Epilogue

16 2 1
                                    

Sebastian Gale Castillo

Hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na ako. Pinagmamasdan ko ang wedding ring ko na kumikinang sa ganda. Until now it feels like a dream.

A dream that I never imagined I will be.

Para pa rin akong nasa cloud nine kapag iniisip ang nangyaring kasal sa amin ni Kendrick.


Flashbacks

"Sebastian okay ka na ba?" Narinig ko ang boses ni Ruby sa labas ng grooms room. Tama kayo ng iniisip, ngayong araw kasi ang kasal namin ni Kendrick.

Sa haba haba ng preparation para sa kasal na ito, finally matutuloy na rin.

Inabot din ng limang buwan ang pagpaplano dahil gusto nila mama, tita at sila ate Paula na maging perfect ang wedding ko. Nagpapasalamat naman ako sa kanila dahil tinulungan nila ako sa paghahanda.

At ngayon nga ang araw ng aking kasal. I'm going to be Mr. Estaris!!!

Narinig kong bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang pinsan kong si Ruby na nakasuot na ng kanyang silver dress. Kabilang kasi siya sa mga maid of honors namin.

"Woah look at that you're so handsome Seb." Ang papuri nito sa akin na kinapula naman ng pisnge ko. Ano ka ba alam ko naman iyon hahaha.

"Thank you, ready na ako ikasal." Ang sabi ko sa kanya matapos ang make up artist ayusan ako. Ngumiti ako kay Ruby.

"Mukhang ready ka na nga tara na." Ang aya nito sa akin. Siya kasi ang mageescort sa akin papunta sa venue ng kasal ko.

Paglabas namin sa kuwarto na iyon at bumungad sa akin ang iba pa naming maid of honor at best man. Nakatayo si Hugo kasama si Ate Paula na agad bumati sa akin.

"Congratulations bakla akalain mong sa altar din pala ang tuloy niyo sabi ko naman sayo eh!" Ang bati ni Hugo sa akin na kinatawa ko, kahit kailan talaga napatabil ng bunganga nito.

"Salamat Hugo." Ang pagpapasalamat ko dito. Kahit sa province lang kami nagkakilala tinuring ko siya agad na matalik kong kaibigan.

"Tara na Gale." Ang aya ni Ruby at hinatid ako katabi si mama.

Pumwesto naman ang lahat papasok sa venue.

Nasa garden kami dahil dito namin napili ni Kendrick na magpakasal dahil kadalo rin namin ang mga naging malapit sa amin sa probinsiya na ito.

Nasilayan ko pa nga si Hugo na hinahatak ni kuya Kiyo. Hmm, may something talaga sa dalawa na iyon.

Pinagmasdan ko ang mga flower boys namin si Gelo at Gian na pumasok sa venue ang mga guest naman namin at nagsitayuan, isa isa silang pumasok.

Nang ako na ang papasok tinignan ko muna si mama na nakangiti sa akin.

"Tara na anak." Ani niya at sinamahan ako sa aisle maglakad.

Rinig na rinig ko ang tugtog ng piano at ang lyriko ng kumakanta habang naglalakad papalapit kay Kendrick.

Let me tell you now all that's on my mind
For a love like yours is oh so very hard to find
Looked inside myself now I'm very sure

Hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa lalaking nag-aatay sa akin sa altar. Ang gwapo niya sa black suit niya na may puting rosas sa bulsa sa kanyang dibdib.

Napaka gwapo ng mapapangasawa ko.

There can only be you for me
I need you more and more...

ES1 - Mistakes (BL Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon