18

8 2 3
                                    

Bumalik ako gaya ng sabi niya nakita ko siyang naghihintay sa akin dahil nakatingin lang siya all the time sa pinto at nung pumasok ako nagkatinginan kami pero umiwas ako ng tingin sa kanya at umupo ng tahimik sa harap niya.

"You buy ng mga books?" Pagtatanong niya sa akin dahil mukhang nakita niya iyong mga libro na binili ko sa National Bookstore. Tumango naman ako sa kanya at napansin ko tila may tinatago siya pero hindi ko na pinansin dahil mas nangingibabaw ang selos pero ano nga ba magagawa ko? Wala akong karapatan.

"Let's start" malamig na sabi niya

"Sino iyong kasama mo kanina?" Pagtatanong ko sa kanya bago niya kunin ang mga binili kong books.

"That's my cousin galing siyang US." sagot niya sa akin at tumango lang ako.

cancel ang selos

Tinignan ko ang bawat galaw niya, ang gwapo niya talaga, Mestizo sa sobrang puti akala mo araw araw siyang lumalaklak ng gatas, ang mga labi sobrang pinkish nito at ang nipis, ilong niyang napakatangos na kulang na lang tusukin ka sa sobrang tangos, mga mata niyang singkit, mahahabang pilikmata, sobrang kapal na kilay, at blondee niyang buhok na mas lalo niyang kinapogi. Ano pa nga bang masasabi ko kay Casmiro? Lahat nasa kanya na. Matalino, Mabait, Gwapo, Matangkad at Singkit. Kaya malabong magustuhan ako kase ganito lang ako na klase ng babae.

"Stop staring at me" nabaling ang tingin ko agad sa booklet ko at iniiwas ang tingin sa kanya. Sabi niya subukan ko daw sagutin kung may konti akong alam, basic naman itong pinasagutan niya kaya kahit konti may alam ako.

"Not bad, 40/100 words ang alam mo great." Sabi niya pero hindi siya nakatingin sa akin kinakabahan ako hindi ko alam sasabihin ko dahil kinikilig ako sa papuri niya.

"Bakit ka nagvolunteer na turuan ako?" Pagtatanong ko sa kanya, nilapit ko ang mukha ko at nakangiti hindi naman niya ako tinignan at patuloy lang siyang naghahanap ng maari niyang ituro pa sa akin na mga basic words.

"I want" mahinahon niyang sabi kaya napalitan ang aking ngiti ng kilig, tumabi ako sa tabi niya ngunit hindi naman siya nagreact.

"Paasa ka" mahinahon kong sabi at nagsimula na ulit niya akong tinuruan.

Nandito pa din kami mag aalasingko na nandito pa rin kami sa library infairness mas naalala ko kapag siya nagtuturo sa akin. Pwede na siguro ako magtop 1, magtop 1 sa puso niya.

"Nin-na?" Pagkakabanggit ko sa Niña nabubulol talaga ako 'ñ' hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga mabanggit siya ng maayos.

"Nin-ya, isipin mo it's letter y" sabi ni Casmiro habang iyong kamay siya at umiikot na parang ferris wheel para makuha ko ang tamang bigkas nung salita.

"Nin-ya" sagot ko sa kanya habang tumango siya sa akin

"One more, Vie" sabi niya sa akin kinakabahan pa din ako sa kanya hindi ko alam kung bakit pero kapag nakatingin siya sa akin iyong mundo ko parang nasa kanya lahat.

"Nin-ya" tinapik niya ang ulo ko napatingin naman ako sa kanya ng gulat

" You're a fast learner, good job, Vie. Tomorrow ulit" sabay kaming lumabas ng school at nilalakad ang kahabaan ng Anonas, Pagkatapos nun ay dumating naman na din iyong kotse dahil uuwi ako ng Angono.

"Bye, Cas thanks a lot!" Sigaw ko sa kanya at kumaway lang siya sa akin pabalik ng walang emosyon.

sana magtuloy tuloy

what's the meaning of te amo? | EpistolaryWhere stories live. Discover now