Chapter Twelve : Stuck in Prison with her

7.6K 205 28
                                        

Warning: You might encounter typographical errors, grammatical errors, disturbing scenes, and explicit contents ahead. Brace yourself.


Khalani Ann's Point of View

"What? Bakit nasa presinto ka? Papunta na kami ni Khareen jan."

Pinatay ko kaagad ang call nang marinig ang boses ni Mommy sa kabilang linya na pinapagalitan si Kuya Khyron.

Oo! Umabot kaming dalawa ng babaeng ito sa presinto dahil nahuli kami sa sobra-sobrang pagpapabilis ng sasakyan kahit ang limit lang sa daanan na 'yon kung saan kami nahuli ay 40 hanggang 60 lang.

At masama pa ay ang babaeng nakasakay sa loob ng Mustang na 'yon ay ang kaklase at kaaway ko na si Zephyra.

"This is all your fault. Masyado kang assuming na pabilisan tayo. Gaga ka ba? It's normal for us to drive like that since we are driving fast cars." Hindi matigil ang reklamo ni Zephyra sa harapan ko habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.

Umiral ako sa sinabi niya at nag cross arms din katulad ng ginawa niya.

"Wow ha! Napa-wow kiffy ko sa sinabi mo lahat-lahat. Parang tanga lang ha! Ikaw nga 'tong kaskaserang magmaneho na muntik makasaga ng isang bata at apat na magkakaibigan kanina dahil sa sobrang gahaman mo sa daan." Balik na reklamo ko rin pero mukhang nainis na ang nagbabantay na pulis sa'min dahil pinalo nito ang mga rehas.

"Tumigil na kayo mga ma'am, para makalaya na po kayo. Please lang, ang ingay niyo masyado."

Umirap si Zephyra sa pulis habang ako ay umiwas nalang ng tingin.

Hanggang sa nakakabinging katahimikan ang bumalot sa maliit naming selda. Hindi ko rin naman maunat ang mga paa ko dahil baka mag reklamo nanamang ang prinsesang kasama ko, baka mamatay na ako rito sa seldang 'to. Puro reklamo nalang din ang natatanggap ko mula pa kanina.

Napaayos ako nang upo nang biglang may sumitsit mula sa kabilang selda na puno ng mga lalaki kaya napalingon ako sa direksyon kung saan ako nakarinig ng paswit.

"Ganda! Pst!"

"Ang sarap mo,"

Nagpapantig ang mga tenga ko sa mga naririnig galing sa mga mukhang adik na nakakulong sa kabilang selda. Sinamaan ko sila ng tingin sa tumalikod nalamang ng pag-upo. Ngayon ay nakaharap na ako kay Zephyra na nakabusangot habang masama ang tingin sa sahig.

"What are you looking at?" Nang-gagalaiting tanong niya sa'kin at nag-angat ng tingin sa'kin.

Napataas naman ang aking kilay sa inasal niya. Umayos ako ng upo pagkatapos ay nagsimulang mang-asar.

"Wala naman, napansin ko lang na may kamukha ka." Pang-aasar ko sakanya at ngumiti.

Umismid naman siya at umirap.

"Who?"

"Nanay mo,"

Tameme naman itong nakatitig sa'kin na para bang hindi nakuha ang biro ko kaya kumaway ako sa harapan ng kanyang mukha.

"Pogi ba ako? Napopogian ka na ba sa'kin kaya ganyan ka makatingin? Ayos lang 'yan, Zephyra." Mayabang na sambit ko at tumawa ng malakas kaya para namang nagising siya mula sa pagkalutang niya.

After Almost Perfect || COMPLETED (BOOK 1-BOOK 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant