Kabanata 27

3.7K 92 8
                                    

Kabanata 27

Not true


Nanginig ang laman ko sa nakita ko. Pasalit-salit ang tingin ko kay Jezel at sa mga litrato. Halos mawala na sa porma ito sa sobrang higpit ng aking pagkakahawak.

"Sa tingin mo maniniwala siya sa'yo?" sumbat ko at binalibag sa kanya ang mga litrato.

Tumawa naman si Jezel. "Of course, Leigh. Hindi ka pa ba malandi ng lagay na 'yan?" anito sabay ngisi. "My man will always believe in me. Pag nakita na niya 'yan, mawawala lahat ng pinaghirapan mo. Babalik siya sa akin." Pinagpag niya ang damit. Kinurba niya ng maarte ang kanyang labi at tumalikod sa akin. Maarte siyang naglakad hanggang sa nagsalita muli. "Umiyak ka na ngayon para ngayon lang ang sakit. Cry, Leigh. Cry now. He will never come back to you...not this time, my ex-cousin." At patuloy siyang naglakad hanggang sa makalabas ng bahay. Tinitigan ko ang likod niya hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

Napalunok ako.

I didn't notice I was holding my breath in that time.

Napabuga ako ng malalim na hininga at binaling ang tingin sa mga litratong nakakalat sa sahig. No...of course, I won't cry. Hindi siya karapat-dapat dito. At hindi maniniwala si Benj. Desperada lamang si Jezel. Ngunit hindi ko siya hahayaan sa binabalak niya. Kung mawalan man ako ng pasensya sa kanya, pasensyahan na lang, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya.

Siguro minsan mahina talaga ang babae kapag sa pag-ibig. Hinahayaan nilang lamunin sila ng nangingibabaw na emosyon na mayroon sila hanggang sa hindi na nila maisip na mali na ang ginagawa nila. Like Jezel, she'll do everything to wreck us. Pero sa pinaglalaban niya siya ang talo. Dahil sa una palang ako ang pipiliin ni Benj.

**

Ginamit ko ang kotse ni Papa para makapunta sa bahay nila Lana at Sebastian. Unfortunately, hindi makakapunta si Papa at Mama dahil may importante silang gagawin. Pati si Densel. Hindi ko na hiniram iyong kotse ng magaling kong kambal dahil baka mapagsabihan na naman ako.

Hindi naman naging mahirap ang pagbyahe ko papunta sa kanila dahil hindi naman traffic o may kung ano man.

Today is Lana's and Seb's house blessing.

Kagabi ko lang nalaman dahil pinatay ko ang phone noong mga hapon dahil sa text na natatanggap ko kay Benedict. Even I blocked him ay may panibago muli. Pinatay ko na lang para hindi ako mainis ng sobra at sugurin na lang siya. At isa pa sa nalaman ko ay magkapitbahay lamang sila Lana sa bahay ni Benj.

Napahinto ang kotse sa tapat ng village para usisain at tanungin ako ng security guards. Pinapasok naman nila ako nang malaman na isa ako sa bisita ni Lana. I think Lana gave these security guards the list of visitors they'll have. Pinaandar ko muli ang kotse hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay nila. Bukas ang gate kaya pinasok ko na lang ang kotse. May ilang kotse na rin na naka-park sa garahe nila. Nasa kotse palang ako ay hindi na magkumahog si Lana nang makita niya ako. Bumaba na ako dahil baka madulas pa ang gaga dahil basa ang daan sa kaninang ulan.

"Leigh! Ba't ngayon ka lang!" masaya nitong bati. Lana's wearing a pink floral dress. Babaeng-babae ang pananamit niya at gusto ko siyang asarin. Maybe Seb obliged her to wear this dress. Ayaw kasi niya mag-dress. Like me, mas gusto naming ang jeans and shorts.

"Mas gusto ko ganitong oras pumunta, bakit ba?" sagot ko.

Pinalo naman niya ko sa braso at ngumiti. She's really happy. The way her eyes light up with happiness and contentment. Sa mga kilos lang niya alam kong masayang-masaya siya ngayon.

"I miss you...urgh! Yuck!" anito sabay kapit sa braso ko. "Saan mo nabili 'yang lacy crop top mo! Ang ganda!" tanong nito habang naglalakad kami papasok sa bahay nila. Hindi kalakihan ang bahay nila ngunit sapat para sa kanila o sa katulong nila rito kung meron man. May maliit na garden ang bakuran nila. Mas malaki pa 'yong garahe nila.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon