CHAPTER 39

47 2 31
                                    

TULALA lang akong nakatingin sa ding-ding, at iniisip kung anong plano nila sa'kin bukas. Gutom na gutom na ako dito pero pinilit ko pading hindi kainin yung pagkain ng aso na binigay nila sa'kin.

Subrang sakit na yung tiyan ko pero pinilit ko nalang na iwasang alahaning gutom ako. Ayukong magkaulcer ulit dahil masakit iyon.

"Ayaw mong kumain mamatay ka kapag hindi ka kakain."natatawang sabi sa akin ni Marcos.

"Mas mabuti nanga yun para hindi nila na ako makita pa."mahina kong sabi na sakto lang na ako lang yung makakarinig.

"Ilang buwan na kitang hindi nakikita, pero sa ilang buwan na yun sabik na kitang mayakap man lang."kalibutan ka sana sa pinagsasabi mo.

"I don't want to see you then naman, and now I know how demon you are mas gustohin ko nalang mamatay sa gutom."inirapan ko ito at hindi pinansin.

Malala pa sa malala ang sakit ng ulo ko ngayon, hindi ko alam kung saan ko ba ibabaling yung ulo ko dahil sa pagkirot nito.

"AHHHHHH!!"napahiyaw nalang akong napahawak sa ulo ko at napahiga sa sahig dahil sa subrang kirot nito.

"Anong nangyari sayo?"hindi ko mawari kong nag-alala ba siya sa kalagayan ko o talagang masaya siya sa anong nangyari sa'kin ngayon.

Peste ang sakit."Anong nangyari sayo? Bakit?"sunod-sunod nitong tanong sa akin.

"Ang sakit ng ulo ko!"sigaw ko na naman. Ano bang nangyari sa akin.

Ito ba ang epekto ng hindi kumain at ng ilang oras. At sa kinamas-malasan naman wala pa akong dalang cellphone dahil iniwan ko nalang kila tita Janice.

Kahit patak man lang ng tubig hindi nila ako binigyan kundi kanin lang naman iyon na pagkain ng asong gala.

"Sandali lang."iniwan niya ako nagmamadaling lumabas ng kulungan nila dito na akala mong lagayan ng basura.

Ilang segondo lang ay nakita ko na siya at may dala itong mineral water.

"Uminom ka muna wala na kaming pagkain para ibigay ko sayo."kinuha ko ito sa may kamay niya ininom ito dahil sa pagkahalong gutom at uhaw naubos ko iyon.

Napangiti ako ng kunti dahil kahit papaano hindi niya padin nakalimutang alalahain ako at yung kunting pagsasama namin.

"Salamat."simpleng ngiting ginawid ko naman dito.

"Pasensya kana at nandito ka sa ganitong sitwasyon, hindi ko naman alam na ikaw pala ang pinapahuli niya sa akin."malungkot itong umupo sa harapan ko at pinagtitigan ang mga kamay nito.

"Ano bang nangyari sayo? Bakit ka pumasok sa ganitong sitwasyon kung alam mo namang delikado."__Lollie.

"Naipit ako wala akong pagkuhaan ng pera."__Marcos.

"Pera? Para saan?"

"Pang bayad ng hospital ni Mama, alam mo namang siya nalang yung natitira kung kayamanan kaya gagawin ko lahat ang makakaya ko para lang maging maayos lang siya."mabait naman talaga itong tukmol na ito eh, hindi lang makikita sa mukha ang kabaitan dahil siga ito sa kanto.

THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈  (ON GOING)Where stories live. Discover now