CHAPTER 1

3 0 1
                                    

Ize's POV

I'm on my way sa paradahan ng jeep papuntang Sta. Cruz para sa papasukan kong school for college. It's a 30 minutes ride so not that bad, liban na lang kung traffic and matagal mapuno ang jeep.

Should I go for a dorm? Sayang din kasi ang pamasahe kung uwian gagawin ko pero let's think about that pag malapit na ang pasukan. Aasikasuhin ko muna 'tong admission and entrance exam.

I have already arrived sa may main gate and andami nang nakapila na under CBAA. I'm taking Bachelor of Science in Office Administration.

Sa totoo lang, di ko talaga alam ang kukunin kong program pero dahil isa akong malaking gaya gaya at takot kumuha ng ibang program kasi mahirap edi ito ako ngayon, nakapila sa program na wala akong kaalam alam liban na lang sa about office work related ang ita-tackle.

We're on our way sa computer lab 3 sa may CCS building daw kasi andun ang mga computer. Malamang, computer lab nga diba?

Napansin ko na ako ang naunang natapos pero syempre para di halata na binasta ko lang yung iba ay naghintay ako sa iba na matapos tsaka ako tumayo at sumunod palabas.

"Everyone, remind ko lang na always check your email kasi dun niyo malalaman if pasa kayo and kung kailan ang interview niyo with one of the faculties" sabi ng isa sa mga nag assist samin sa exam.

Alam kong hula lang yung iba sa sagot ko pero sana naman pumasa ako.

Palabas na sana ako ng campus nang may makasalubong akong grupo ng magkakaibigan.

Gago? Ang pogi at cute nung isa. Di ko maiwasan na sundan siya ng tingin hanggang sa nawala na silang magkakaibigan sa paningin ko.

"Ano kayang program niya?" napatanong na lang ako sa sarili. Di ko maiwasan na mapangiti kasi ang cute niya talaga plus I like the way he smiles.

Ize, kalmahan mo lang. Ni hindi ka pa nga tapos ng G12 pero may crush ka na agad pag nagpasukan na ngayong college.

At dahil nga tapos na ako mag exam at di maalis sa isip ko ang cute niyang ngiti ay nag senti muna ako at kumain sa may Caliraya Lake.

It's a very stressful day today. Bat ba kasi nauso yang college na yan. Ni-hindi pa nga natatapos pagdurusa ko ngayong G12 tas nag aasikaso na agad ng requirements for college. Wala ba talagang hinga hinga?



3 Months Later

On the way na ako papuntang Adelphi Luna University para lang asikasuhin ang sira kong portal. Isang linggo na lang at enrollment na namin tas biglang naabno ang portal? Kung gagawa kayo ng portal please lang, pakiayos. Pagsisisihan ko pa ata 'tong university na 'to pero nevermind, kiber lang.

Pumila na ako sa CIT para ipaayos ang portal at para na rin maging smooth ang transition, I mean, transaction kapag nag enroll na ako next week.

Wala pa nga pala akong kilala na kumuha ng same program as me from my batch. Manifesting na makahanap ako ng friends sa first day of class.

Aalis na sana ako ng campus nang may makasabay akong grupo ng kalalakihan na may mga dalang instrument.

Band practice?

"Ezra, balita ko may kausap ka ngayon na TM ah? Landi mo talaga tol, parang kailan lang may kausap ka rin na Educ ah?" sabi ng lalaking moreno.

"Magtira ka naman samin tol" sabi naman ng lalaking chinito na kulot ang buhok.

"Ulol, saan niyo naman nakuha yan? Busy ako gitara ko tas sasabihan niyo ako na andami kong kausap?" nakangising sabi ng lalaking naka salamin at mullet.

"Babaero" napanguso ako at napabulong na lang.

Ganto pala sa college 'no? Kala ko di na makakalandi kasi dapat focus na sa pag-aaral tas...ayy ewan ko na lang.

Sana makita ko yung crush ko sa campus na nakita ko noong entrance exam. Tumango ako sa aking sarili at nagpatuloy na sa paglabas ng campus.



Lingid sa kaalaman ni Ize ay narinig siya ng lalaking sinabihan niya ng 'babaero'. Napailing na lang 'to sa sarili at napangisi. Ang ingay kasi ng mga kaibigan niya.








Hello guys, kamusta first chap? HAHAHA







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GlanceWhere stories live. Discover now