13

26 1 0
                                    

Just what I've expected, I am one of the few student that was chosen to represent our course sa sponsored tour. Kasama rin si Allison. Isa siya sa magre-represent sa Accounting Department. Bukod kay Allison, may isa pang kasama na talagang hindi mawawala sa mga ganitong tour.

Aside from being the basketball captain, he was also a dean lister. Tinatangi siya kaya hindi puwedeng mawala sa mga representatives ng Engineering Department si Logan Bustamante. That must've been the reason why Gavreel reacted that way in the cafeteria yesterday.

Mahina akong napabuga ng hangin. He was grumpy after that lunch and onwards. He was grumbling something at napapailing na lang ako kapag naalala kung ano iyon.

"Hi," I greeted meekly at the newly arrived Allison.

"Naghahanda ka na ba?" Humila siya ng upuan sa aking harap saka binaba ang hawak na portfolio sa lamesa. "Sa monday raw ang alis. Three days daw 'yon."

"Oo. Tinatapos ko rin yung mga tasks na siguradong magagahol akong tapusin dahil sa tour. Ayoko ng may inaalala pagkauwi ko." Iyon nga lang ay mukhang hindi rin ako mawawalan ng iisipin.

"You so damn stressed," taas-kilay na puna niya. Nakamasid pala sa akin. "Ganon ba kadami iyon?"

How I wish academic tasks lang ang iniisip.

Umiling ako. "Hindi. May iniisip lang ako..."

"And who?"

Napatingin ako sa kanya. Am I really that readable for her to guess correctly na tao ang iniisip ko?

"Let me guess, si Gavreel?" Ngumisi siya.

"Gavreel kaagad?" Bahagya akong napairap. Yes, she's right, but Gavreel being the first guess makes me wanna shake my head.

"Well, bukod sa kanya ay wala namang ibang kumukuha ng atensyon mo these past few days. You even spare me less attention," may bahid ng sarkasmong saad niya pero natatawa naman.

"He keeps on grumbling yesterday," kuwento ko. Napailing ulit ako nang maalala. "I'm a little afraid he would postpone the tour suddenly."

Tumaas muli ang kilay niya. "And why?—Oh, of course." Napahalakhak siya na may kasabay palakpak pa. "Nandun pala ang crush. Syempre magseselos si manliligaw."

Parang sasakit din ang ulo ko sa mga sinasabi nito ni Allison.

Unti-unting humupa ang saya ni Allison hanggang sa muli siyang magtanong. "Sino ba kasing nag-approve ng tour na 'yon?"

Doon ako napairap. "Who else? Edi siya!"

Once again, our table was filled with her laughter. Pati tuloy ako ay nadadamay kaya natawa na lang din.

"What a dumbass!"

Monday finally came. Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa school na kami. I waved my hand when I saw Allison entered. Saglit muna siyang nakipag-usap sa mga ka-course niya bago ako nilapitan.

"Tabi tayo!" Nangingislap ang mga mata niya. She really likes outdoor activities like this.

Tumango naman ako. We talked about something randomly when my eyes caught two people entering the hall. Mahina akong napahugot ng hininga at napansin iyon ni Allison. She followed my eyes.

She clicked her tongue. "I almost forgot about these two. Now my day's spoiled."

Magkasabay na pumasok si Logan at Kathrine. Saglit lang nahanap ni Logan ang mga kasama niya at nakipagbati. Meanwhile, Kathrine roamed her eyes probably to find her friends but to my shock, nang makita ako ng mata niya ay nangislap ang mga iyon.

Into His Arms Where She Belongsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن