26

7 2 0
                                    

Dumating si Marrti sa bahay at agad ko siyang niyakap mabuti na lang at umuwi din si Mar sa mga kanilang bahay kaya wala kami sa mga condo namin "Bakit? Dahil kay buang yan no?" Tumango lang ako sa kanya habang nakayakap.

Sinabi ko kay Marrti lahat hanga ako kay Marrti nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko at tumatango lang sa akin.

"Ang sakit magmahal pala, Mar" sabi ko sa kanya " Kahit sabihin kong happy crush lang, sa tingin ko hindi happy crush ito ilang years ko ba naman gusto siya e " malungkot kong sabi habang nakatingin sa kawalan " Apektado ang buong pagkatao ko"

"Apektado saan?" Pagtatanong niya sa akin habang nandito kami sa balcony at pinagmamasdan ang city lights habang may dalang San Mig Light.

"Sa mga sinasabi ng tao sa akin, dahil gusto ko si buang. May nasasabi sila sa akin. Sanay naman na ako Mar. Sobrang sanay na Senior High pa lang ako ganyan na sinasabi sa akin. Pero hindi ko maiwasan masaktan pa rin"

"Vie, hindi ka mahirap mahalin, sadyang mali ka lang ng minamahal" napatingin ako kay Marrti.

"Wag kang apektado sa mga taong kung ano ano sinasabi sayo. Wag mong hahayaan na idestroy iyong pagiging ikaw, wag kang panghinaan ng loob. Regarding kay buang wala akong magagawa diyan. Kahit ano namang sabihin ko, Siya pa rin tinitibok ng puso mo. " Narealize ko mga sinabi ni Marrti at tama siya.

"Alam kong alam mo ginagawa mo, alam kong alam mo kung anong mangyayare, alam ko rin kung may plano ka na ba, we all know. Nasasayo ang huling desisyon kung paano ang gagawin mo"

what's the meaning of te amo? | EpistolaryWhere stories live. Discover now