Kabanata 8

25 1 0
                                    

Kabanata 8

Pretty woman

Mag uuwian na kaya nag-ayos nako nang bag, hindi ko kasabay si Steffen kasi may importanteng kailangan gawin daw siya, si Claire naman ay tanghali nauwi dahil dinaman siya kasama sa with high and highest honor.

Nang tumunog na ang bell ay ibig sabihin ay uwian na nga kaya bumaba nako para umiwi, naglalakad din ako para tipid, ang mahal mahal nang pamasahe.

Habang naglalakad ako palabas nang school ay may humila nang kamay ko kaya ako napaharap.

"Y-yiro?" Takang tanong ko

"Uhm, yesha." Tawag niya sakin kaya nagtaka ako "ayos kalang kaba kanina?" Tanong niya

Ano naman sa kaniya kung maano ako o hindi

"Ayos lang ako, sakin lang naman napunta lahat ng kape"

Hala, ano yung nasabi ko!?

"Ha?" Takang tanong niya

Ano ano ano ano uhm

"Hah?" Kunyaring sagot ko "wala, sabi ko ayos lang ako"

Tumango naman siya.

"Mag isa kalang uuwi?" Tanong niya

Sasagot na sana ako nang oo nang magsalita siya

"Hatid kita?"

Nagulat ako nang sinabi niya yun, may kotse kasi siya, kaso bawal niya pang gamitin. Driver yung naghahatid sa kaniya

Gusto ko mang tumanggi pero pinilit niya ako kaya nag "oo" nalang ako

Nasa loob na ako nang sasakyan at napansin kong nakatingin siya sakin at nakapangalumbaba sa tabi ko

"Bakit?" Takang tanong ko, nang maisip kong hindi niya pala alam ang bahay ko.

"Sa may tapat lang ako ng susunod na 7/11" dagdag ko kaya umayos siya ng upo

"I already know" bigla niyang sabi kaya nagulat ako pano niya nalaman?

"Pano mo nalaman?" Tanong ko

Nakita kong namula nang konti ang tenga niya, kita ko yun dahil maliwanag naman dito sa kotse niya at maputi siya.

"A-ano...nasa ID mo kasi" sagot niya sakin kaya napatingin ako sa ID ko at tama nga siya.

Narinig kong may pinatugtog siyang isang song na medyo hindi ako pamilyar.

"Ano yung kantang yan?" Tanong ko

Hindi niya naman ako nilingon kaya binaliwala ko nalang ang sinabi ko

"Pretty woman" rinig kong sabi niya kaya medyo nagulat ako.

Nakatingin siya sakin, mata sa mata kaya medyo nakaramdam ako ng kabog sa dibdib..kaba lang toh okay!?

"H-huh?" Tanong ko

"Pretty woman" tingin niya pa sakin kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko.

Grabe namumula na ata ako..

Nakita kong malapit na kami sa bahay kaya nagsimula nakong magpaalam

"Sige, una nako.." Sabi ko..

Nang pababa na ako ay naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko na parang pipigilan niya akong bumaba.

"Pretty woman" sabi niya "pretty woman is the title" dagdag niya pa.

Yun naman pala eh, TITLE! Sabi ng utak ko

"By BTS" dag dag niya pa kaya nagpasalamat ako at bumaba na hindi ko narinig yung huli niyang sinabi kasi bigla nalang sinara nung driver yung pinto ng kotse

I wonder kung ano yun.....

"Bye, pretty woman!"






Hi!!!!!

Lean On Your Shoulder (highschool series#1) (ONGOING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें