[ 15 ] Training

177 6 3
                                    

CRIZA


"So, how are you feeling?" Harvey asked as we carried our lunch trays and walked to an empty table nearby. Wala pang students dahil maaga para sa regular lunch time. Actually, kaka dating ko lang sa school at may pinasa lang ako sa coach ko. Tapos nakita ko si Harvey na naglalakad kaya sinundan ko lang. 


Napagdesisyonan ko na igaslight ang sarili over the weekend at tinangkang hindi uminom ng gamot laban sa delusionals ko. Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko na happy crush lang naman. Gusto ko lang nung kilig at kapag kailangan ko ng butterflies on my stomach, titignan ko lang sya. Parang photocard ni Mingyu, anjan lang sya para pakiligin ako.


Kungbaga, gagamitin ko muna si Harvey para pakiligin ako pero kapag naf'feel ko na close to the edge na ako at malapit na akong mahulog, masaktan, ma-heartbroken at mamatay; out na ako. 


Lalayo na ako for good. 


Ang drama ng lalayo na for good pero ganon ang game plan ko. Risky man maging komportable pero wala naman masama dito. Kung may masasaktan man ako, baka ako lang 'yon. Hindi naman sa pagiging user 'to kasi wala naman akong gagawin, inaangkin ko naman feelings ko at hindi ko ip'push sakanya.


I weighed the pros and cons and thought to myself, panandaliang kilig will cause no harm if I remain in the surface level of my attraction to him and always remind myself not to get too close. I made a mental note to myself that the moment I felt like I was too close, sibat na tayo.


Sadyang parehas lang talaga kaming bibo at laging magkasama as leaders. At kung yung lagi naming pagsasama tapos ako pipigilan ko kilig ko, a-acting na nagm'move on, baka maging kabag pa sa tyan kakapigil ko. So, I'm gonne let myself be happy for a moment. Sino ba ayaw ng kilig? Mga hihindi, liar kayo. 


"All is well. Na-void panalangin mo na hindi pa ako makakapasok ngayon," I joked and sat, "Thank you pala for paying for my lunch," I said.


He sat across me. "You need food to recover fully, so eat up," he said, slightly nodding to encourage me to eat. 


Kita nyo na? Paano ako magm'move on jan aber? Ang dami ko ng nabasang libro at wala don ang nag sabi kung paano mag move galing sa crush mong binibilhan ka ng lunch.


Pasubo na sana sya ng pigilan ko sya at hawakan sa braso, "Magdasal muna tayo," paalala ko. He immediately put down his utensils and said, "Sorry. Go on," 


I led the prayer and thanked God for the graces, and then we ate right after.


Bago ako kumain, kinalkal ko muna ang  kaldereta ko at naghanap ng mga green peas. Hindi ako mahilig sa greenpeas at sa pasas sa ulam. Feeling ko lang kasi na pinipilit ng mga green peas magblend sa ibang ingredients ng kaldereta pero hindi talaga, eh. Nagiiba ang dining experience ko kapag nakakanguya ako ng green peas habang kumakain.


"You don't like peas?" Harvey asked, maybe noticing me removing the peas on my ulam.


"Nope. Hindi ako nabibilang sa mga taong mahilig sa greenpeas at pasas sa ulam," I said. When satisfied, I immediately went in for a bite.  


take a chance {crizvey}Where stories live. Discover now