[ 11 ] Pantropa

206 6 5
                                    

CRIZA


'Kung sino-sino pa'ng tinatawagan mo, nandito lang naman ako

At kung saan-saan ka pa naghahanap, nandito lang naman ako'


[1-800-anti: haha, nabasted ako ng crux ko haha]

[1-800-anti: inalagaan then what?!]

[1-800-anti: okay lang ako 😃👍🏼 *umiyak*]

[1-800-anti: ang akin lang, ba't di na lang ako?!]

[1-800-anti: ang lungkot lungkot ko, hindi mo pa ako nir'reply-an]

[1-800-anti: jok lang, mamaya na lang sige. enjoy your day. ingat ka.]

[1-800-anti: may song recommendations ako]

[1-800-anti: oks lang by john roa]

[1-8oo-anti: gagi by joseph sabello]

[1-800-anti: sino ba naman ako? by mau marcelo]

[1-800-anti: de ok lang talaga! nilalaro lang kita. ingat ka kung nasan ka man]

[1-800-anti: hmp, magkano kaya crushback no'n, babayaran ko na lang]


Finlood ko ng message ang kaibigan kong si Chip habang nakahiga ako sa kwarto ko, nakasasak ang earphones sa tenga. Kakatapos lang namin mag hagaan, at lahat ng nasa bahay ay nags'siesta ngayon. 


Hindi ko masabi kina Esnyr ang nararamdaman ko kasi ang branding ko sakanila, inis ako kay Harvey at niy'yuck ko sila kapag inaasar nila ako sakanya. Kaya kay Chip ko lang nasasabi 'to kasi hindi nya ako ij'judge. Hindi naman nya kilala si Harvey at kung anong dynamic namin sa school.


[chocochip.mp3: i'm sorry. i was outside. i'll reply to you as soon as i can]

[1-800-antihero: issoki, ingat ka!]


Busy ang aking friend kaya nag scroll na lang ako sa ibang social media accounts ko. I decided to do my school stuff later, yung hindi na masyadong mainit dahil parang piniprito na yung braincells ko. 


Inulit ulit ko yung stories nina Ashley at Bianca, at iba pa naming mga schoolmates na nagattend ng debut ni Bianca kagabi para maspot-an ko lang kung humabol si Harvey. Kahit anino nya hindi ko nakita, kaya baka hindi na talaga sya pumunta.


Invited naman lahat ng taga S.C., kami lang ata ni Harvey ang hindi nakapunta dahil sa workshop kahapon. Ang saya nga nila tignan eh, parang ang sarap nung tinutungga nila kagabi. Sarap sana i-inom yung pagluluksa ko sa namayapa kong organic crush kay Harvey pero tinulog ko na lang. Id'discover ko na lang ang bago kong coping mechanism, dati kasi nag b'binge watch ako ng Raffy Tulfo pero simula nung nag senador sya, bahala na sya sa buhay nya. Baka next sa list ko mag crochet, or maging plantita. Who knows, anong distraction mad'discover ko while I'm moving on?


May bagong story si Bianca, tinap ko 'yon at kita mo nga naman. Magkasama pala sila ni Harvey ngayon. May caption na 'someone's getting back from his absence yesterday and took me on a movie day. thank u user:hrv.bts 🤍' picture yon ng nakatalikod na si Harvey, nakapila sa sinehan.


Tignan mo 'tong lalaking 'to! Akala ko ba 'A'? Ba't si 'B' kasama mo ngayon? Tas kahapon si 'C'? Ano? Nangongolekta ba 'to ng alphabet of girls like infinity stones? Awit ka jan, sir. Masama yan, tigil mo yan. 

take a chance {crizvey}Where stories live. Discover now