BRACELET

0 0 0
                                    

Zayn POV

Pinasuyo ko sa isang staff na tignan ang cctv.

Call

Aiah!

Hello!

Nandyan ka pa ba?

Aiah!

Hindi ko pa rin binaba ang call namin.

"Sir, siya ba yung kasama mo?" Sabi ng staff.

"Saan yan?" Tanong ko.

"Sa secret garden po sir" sabi nito.

Tumakbo na ako papunta don. Hindi ko alam saan yung garden na yon bahala na kung saan ako ipadpad ng paa ko.

Sa mismong private resort may nakita akong staff at agad ko naman tinanong kung nasan ang secret garden.

Tinuro naman ng staff don sa likod at agad naman akong tumakbo papunta don.

Nakita ko roon ang kubo at bumungad sakin si Aiah na walang malay.

"Aiah!" Gising ko dito. Napatingin ako sa tuhod nito at kita ko yung malaking sugat nito habang dumudugo.

Binuhat ko ito. Pag talikod ko nagsipuntahan na rin mga staff at sinamahan ako sa clinic nila.

Pag dating namin agad ko naman hiniga si Aiah. Nilinisan na ng nurse ang sugat ni Aiah.

Lumapit ang nurse sakin. "Tinignan ko ang cctv at hindi naman natamaan ang ulo niya sa pagkatapilok. May phobia ba ito sa dugo?" tanong sakin. "Idk, wala naman siya nababanggit sa amin" sabi ko.

"Based sa nakita ko sa cctv nanghina ito ng tinignan niya ang sugat niya sa tuhod at ito yung dahilan ng himatay niya. Pag pahingain mo muna siya once na nagising na sabihan mo ako agad" Sabi ng nurse. "Salamat" sabi ko at umalis na ang nurse.

May pumasok na staff sa loob. "Sir paumanhin po sa nangyari, tatanggalin na po namin yung bato don" sabi nito. "ayos lang po, sa susunod sana ilayo niyo po yung malaking bato sa daanan" sabi ko. "salamat po, paumanhin po talaga" nginitian ko lang ito at umalis na rin.


Aiah POV

Dahan dahan ko idinilat mga mata ko. Bumungad sakin ang liwanag ng ilaw.

"Gising kana, ayos ka lang?" Tanong ni Zayn.

Sinubukan kong tumayo. "Aray" sabi ko ng iginalaw ko tuhod ko. "dahan dahan lang" sabi ni Zayn at inalalayan ako nito.

"Naka pagdown payment kana?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito sakin. "Uwi na tayo" dugtong ko.

"Sige, tawagin ko lang yung nurse" sabi nito.

Nung makalabas siya. Tinignan ko sugat ko na naka band aid na. "Clumsy talaga" sabi ko sa sarili ko.

Tinignan ko paa ko dahil nararamdaman ko yung paltos nito, kaya naman tinanggal ko yung suot kong heels.

Pumasok na si Zayn kasama ang nurse. "May masakit ba sa ulo mo? Nabagok ka ba?" Tanong nito sakin. "Hindi naman po ako nabagok, nahilo lang po talaga kanina" sabi ko.

ElevenWhere stories live. Discover now