JEALOUS??

0 0 0
                                    

Cali POV

"Saan pupunta si Aiah?" Tanong ni Saff sakin.

"Sa bathroom daw" sabi ko.

Niyaya na ako ni Ely umupo. Kwentuhan lang ang ganap habang umiinom sila at ako naman umiinom ng Chuckie.

Maya't maya nagsisimula ng magdrama si Saff.

"Ano na ate? Naiyak kana" asar ni Tasha.

"Spill the teaa!! Saff" sigaw naman ni Ely.

"Ano bang kulang sakin?" Hagulgol ni Saff.

Ayan na tayo e. Iniwan nanaman siguro toh.

"Si Pj ba yan?" Tanong ni Lou.

"Oo" hagulgol ni Saff. "Di naman ako nagkulang sa kaniya, binigay ko naman lahat" dugtong pa nito.

Tinabihan ko si Saff at hinimas ang likod nito.

"Bakit di pa niya maiwan iwan yung past niya. Ako yung nandito pero pinili mo yung taong nangiwan sayo." Hagulgol sabay inom ng alak. "Pagod na pagod na akong intindihin yang nararamdaman mo" dugtong nito.

"Alam niyo ba ito?" Tanong ni Gab.

"Hindi, I'm sure na kagabi lang yan" Sagot ni Ely.

"Alam niyo yung masakit? Yung greatest love na gusto mo sa kaniya tapos niloko ka pa. Sobrang sakit" hagulgol nito, kukuhain na niya sana yung beer ng hablutin ni Lou.

"Lou at Gab pwede pasama sa room alalayan niyo na lang si Saff" Sabi ko.

Inalalayan na ni Lou at Gab si Saff papunta sa room. Nauna na ako sa kanila para pag buksan ng pinto at ayusin ang paghihigaan ni Saff.

"Dito niyo na lang siya ilapag" turo ko sa kama na malapit sa bintana. Pag tapos ilapag ng dalawa ay agad naman din sila umalis. Hinatid ko sila hanggang pinto "thank you ha, mag enjoy na kayo dyan sa baba" sabi ko.

Pagka sara ko ng pinto agad ako umupo sa tabi ni Saff. Kitang kita sa mukha niya ang maga ng mata niya.

Tinanggal ko muna suot niyang heels at kinumutan ko ito. "Magpahinga ka muna Saff" bulong ko habang tulog ito.

Lumabas na ako sa kwarto at dumaretso sa baba para makipag bonding pa.

Pag ka upo ko saktong dumating na rin si Aiah kasama si Zayn.

"Saan ka galing Zayn" tanong ng kambal niya na si Zack.

"Dyan lang" sagot nito.

"Amoy something ha" asar ni tasha na may pa hawak pa sa ilong.

"Anong something?" Pag deny ni Aiah.

"Sus" Sabi pa ni Ry.

"Kayo na ba?" Tanong naman ni Gab.

"Malamang. HINDI!" Diin na sigaw ni Aiah. "Maupo na nga" dugtong nito.

Umupo sa tabi ko si Aiah at napansin ko yung dress niya.

"What happened to your dress?" Tanong ko.

"Sumabit lang. Btw saan na si Saff?" Tanong niya.

"Ayon nasa room, nag rant ba naman dito" sagot ko.

"Bilis naman niya malasing ilan minutes lang ako nawala" Sabi ni Aiah

"Minsan beer, minsan yung hard. Sino hindi malalasing don? Halo halo iniinom" Saad ko. "May nabanggit ba si Saff about sa kanila ni Pj?" Tanong ko.

"Hindi, why?" Sagot niya. "Don't tell me na umiyak si Saff dahil kay Pj?" Dugtong nito.

"Uhmm, yes"sagot ko.

"Kausapin na lang natin bukas si Saff" Sabi ni Aiah.

Tumango lang ako. Maya't maya napag usapan naman ng mga boys si Zayn.

"Zayn, kailan mo balak mag first move kay Trix?" Tanong ni Lou kay Zayn na naka upo lang gilid.

"Ang bagal mo baka unahan ka ni Nash niyan" Sabi ni Ry.

"Trix? Yung nasa kabilang section natin?" Singit na tanong ni Ely.

"Oo, yung bff ko" Sagot ni Ry.

Napalingon na lang ako kay Aiah na nagcecellphone lang.

"Pre, galaw galaw" hinampas ni Ken sa likod si Zayn.

"Idk pa" sabi naman ni Zayn.

"May balak ka nga, Zayn" Sabi naman ni Tasha at lumingon ito kay Aiah.

"Akin na nga phone mo" Sabi ni Lou at binigay naman ni Zayn. Typings si Lou. "Oh, wait mo na lang reply niya" inabot naman ni Lou phone ni Zayn.

"yown shot natin yan" Sabi ni Gab.

"Aakyat na pala ako guys, tinamaan na ako ng antok e" Singit na sabi ni Aiah.

Aalis na si Aiah. "Wait mo'ko aiah. Una na rin ako guys ha" Sabi ko at hinabol si Aiah.

"Are u okay?" Sabi ko.

"Oo naman, baliw HAHAHA" Sabi nito na may pilit na ngiti.

"Edi wow, alam kong gusto mo pa si Zayn" pang aasar ko.

Nakarating na kami sa room. "Gusto mo pa siya noh?" Tanong ko.

"Ewan, di ko alam. Naguguluhan ako" Sabi nito at umupo sa kama.

Umupo rin ako sa tabi nito. "It's okay, wala naman siya pag asa don" Sabi ko para gumaan pakiramdam nito.

"Baliw ka talaga" Sabi nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ElevenWhere stories live. Discover now