VIII : PAGSIBOL

581 109 123
                                    


A/N: Hello there! Please be advised that this chapter contains R-18 terms. Please read with caution. Minors, look away.

"May plans ka ba later?" Dinig kong tanong sa akin ni Sylv sa kalagitnaan ng aming pagkain ng agahan. Ito na ang ika-apat na almusal na aming pinagsaluhan sa loob ng isang linggo nyang bakasyon mula sa kanyang trabaho.

Napansin kong halos patapos na itong kumain, marahil ay dalawa o tatlong subo na lang ng pritong danggit at sinangag ang nalalabi sa plato nito. Habang ako'y sinisimot ko na lamang ang mga kaunting mumu ng kanin sa aking pinggan.

Pinalipas ko ang ilang segundo bago ko ito sagutin, sapagkat hindi ko rin tiyak kung may nais ba akong pagkaabalahan ngayong araw. O siguro'y kalakip na nito ang nararamdaman ko pa ring kahihiyan sa kalaswaang ginawa naming dalawa kahapon na tanging ako lamang ang nakakaalam.

Buong akala ko'y napakahusay ko na sa larangan ng paghahabi ng kasinungalingan, ngunit isa itong pagkakamali. Sapagkat sa tuwing titingin ako sa mga mata ni Sylv, ang tangi kong maaalala ay ang sabay naming pagsalsal sa kanya-kanya naming banyo, habang pinakikinggan ko ang malamyos nitong pag-ungol sa aking pangalan.

Tangina naman talaga.

"Hmm, hindi ko pa alam." Tipid kong sagot. "Bakit?"

"Mall tayo?"

"Momol tayo?!" Pasinghap kong tanong. Tinakpan ko pa ng isa kong palad ang aking bibig upang ipamalas ang labis kong pagkagulat. "Sa harap pa talaga ng pagkain, Sylv? OMG ka!"

"Buang!" Ismid nito, sabay pitik nito sa aking noo. Akala yata nito'y hindi ko napapansin ang biglaang pamumula ng kanyang mga tenga. "Puro ka talaga kalokohan!"

Napakunot ako dahil tila langaw lang na dumapo sa aking noo ang mga daliri nito. Hindi katulad ng mga pitik na nakasanayan ko mula kay Yuki na halos mabiyak ang bungo ko sa lakas. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na pagdating sa akin ay laging maingat si Sylv sa mga kilos nito dahil tiyak ko namang hindi ito lampa. Pero bakit?

"Joke lang, eto naman," ngumuso ako na tila nagtatampo. "Maka-buang ka ah, nandidiri ka yata eh."

Patukso ko lang naman itong sinabi subalit kitang-kita ko kung paano natigilan ang itsura nito.

"Uy, hindi ah." Agad nitong bawi, sabay gagap nito sa aking kamay. Tila nag-init na namang muli ang talampakan ko sa pagdaiti ng aming mga balat. "Sorry na."

Hindi ko man gusto ay binawi kong muli ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito. Mahirap na. Baka kumaripas na naman ako ng takbo sa banyo nang wala sa oras.

"Masyado kang seryoso. Nagjojoke lang ako," pag-irap ko dito. "Anyway, anong meron? Bakit ka nag-aaya mag-mall?"

"Uhm, I want to get you some new stuff. Clothes, shoes, anything you want." Pagpapaliwanag nito. "Hindi pa kasi tayo nagde-date eh, baka nababagot ka na dito. What do you say?"

May kung ano na namang kakatwang sumibol sa aking dibdib. Isang mainit na pakiramdam, ngunit walang kirot. Subalit tila tambol na dumadagundong sa lakas at bilis ang tibok ng aking puso. Kailangan ko na siguro talagang magpa-checkup.

"D-Date?" Nauutal kong tanong. Bakit nga ba sa dami ng sinabi ni Sylv ay yun lang ang naintindihan ko? "Tayo? Date?"

"Yeah, I mean, friendly date." Paglilinaw nito. "We're friends, right?"

Hindi ko na naman napigilan ang marubdob na pag-ikot ng mga mata ko sa tinuran nito. Friends? Oh.

"Ayoko, tinatamad ako." Tugon ko. Totoo rin naman na hindi ako mahilig sa shopping shopping na yan. O mas wastong sabihin na hindi ko ito nakasanayan. "Maayos pa naman yung mga damit na binigay mo sa akin. Puro bago nga yun eh. Yung iba may tag pa."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sugar! Oh, Honey! Honey!Where stories live. Discover now