"BUKSAN MO ANG PINTO!"

14 3 0
                                    


A Short Story by Genesis Alvarez

* * * *

‘Masaya naman ang maghapon pero nakakapagod, too tired para pansinin ang buhay ng mga tao sa paligid ko, pagpasok ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga na, iidlip ako kaunti.

Hindi na ako nagbihis pa, nagtanggal lang ako ng bra para makahinga naman ako ng magaan habang natutulog at tuluyan na nga akong nilamon ng antok.

Sa kahabaan ng tulog ko, parang hindi ako makahinga, hindi ko maigalaw ang katawan ko, gusto kong kumawala pero hindi ko magawa kaya sumigaw ako.

At dahil don nagising ako sa sarili kong ingay, sakto namang kumakatok na si mama. ‘Tok, tok, tok.’ mabilis at agrisibong katok, nakakapagtaka, tanging katok lang ito na parang nagmamadali.

“Ma?” tanong ko.

“Anak, buksan mo 'to, halika na.”Pagyayaya ni mama, nagtataka ako, kakain na ba? saan kami pupunta? Bakit siya nagmamadali?

“Ma, bakit kayo natataranta?”Hindi ko alam pero nagtataka na talaga ako, parang may mali dito.

Lumakas pang lalo ang katok, pero mas malakas na siya ngayon at may halong pagtulak sa pinto.

Biglang tumunog ang cellphone ko, someone texted me, si mama yon.

Nabitawan ko pa ang phone ko matapos kong mabasa ang text ni mama.

“Anak, hindi na kita ginising dahil mukhang pagod na pagod ka, nasa hospital kami ngayon, sinugod namin yung kapatid mo, mataas lagnat. kumain ka na lang dyan, nagluto ako ng paborito mo.”

It was her text years ago, hindi ko alam kung bakit paulit-ulit na nagnonotif sa phone ko yong message niya na ‘yon, naka-ilang beses na akong delete sa message na yon, binlock ko na rin ang old number ni mama, pero paulit-ulit akong binabangugot ng gising,

Hindi ako pinapatahimik ni mama, naalala ko ang tagpong iyon, kumakatok siya pero hindi ko siya pinansin dahil pagod ako, magisa niyang isinugod ang kapatid ko bago siya maaksidente sa kalsada, bago sila maaksidente ng kapatid ko.

Oo, kasamang napamahak ang kapatid ko, dahil sa isang rumaragasang taxi; —at ngayon, nasa sulok naman siya ng kwarto ko,

Nakangiti siya sa akin at nakaharap sa pwesto ko, diretsong nakatitig ang mga mata niya sa akin.

“Ate, tawag ka ni mama, sumama ka na sa amin.”

End-

Wattpad Account:
@Baguhang_Manunulat

MIDNIGHT STORIES- Horrors and Thrillers collection.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon