"KUYA"

1 0 0
                                    

Isa, isang palo pa, kainis na iyan, nakatakas pa ang isa.

Hanggang sa nainis na ako at pinawalan ko ng maraming palakpak pero hindi pa rin maalis ang nakakainis na lamok.

Hindi lang lamok, langaw, mga langaw!

“Ugh, Istorbo kainis!”

Kanina pa sumasakit ang likod ko dahil hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao, ako pa at mukhang sa likod ko pa nilagay lahat ng problema sa mundo. Ang sakit ang an*mal!

“Teka? Na saan nga ba iyon?”

Nandito lang pala 'to, kinuha ko ang isang kutsilyó at itinuloy ang ginagawa.

“Kuya!”

Nandito na naman siya, ang kabataan talaga ngayon sobrang nakakainis, istorbo, walang galang.

“Kuya, tigil mo na 'yan, kumain ka na.”

Ilang beses ko ba 'tong pagtitimpian, pasalamat siya't may galang ako kila inay at kung hindi, kanina pa siya—.

“Junior, s-sige na, kumain ka na.. busog pa ang kuya mo.” Sagot ko rito, sinusubukan kong maging mahinahon dahil ayaw ko namang baka sabihin ni inay at itay na masama ang ugali ko.

“Kuya! Ano ba? Isang linggo ka nang hindi kumakain, tulungan mo yang sarili mo!”

Anak ng p—'

At dahil don napatayo ako sa tinuran niya.
Napansin niya ang mga dúgo sa pulso ko pero tinago ko iyon sa likod ko.

“Shhh...Junior, kapatid ko, ayaw kitang saktan, pwede ba umalis ka na?” Mahinahong saad ko at pagkatapos ay ibinaling namin pareho ang paningin namin kina inay at itay.

“Baka magising sila, sige ka.” Dagdag ko pa at saka muling tumabi kila inay.

Inayos ko kumot ni inay at hinalikan ito sa noo. “Ano, junior, tatayo ka lang d'yan maghapon?!” Medyo tumataas na ang boses ko.

Naiirita kasi ako sa kaniya dahil ito na naman siya, umiiyak habang nakatingin sa akin, napaka sira*long bata!

“K-kuya, kumain ka na, tulungan mo sarili mo! Tanggapin mo na wala na sila itay! Hayaan mo na sila!”

sa galit ko ay binunot ko ang palak*l na naka-baon sa noo ni itay at inihagis iyon kay Junior.

Sapul!

Nalaglag naman ang plato na hawak niya nang matumba ito sa sahig. Nagkalat ang— yak, nakakadiri ito para banggitin.

“Junior! Bunso, sorry! sorry! Hindi sinasadya ni kuya!” Pag-iyak ko sa walang b*hay kong kapatid.

“Anak, kumain ka na, itigil mo na 'yan.”

Boses ni itay, kasama niya si inay na nakatayo sa harapan ko. Napagapang ako pa-atras. 

Nakangiti lang sila sa akin. Mukha namang masaya si inay, kita ko mula sa mga mata niyang inuuod.

Wala akong magawa kun'di alugin ang ulo ko at umiyak, at tumawa. “Sige po, ina.”

Saad ko at saka dinampot ang plato at kutsara sa sahig, maingat kong tinuklap ang bungo ni Junior para mas lalo kong maayos na mahalukay ang utak niya.

“Kaya pala hindi nakikinig sa'kin 'to, maliit ang utak, nakakabitin.” Biro ko pa at humalakhak mag-isa na bumulabog sa mga daga na nagtatakbuhan dito sa amin lumang tahanan, sa probinsya ng bulacan.

—End
[Written by Genesis Alvarez]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MIDNIGHT STORIES- Horrors and Thrillers collection.Where stories live. Discover now