinis niya.

Tapos na ang klase ng dalawang subject ko. Magiging totoo ako, wala akong natutunan. Nakinig naman ako pero walang pumasok sa utak ko. Parang nakinig lang ako kasi required pero hindi ko inintindi.

Hindi ko rin alam ang sarili ko.

Nag-ayos nalang ako ng gamit ko dahil gusto ko na ring kumain. Nakita kong nagsilabasan na ang iba kong kaklase para siguro mag recess na rin.

Wala akong kilala kahit isa sa mga kaklase ko. Nakikita ko naman sila dati at ang iba ay naging kaklase ko sa junior high, pero ni pangalan nila ay hindi ko alam. Tuwing malapit rin ako sa kanila, agad na silang lumalayo. Parang takot na mapalapit sa'kin at masama sa mga away na kadalasan ay hindi naman ako ang gumawa.

And I understand them. Ayaw nilang madumihan ang pangalan nila kapag naging kaibigan nila ako.

Dahil do'n, hindi ko na rin sila pinapansin. Ano iyon, ipapahiya ko lang sarili ko sa kanila? Lumalayo sila e, 'di lalayo rin ako.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay agad akong tumayo at naglakad patungo sa pinto. Handa na sana akong lumabas para lumabas at makabili na ng makakain nang mapatigil ako nang may mangalabit nanaman sa braso ko.

Ngayon, meron nang pumapansin sa'kin. Siya lang ang lumalapit. Alam kong nagtataka na rin ang nakapaligid sa'min dahil sa dalawang linggo na paglapit nang lalaki. Hindi nila alam, ininis lang ako nito.

"Baby! Recess?" Gigil kong tinikom ang bibig ko saka pumikit at tinirik ang aking mata.

Pigil na pigil akong sapakin siya kung alam niyo lang.

Kung hindi lang talaga ako malalagot kay Mama kung ma-guidance ako eh..

Humarap ako sa kaniya at tinaas ang tingin sa mukha niyang nakangisi. Matangkad ito kaya pahirapan ang pagtingala sa kaniya.


"Tigilan mo ako. Hindi mo talaga magugustuhan ang gagawin ko sayo." Mariing sambit ko.

Akala ko natakot na siya sa'kin dahil nawala ang ngisi niya pero nagulat ako nang pumalit naman ang pilyo nitong ngiti.

Hindi siya ganito dati. Hindi siya ngumingiti noong nagdaang araw.

Strawberry With Chocolate (SWITS SERIES 1)Where stories live. Discover now