Parang may namumuo sa aking lalamunan para mawalan ako ng karapatan na magsalita sa harap nila.

"Convince your daughter, Ashleigh. Nahihirapan na ang Dad sa kulungan. Matanda na iyon at hindi na niya kaya pang tumagal sa maduming lugar na 'yon!" Tito Leonardo said. Pero hindi ko siya tinignan. Naka-focus lamang ang atensyon ko kay Mama na tumitig sa akin para makumbinsi ako.

I hope Papa is with me...right now.

Papa...I silently wished.

Napapikit ako at kung ano-ano pang narinig kong sinabi ni tita Nicole at tita Abigail. No...no. I can't take this anymore.

"With all due respect to all of you but I don't think Scarlett will change her mind. I doubt if she will," ani Benj. Gulat na gulat akong tumingin kay Benjamin. Tumabi siya sa akin at tinignan ang mga Tito at Tita ko pati na rin si Mama na nasa harap lang namin. "And if you don't want her...you don't want her in this family. Ako ang tatanggap sa kanya. Buong-buo." Hinawakan ni Benj ang kamay ko. His eyes are full of self-assurance. Na hindi ka niya babaliin ang sinabi.

Umalingawngaw naman ang tawa ni tito Rick. "What did you say sir?" Natatawa nitong sabi. "Paano mo nasasabi 'yan kung galing ka naman sa sirang pamilya? I bet the Salazar is sinking right now. You don't have the rights to accept that hardhearted girl. Wala kayong patutunguhan," anito.

Humigpit ang hawak ni Benj sa kamay ko. Umigting ang panga niya. Namuo ang inis sa akin. Wala siyang karapatan para husgahan ang pagkatao ni Benjamin at ang pamilya nito. Siya ang walang karapatan manghimasok!

"I don't care," I said, firmly. "Hindi ko pa rin naming iuurong ang kaso. Mapapagod lang kayo dahil hihindi lang ako ng hihindi." Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Benj. "Wala kayong patutunguhan." I said, arching one brow. Binalik ko lang ang sinabi ni tito Rick.

This is the hardhearted girl that the Lorenzo created. Naging ganito ang katigas dahil sa inyo—dahil kay Lorenzo. I don't want your forgiveness. Parehas-parehas lang natin hindi gusto iyon.

They are all astounded looking at me. Habang si Mama, tumakbo siya paakyat sa second floor nang walang lingon sa amin—o sa akin.

I'm sorry, Ma. I'm so sorry. Please forgive me. I don't wish for an early forgiveness...but I hope you will...soon.

I looked away and let my tears fell on my cheeks.

**

Gabing-gabi na nakauwi si Papa galing sa trabaho niya. Nalaman na rin niya ang nangyari kanina sa bahay dahil sa mga tito at tita ko. But he never believed on them. I mean sa ginugusto nila. Pinakinggan niya lamang ito ngunit hindi pinaniwalaan. That's the good side of my father. I hope everyone's will be like my father in this way. That you're gladly to hear anyone's side but you're not going to believe them all. Na ang paniniwalaan mo lang 'yong katotohanan at ang makakabuti.

Sinabi rin sa akin na nakausap ni Papa si tito Alexander. He told me sa lahat ng mga ebidensya na binigay ko ay wala ng laban si Lorenzo. Even he has the greatest lawyers. Wala nang magagawa iyon. Hindi lang kaso ni Mama ang nakapatong sa kanya. Pati yong iba sa business na mayroon siya naglabasan. Lalong tumibay 'yong kaso. He falsified some documents which is against the law. Dapat lamang pagbayaran niya 'to. Wala na rin nangyari sa kasong sinasabi niya tungkol kay Mama. Wala na siyang ibabato pa. Dapat lamang na makulong siya.

Huminga ako ng malalim nang makarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto nila Mama at Papa. Saktong bumukas ito at bumungad si Papa sa akin.

"You want to talk to her?" he asked.

I nodded.

Papa smiled at me. He kissed my forehead and whispered, "Your mother is having a hard time accepting all these things, Leigh. You know how much she loved Lorenzo. Kahit na may ginawa ito sa kanya. But I know...maiintindihan ka niya. Maiintindihan niya tayo." I hugged Papa. Ilang beses akong tumango sa kanya. Hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko. "She's just having a tough time...I hope we'll continue understand her."

Kumalas ako ng yakap kay Papa.

"Opo. Naiintindihan ko po. I will not change my decision anymore. Wala ng mangyayari pang himala o ano man." I gulped.

"I know. And Papa is so proud of you. You, my princess, being this brave and strong. You're not heartless, you're just being protective, Leigh. I love you. And always proud." Hinalikan pa muli ako ni Papa sa noo. Tumango ito at binigyan ako ng daan papasok sa kwarto nila. Narinig ko na lang ang yabag niya papalayo.

I breathe a sigh. Tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang sa huminto ako malapit sa kama nila kung saan nakatagilid at nakatalikod si Mama mula sa pwesto ko. Huminga muli ako ng malalim bago umupo sa kama. Sana gising pa siya.

"Mama...I hope you're still awake." Kinapa ko ang kama nila. Nakita kong hinatak ni Mama ang kumot sa kanya hanggang sa naging hanggang leeg niya 'to. She's awake. "I hope you forgive me. Papa said you're having a tough time. Maghihintay ako hanggang sa maintindihan at mapatawad mo 'ko sa ginawa ko. I love you, Ma. Ginawa ko 'yon para sa 'tin—para sa'yo. Mahal na mahal kita, Ma. I hope for your forgiveness...soon. When you realized things will be better without him—without Lorenzo. We'll be safe. You'll be safe." Napalunok ako. Iniangat ko ang tingin ko sa kisame nila para lang mapigilan ang emosyon ko. "I am still Leigh Scarlett, your baby. I love you, Mama."

Tumayo na ako ngunit wala akong narinig na kahit anong salita sa kanya. Tinititigan ko siya at kadiliman ng kwarto nila. Tumulo ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo sa akin.

"I love you, Ma. Please talk to me..." I choked suddenly. Napatikom ako ng bibig at huminga ng malalim.

And I still got no words from her.

It's okay. Naiintindihan kita, Ma.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon