14

21 1 3
                                    

Sa Zambales gaganapin ang tour kung saan may mga seminar at ilang water activities na gagawin kaya mahaba ang biyahe namin. The whole travel was comfortable despite the fact that there's a man similar to a leech in my side.

Mahimbing ang tulog ni Gavreel sa aking tabi pero hindi nakalimutan ng braso niyang kumapit sa akin. Nakasandal sa aking balikat ang ulo niya. His soft snoring kept me awake, but not in a bad way. I actually find it relaxing.

Tahimik kong pinapanuod ang paglagpas ng aming sinasakyan sa mga bahay na nadaraanan nang biglang tumunog ang cellphone ako.

Lintik 'tong katabi ko! Ang ingay na nga kapag gising, ginawa pa akong sandalan!

Natawa ako pagkabasa sa message ni Allison. I typed.

'Endure a little bit, please. Malapit na rin naman tayo.'

Sandali lang bago ako naka-recieve ng reply.

'At malapit na rin mapigtas ang pasensya ko!'

Mahina na naman akong natawa at hindi na nagreply. Gavreel stirred beside me. Unti-unting nagbukas ang kanyang mga mata.

"Are we there yet?" maaligasgas ang tinig niyang tanong. Umangat siya mula sa pagkakaunan sa akin saka sumandal sa upuan. Dahil matangkad ay nagawa niyang masandal ang batok sa upuan.

"Malapit na. Mga twenty minutes siguro," sagot ko.

I watched him beng his neck side after side. Ngayon ko lang napansin ang pagod sa kanyang mukha. He looked worn off but because of his face, it was hard to notice. Lihim akong napabuga ng hangin. Sana lahat ganyan din. Stress pero guwapo pa rin.

"Natulog ka ba?" Hindi ko na napigilan.

He just moaned his answer, his eyes are still closed. Lumiit naman ang mga mata ko. He's lying. Three days ang tour na 'to at sa tatlong araw na iyon ay paniguradong marami siyang dapat gawin sa trabaho, but he's here. I'll bet that he finish those works last night just to come.

"Gavreel...hindi mo naman ako kailangang sundan dito. You have work. You're...not like us, you know. Alam ko na marami ka ng responsibilidad," seryoso kong sabi.

Nagmulat ang mga mata niya. He titled his head so he can look at me. Namumungay pa ang mga mata.

"Hindi ko rin naman magagawa ang trabaho ko nang maayos kapag wala ka. Hindi ako mapapakali, Averina, kung nanatili ako roon pagkatapos ay nandito ka...kasama ang lalaking 'yon." Sumeryoso ang kanyang tingin sa akin pero may kalambutan pa rin. "I felt like... I would lose you if I let you leave alone. Ayokong mawala ka, Averina..."

Napalunok ako. Naroon na naman ang kabig sa aking dibdib. Sobrang lakas na pakiramdam ko ay malalagutan ako ng paghinga. May emosyon sa kanyang mga mata na hindi ko mapangalanan pero nagbibigay ng init sa aking puso. Kahit ganon ay hindi ako nag-iwas ng tingin. I let myself drown in the depths of his mysterious and warm eyes.

"You didn't avert your eyes." May maliit na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. "Are you finally feeling something for me?"

Yes, Gavreel, I do. But I don't know what's this. Sometimes it scares me that's why I avoid you. But sometimes it makes me feel something I can't explain and it makes me confuse.

How I want to say those words but I don't want to confuse us both. Mas mabuti nang ako lang ang nakakaalam.

Truthfully, around twenty to thirty minutes ay nakarating na rin kami sa hotel kung saan kami magi-stay. Dala-dalawa sa bawat room. Magkasama kami ni Allison habang kasama naman ni Gavreel si Rafael bagay na ikinaligaya ng lubos ng kaibigan ko.

Into His Arms Where She BelongsWhere stories live. Discover now