PROLOGUE

3 0 0
                                    

Ize's POV

October 23, 2023

It's our CBAA Week and everyone is excited. Maraming inihandang activities ang officers ng mga orgs kaya naman maraming pwedeng salihan. May academic and non-academic activities silang inihanda. Dun tayo syempre sa non-academic kasi di na nagana utak ko para sumali pa sa academic activities.

Four days of doing our chosen activities and the last day of course, ay ang CBAA Night. Excited na kami ng mga friends ko.

Di pa nagsisimula ang week namin pero nakabili na kami ng susuotin namin. We would not take the risk na kung kailan celebration na ng week namin is tsaka pa kami bibili ng outfit namin.


4 Days Later

October 27, 2023

It's finally our CBAA Night. The venue is so big, kasyang kasya kaming buong department ng CBAA.

Humanap na kami ng mga kaibigan ko ng table na malapit sa stage para kitang kita namin ang mga magiging performance later.

Nag dim na ang light hudyat na magsstart na ang program. Palingon lingon ako sa likod namin kasi hinahanap ko si Kit. Oo, siya yung naging crush ko nung time ng admission and entrance exam.

Kalilingon ay nakita ko na rin siya sa wakas, kasama niya ang mga kaibigan niya na sina Kylie. Naka maroon na suit si Kit at bagay na bagay ito sa kanya, idagdag mo pa ang hikaw nito na mala ahas na nakapulupot sa tenga niya.

Hays, ang pogi niya talaga. Ramdam ko tuloy ang pamumula ng pisngi ko sa kilig.

Humarap na muli ako at balak na muling panoodin ang daloy ng program. Nakakahiya kasi dahil feeling ko ay sobrang halata na may gusto ako kay Kit, kaya naman aabalahin ko na lang ang sarili sa panonood.

Ngunit pagkaharap na pagkaharap ko ay nakita ko si Ezra na kasama ang mga kabanda na nasa unahan di kalayuan sa table namin.

"Ano ba yan, panira ng araw" nakanguso kong bulong.

"Gagi, anlapit ni Ezra sa'tin" impit na tili ni Nattie, isa sa mga kaibigan ko.

Isa siya sa nagkakagusto sa babaerong Ezra na yun. Di ko nga alam kung anong nakikita niya at ganun na lang kalabis ang pagkakagusto niya sa lalaking yun. Di naman lingid sa kaalaman ng kaibigan niya na madaming nagkakagusto kay Ezra.

Bahala na siya, basta napagsabihan ko na siya na wag na siya sa lalaking yun at maghanap na lang siya ng iba na mas matino.

Dumako na ang programa kung saan tutugtog na ang banda nina Ezra.

"Let's all welcome the university's band, Ecstacy!!" anunsyo ng host.

Labis na lang ang sigawan ng mga tao. Di naman lingid sa kaalaman ko na sikat talaga sila. Balita ko nga ay nagpeperform sila sa ilang events dito sa Sta. Cruz o di kaya ay sa mga bar.

Hindi ako nakisigaw kasi bukod sa ayaw kong masaktan ang lalamunan ko ay yamot ako sa bassist nilang si Ezra.

"Ang una naming kanta ay para sa mga taong mayroong nagugustuhan!!" sigaw ng vocalist ng Ecstasy na si Neo.

Nagsigawan muli ang mga tao nang nagsimula na silang tumugtog.

Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa'kin
Tila merong pahiwatig ako'y nananabik
'Di naman napilitan kusa na lang naramdaman
Ang 'di inaasahang pag-ugnay ng kalawakan

Nagsigawan ang mga tao nang rumehistro sa utak nila ang unang kanta na tinutugtog ng Ecstacy.

Ibon sa paligid umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso

Nangingiti ako habang pinapakinggan ang kanta because the song reminds me of my feelings for Kit.

Giliw 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapa-amin mo amin mo
Giliw nagpapahiwatig na sa'yo
Ang damdamin kong napagtanto na gusto kita

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan
Binibigyang kulay ang larawan na para bang
Ikaw ang nag-iisang bituin
Nagsisilbing buwan na kapiling mo
Sa likod ng mga ulap
Ang tayo lamang ang tanging magaganap

Ibon sa paligid umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso

Giliw 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapa-amin mo amin mo
Giliw nagpapahiwatig na sa'yo
Ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita

Di ko napigilan na lumingon sa likod at sinulyapan si Kit na ngayon din ay nakangiti habang nakikisabay sa kanta. Shall I shoot my shot after these?

Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita

Habang nakatingin si Ize sa banda nina Kit ay di niya napagtanto ang titig ni Ezra na sa kanya ngayon ay nakapukol.

GlanceWhere stories live. Discover now