"Alright. Fine. Luke Dashiel will take over the camera." I shrugged ever so casually at them.

"Great!" ipinalakpak ni Savion ng isang beses ang kamay niya at sinimulan na nilang mag-usap tungkol sa magiging break down ng scenes. Umirap ako at nanahimik sa kinatatayuan. Naramdaman ko ang paglapit ni Luke Dashiel sa tabi ko. My mood was forgotten and I'm suddenly feeling anxious.

"Are you thirsty?" my stomach flipped at the sound of his voice. It was husky and low. A plain whisper and yet... It sounded alluring. I feel seduced. Shit.

"A little." I sound parched. And maybe I am. Hearing Luke Dashiel talk like that made my mouth feel dry. Damn. Hindi ko alam kung nag-iinit ang pakiramdam ko dahil sa araw o nag-iinit ako sa ibang dahilan.

"Here." inabot ni Luke Dashiel sa harapan ko ang bottle. I gave him a small nod and a silent thank you before reaching for the drink that he bought for me.Naramdaman ko na may gustong siyang itanong sa akin pero hindi niya alam kung paano itatanong iyon.

Bago pa makapagsalita si Luke Dashiel ay tinawag siya ni Savion. Tumingin siya sa akin at mukhang may pag-aalinlangan sa mukha niya. He doesn't want to leave my side. I know that. I don't want him to leave but that would be wrong.

"Sige na, they'll tell you what to do." tumango ako sa direksyon ng mga ka-grupo ko na nakapuwesto sa isang lamesa na may malaking umbrella. Sumimangot si Luke Dashiel pero sa huli ay tumango siya at lumapit sa kanila.

Naiwan si Luke Dashiel kasama ang mga lalaki namin na ka-grupo na hindi na kailangan magbihis. Kaming mga babae naman ay bumalik na sa kanya-kanyang room para makapag-ayos na. Muscle tee at mini-shorts ang ipinatong ni Savion sa bandeau top at bikini bottom niya. Ako naman ay pulang halter bikini top at bikini bottom na hindi kita dahil sa maikling faded jean shorts. Ayaw ko magpakita ng masyadong balat sa camera kaya nagsuot ako ng maluwag at manipis na white shirt. Hindi ko isinara ang butones at nagsilbing bilang cardigan ko.

Matapos magbihis ay bumalik kami sa lamesa. Nandoon na ang lahat at kaming dalawa na lang ni Savion ang hinihintay. Nangunguna si Savion sa paglalakad. Kanina niya pa sinasabi sa akin na excited siya samantalang ako ay hindi maipinta ang mukha.

Luke Dashiel's head turned when someone called for us as we approached. Sa akin agad tumama ang mga mata niya. Umuwang ang kanyang bibig at nanlaki ang mga mata ng makita ako. Inalis niya ang tingin sa akin at mabilis na tiningnan ang mga lalaki na kasama na ngayon ay nakatingin din sa amin. Sunod na inilibot niya ang mga mata sa paligid bago ibinalik ang mga mata sa akin. Napakagat siya sa labi at mukhang naiinis.

Problema nito?

Tumayo si Luke Dashiel at tumabi sa akin nang makalapit kami. Si Savion ang nangunguna at ipinagpaliwanag kung ano ang mangyayari sa unang scene. Hindi ko siya marinig ng maayos dahil sa lalaking katabi ko. Ramdam na ramdam ko ang madidiin na titig na binibigay niya sa akin kaya hindi nagtagal ay nilingon ko rin siya.

"What?" kunot noong tanong ko.

"Button up, please?" malambing na pakiusap nito.

"Ha?" tiningnan ko ang suot niyang damit at napansin na naka-butones naman lahat iyon.

"Your shirt." pinasadahan niya ang katawan ko bago inangat ang mga mata niya sa mukha ko. Namumula ang buong mukha niya at parang nahihiya. "You're showing too much skin. They're looking, Avis."

Biglang nag-init ang buong mukha ko. Tiningnan ko ang paligid at mukhang wala naman nakatingin sa amin dahil abala silang lahat sa pag-uusap. Ibinalik ko kay Luke ang mga mata ko. Nakatayo siya malapit sa akin halos magkadikit na ang katawan naming dalawa.

Denying Affinity (Affinity #1)Where stories live. Discover now