Dear you [1]

97 4 0
                                    

Dear Chester,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dear Chester,

Noon, hiniling ko talaga sa Panginoon na sana, balang araw...makakatagpo rin ako ng lalaking para sa 'kin. Naiisip ko pa kung paano malalatag yung kuwento naming dalawa; titira kami sa malaking bahay, sabay na aalis papunta ng trabaho, susunduin niya ako at sabay kaming uuwi, ipagluluto niya ako ng paborito kong pagkain, magkatabi kaming matutulog, at siya ang una kong makikita paggising sa umaga. Simple lang naman ang gusto ko. Pero iba yata ang plano sa 'kin ng panahon.

Isang araw, no'ng nasa Grade 12 pa lang tayo, naaalala ko pa rin kung paano mo nabihag ang puso ko. Masama ang lagay ng panahon ng umagang yun; malakas ang buhos ng ulan. Malamig ang simoy ng hangin. Napakagaan sa pakiramdam. Ang problema nga lang ay maraming estudyante ang hindi makakababa mula sa bukid at makakapasok sa paaralan dahil sa sama ng panahon. Delikado para sa mga bumabyahe kasi napapadalas na yung baha no'n. Marami sa kaklase natin ang late o absent...at isa ka na ro'n.

Sa kalagitnaan ng pakikinig ko sa 'ting guro ay bigla ka na lang dumating at nakuha mo agad ang atensyon ko. Naalala ko pa ang araw na yun: basang-basa ang buhok mo; ang jacket mo na luntian ay basa rin; hindi ka nagsapatos, sa halip ay suot mo yung paborito mong tsinelas; ang kulay abo mong pantalon medyo basa; at hinihingal ka rin, paniguradong tumakbo ka magmula sa gate patungo sa gusali natin.

Pero ang 'di ko talaga makalimutan,  sa 'di maipaliwanag na dahilan, ay parang bumagal ng takbo ng oras. Napatitig lang ako sa 'yo at sinundan ka ng tingin nang magtungo ka sa upuan mo. Ang guwapo mo pala, do'n ko lang napagtanto. Hanggang sa unti-unting nag-iba yung epekto mo sa 'kin. Hindi ko inakalang ang dating kaklase ko na binabalewala ko lang ay naging espesyal sa 'kin sa isang tingin lang.

Do'n na ako nagsimulang magpapansin sa 'yo; nilalapitan na kita, tinatanong, at kinakausap. Mas napapadalas na rin ako sa pagdadasal na sana ay hindi ka liliban sa klase araw-araw at sana magkasama tayo sa mga group activities. Tuwang-tuwa ako 'pag nagsasama tayo, kahit na normal lang tayo na nag-uusap, pero yung puso ko ay parang sasabog na sa lakas ng pintig. Ang ganda ng ngiti mo. Nakakalunod din ang mga titig mo. Ang sarap din haplusin ng buhok mo. Hindi ko rin mapigilan ang pagguhit ng ngiti ko na hindi maalis-alis. Binubuo mo ang araw ko at pinapasaya mo ako kahit wala ka namang ginagawa, presensya mo lang...sapat na.

Pero sa paglipas ng mga araw ay naramdaman kong hindi sapat yun. Naghangad pa ako ng lubos. Nawala sa isip ko na napakalabong mangyari ng gusto ko. Binalewala ko lahat. Wala akong ibang gusto no'n kung hindi ang maging mas malapit pa sa 'yo. Hindi na ako pumapasok para matuto; pumapasok na ako para sa 'yo. Kaya minsan, 'pag wala ka, lugmok na lugmok ako. Hindi buo ang araw ko at wala akong gana para sa lahat.

Kinilala kita. Pinag-aralan ko ang mga gusto mo. Do'n talaga tayo nagsimulang magkasundo nang matuto ako sa paborito mong nilalaro na video games. Sabay na tayong naglalaro; nagtatawanan 'pag nananalo tayo at naiinis sa tuwing natatalo naman. Mas naging madalas ang pagsasama natin, binabalewala ko na ang mga kaibigan ko noon dahil mas importante ka sa 'kin. Ewan ko ba. Adik na adik ako sa 'yo noon.

Sa tuwing break time ay bumibili talaga ako ng tig-dadalawa ng pagkain para sa 'ting dalawa. Sinisiguro ko rin na marami ang binabaon kong ulam at kanin para maibahagi ko rin sa 'yo ang iba tuwing tanghalian. Binibigyan din kita ng mga kopya ng mga pelikulang alam kong magugustuhan mo. Binabahagi ko rin sa 'yo ang mga sagot ko sa takdang-aralin at sa mga pagsusulit. Mas nagsunog ako ng kilay para lang magmukhang matalino at nang may mailaan akong mga sagot sa 'yo sa tuwing kailangan mo. Gusto ko ibigay sa 'yo ang lahat no'n, mapasaya lang kita. Gusto ko no'n tumulong sa 'yo palagi para sa 'kin ka na lang lalapit palagi.

Mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko sa 'yo nang mas lalo pa tayong naging malapit. Pumupunta na ako sa bahay n'yo at pumupunta ka rin sa bahay namin para tumambay o kaya ay gumawa ng mga takdang-aralin o proyekto.

Alam mo...no'ng inabutan ka ng ulan habang nasa bahay ka namin ay tuwang-tuwa ako dahil pumayag ka na sa 'min na lang matulog dahil sa lakas ng ulan. Hinding-hindi ko makakalimutan yun. Pinahiram kita ng damit ko at saka magkatabi tayo sa kama ko. Pero hindi ka kaagad nakatulog dahil naninibago ka at hindi ka sanay na sa ibang natutulog. Naglaro tayo no'n habang magkatabi. Hanggang sa umabot tayo ng madaling araw. Nakatulog kana at ako gising na gising pa. Gusto kitang yakapin no'n at halikan ang pisngi mo habang tulog ka. Alam kong yun na lang ang tsansa ko. Pero hindi ko magawa. Nakokonsensya ako. Natatakot ako na baka magising ka at mag-away tayo. Ayokong mawala ka sa buhay ko.

Pero laking-gulat ko nang ikaw mismo yung yumakap sa 'kin nang magising ka at umayos ng puwesto. Nanlamig ako. Hindi ako makagalaw. Ramdam ko yung hininga mo sa tainga ko at dinig ko rin ang mahina mong hilik, kasabay ng pagdagundong ng puso ko. Nakaharap ka sa 'kin habang ako ay nakatitig lang sa kisame; hindi malaman ang gagawin. Huminga ako nang malalim at saka tumagilid at niyakap ka rin. Nakatulog ako nang mahimbing. At buong magdamag tayong nagyakapan.

Pomegranate SkiesWhere stories live. Discover now