Sayaw sa Hangin

10 6 3
                                    

Mahirap ba ang maging isang magulang? Hanggang kailan kaya ang magagawa ng isang magulang para lang mapasaya ang kanilang anak?

Kapapasok palang ni Alyanna sa eskwelahan nang makita niya ang kanyang estudyante nasa pinakaunang building. Naglakad siya patungo sa estudyante niya para sana utusan ito. Ngunit, natigilan siya nang marinig niya na may kausap ito.

"Pwede ba! Huwag ka nga pumupunta sa room ko!" inis na bulyaw nito sa kausap.

Kumunot naman ang noo ni Alyanna, tila ba'y nagtataka siya sa sinabi nito. Napatingin siya sa taong kausap ng estudyante. Si Aling Winnie, ang isa sa mga janitress na nagtatrabaho sa eskwelahan, at magulang din ito ng estudyante niya.

"Bakit? Gusto ko lang naman ihatid ang baon mo sa tanghali, anak," banayad na sabi ng janitress.

"Basta! H'wag kang magpapakita sa labas ng room namin. Nakakahiya! Ayaw kong malaman ng mga kaklase ko na isang janitress lang ang nanay ko rito!" pabalang na sabi ng estudyante.

Napahawak sa bandang dibdib si Alyanna dahil sa sinabi ng estudyante niya. Kumirot ng bahagya ang puso niya na parang nakakonekta ito sa sakit na nakita niya sa mata ni Aling Winnie. Humakbang ulit siya papunta sa mag-ina.

"Andrea." Tawag niya sa kanyang estudyante.

Hinarap agad siya ng estudyante niya.

"M-Ma'am... good morning po," bati nito sa kanya. Nakaramdam naman ng kaba ang estudyante dahil baka narinig ng guro niya ang mga sinabi niya sa kanyang ina.

"Narinig ko ang sinabi mo sa iyong ina. Believe na believe pa naman ako sa score na nakuha mo sa Edukasyon Sa Pagpapakatao, dahil ang akala ko alam mo na ang tama sa mali, ngunit nagkamali pala ako roon. Dahil sa narinig ko ngayon... napagtanto ko na ang lahat ng sagot mo sa papel ay hindi mo isinasapuso," dismayadong saad naman ni Alyanna.

Kumirot ulit ang puso niya nang inirapan lang siya ng estudyante niya.

"Ma'am, hindi ba sa pag-aaral, ang ginagamit ay utak, at hindi puso? Ginamit ko lang naman ang utak ko para makapasa, at para lang tumaas ang grades ko, kaya bakit kayo ganyan sa akin kung maka-judge? Akala mo naman perpekto kayo!" pabalang na sagot ng estudyante.

Pumikit ng mariin si Alyanna dahil sa naging sagot ng estudyante niya. Isang pagkabigo ang naramdaman niya ngayon, hindi para sa kanyang estudyante kundi para sa sarili niya. Dahil sa buong buhay na pagtuturo niya... akala ni Alyanna nagawa niya na ang lahat. Akala niya naituro na niya sa kanyang mga estudyante ang tamang asal at pag-uugali, pero hindi pa pala.

At mas lalo pang nadismaya si Alyanna na matanto ang sinabi niya kanina. Dala ng bugso ng damdamin imbes na sawayin o payuhan ito, ininsulto niya pa ito. At dahil doon hindi niya na maiwasan pigilan ang ala-alang kusang pumuslit sa kanyang isipan.

"Andrea, teacher mo 'yan. Huwag kang bastos," saway ni Aling Winnie sa anak.

"Tsk. Pakialamerang teacher!" sabi ni Andrea at saka umalis.

"Andrea!" tawag naman ni Aling Winnie sa anak ngunit hindi na ito lumingon pa.

Sinundan ng tingin ni Alyanna si Andrea. Napansin agad ni Alyanna na ang kilos at ang pananalita ng kanyang estudyante, pati na rin ang ugali na mayroon nito, ay nagpapaalala sa kanya sa kabataan niya.

"Ma'am, pagpasensiyahan n'yo na 'yong anak ko. Ako na po humingi ng despensa sa sinabi ng anak ko sa inyo," ani Aling Winnie.

Umiling agad si Alyanna. "Ako dapat ang humingi ng despensa sa inyo, Aling Winnie. Sana hindi ako nangialam sa inyo, at sana pinayuhan ko na lamang siya. Hindi rin po kasi maganda ang sinabi ng anak n'yo sa inyo," marahan na saad ni Alyanna sa janitress.

Sayaw sa HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon