01

7 2 0
                                    

Kasalukuyang naglalakad sina Cas, Orion, Reid, at Kael. Ang iba nilang kaibigan ay hindi kasamang umuwi dahil may mga taga sundo ang mga ito.

“May sagot na ba kayo sa binigay na assignment ni Sir Axon?” Biglang tanong ni Reid.

“Ha? May assignment palang binigay?” takang tanong ni Orion.

“Ay oo, pero bukas pa naman ipapasa ‘yon” kalmadong sagot naman ni Cas.

Samantalang si Kael naman ay nasa cellphone lang at naglalaro ng online games.

“Kael,” Hindi pa rin lumilingon si Kael, nang tawagin ito ni Orion. “Kael, hoy!”

Hindi pa rin ito lumingon kaya lumapit si orion dito at yinakap ang leeg nito nang patalon. Hindi umangal si Kael at tinawanan lang si Orion. “Bakit ba? Kumukulit ka na naman, hahaha”

“E, kasi naman, kanina pa kita tinatawag” Pasimangot na sabi ni Orion.

Abala sa pagbabasa si Cas kaya hindi nito pinapansin ang mga kasama. Habang si Reid naman ay nagtataka at naiilang na sa kinikilos ng dalawa.

Nasa ika-apat na baitang ng highschool pa lamang ang mga ito. Ang balita ay may liniligawan itong si Kael at may boyfriend naman itong si Orion. Napaka sungit at nanakit o bumabawi itong si Kael kapag sinasaktan o binibiro ng mga kasama niya, kaya laking pagtataka ni Reid na ang haba ng pasensya ng lalaki Kay Orion.

Ang alam kasi ni Reid ay may gusto si Orion Kay Kael noong nasa ikatlong baitang pa lamang sila, kaso ayaw ni Kael sa kaniya. Noong nakaraan lang din sila naging close at magkaibigan.

Sa kabila ng pag-iisip, isinawalang bahala na lamang niya iyon.

“Oh, siya, hanggang dito na lamang ako. Ingat, guys” Pamamaalam ni Cas.

“Bye-bye!” Sagot naman ng tatlo. Kumaway kaway pa si Cas hanggang mawala ang mga kaibigan sa paningin nito.

“Malayo pa ang bahay niyo, ‘diba? Hahatid na kita” Napalakas ang pagkakasabi ni Kael dito kaya napalingon si Reid sa kanila.

Nahihiyang lumingon si Orion Kay Reid. “A-ah hindi na, magkalapit  din naman kami ng bahay ni Reid, ok na kami” Napakamot sa ulo si Orion.

“Oo nga, Kael”

“Hindi, hatid ko na kayo, baka mapano kayo. Sisihin ko pa sarili ko niyan” Pagpipilit ni Kael.

“Ok nga lang kami. Hindi porket babae kami, hindi na namin kaya. Nako, napaghahalataan ka na, Kael, ha” Pagpaparinig naman ni Reid.

“H-ha? B-baliw ka talaga, Reid”

“hep! hep! Oh, Mauna na rin kami. Kailangan na naming umuwi at baka mapagalitan pa kami, kael” Sabi naman ni Orion para maawat na silang dalawa. “Maggagabi na rin kasi”

“Sige, mag-ingat kayo, ha” Pinanood ni Kael na makaalis ang dalawa bago siya pumasok sa kanilang compound.

“Anong klaseng tingin na naman ‘yan, Reid” Bumuntong hininga ito nang mapansin ang mga titig ni Reid.

“Magtapat ka nga, may namamagitan ba sainyo ni Kael?” Kompronta agad ni reid kay orion.

“H-ha?! Ano ba ‘yang iniisip mo, Reid. Alam mo namang may boyfriend ako” Pagdedepensa naman ni Orion.

“Iyon na nga ang problema, may kasintahan ka, pero ano iyang ginagawa mo?”

“Mag-isip ka naman ng mabuti, Ori. Alam mo sa sarili mong mali ‘yan”

“Wala ngang namamagitan sa amin! Ma-isyu ka lang talaga” Nagulat si Reid nang sabihin iyon ni Orion. Pati si orion ay Nagulat sa kaniyang sarili. “Pasensya ka na, pero wala talagang nangyayari sa pagitan namin ni Kael, I love my boyfriend more than everything, Reid. Tsaka mag kaibigan lang kami ni Kael, may liniligawan din siya. Kung iniisip mo ay kung gusto ko siya hanggang ngayon kasi gusto ko siya noon, you're wrong” Pagpapaliwanag ni Orion Kay Reid.

“Nakikita ko kayo palaging magkasama, minsan pa nga naghoholding-hands kayo. Payo ko lang sa ‘yo ay tigilan mo at pigilan mo ‘yang ganiyang ginagawa niyo ni Kael, dahil kapag nalaman ito ni Cas, ewan ko na lang” Lumapit si Reid at yumakap Kay Orion. “Ingat ka, hintayin ko pa kasi rito si papa, sinundo lang niya ang kapatid ko” Sabay turo ni Reid sa bench sa tabi ng convenience store.

“O, sige. Ingat ka rin” Kumaway at umalis na ito.

Orion‘s POV:

Tama kaya ang suspetya ni Reid? Pero i didn't do anything wrong naman, ah? Ah, bahala na. Basta iiwasan ko na lang ang paglapit Kay Kael, para na rin hindi kami mag-away ni Reid, o ni Cas.

“Magandang hapon, Lola. Where's mama and papa po?” Sinalubong ko si Lola, Nagmano at humalik ako rito.

“Nasa loob, iha. You should go see them, Tulungan mo na rin silang mag ligpit at may darating na bisita mamaya”

Pumasok ako agad-agad. Sino kaya ang darating na bisita?

“Hello po, Magandang hapon, Ma, Pa” Linapag ko ang bag at dali-daling lumapit para bigyan sila ng yakap.

“Nako, Pawis na pawis ka, Magpalit ka ng muna” Punas-Punas ni Mama sa noo ko habang yakap ko sila.

“Halika nga,” Yinakap ako ng mahigpit ni Papa. “Papa, nasasakal ako!” Binitawan ako nito at tumawa.

“How‘s your day? Nag-aaral ka pa rin ba ng mabuti?” Bigla akong kinabahan nang tanungin iyon ni papa.

Malapit na ang card day, kinakabahan ako. Baka hindi ko abot ang with high honor na ipinangako ko sakanila. “Ako pa ba, Pa! Malamang, yakang-yaka ko ‘yon, ‘no!” Ngumiti ako at binigyan sila ng malaking thumps-up. Ayaw kong nadidisappoint sila sa akin.

“Siguraduhin mo lang, Buti naman at hindi ka nadidistract ng boyfriend mong ‘yan.” Sabat naman ni mama.

“Ma, naman” Sumimangot ako rito. “Oo na, Oo na. Magpalit kana roon at tumulong dito. “Sino po bang bisita, Ma?” Tanong ko bago Kunin ang bag.

“Dadalaw daw ang mga pinsan mo rito, kakarating lang nila Kila tita ivy mo kaya maghanda ka na, susunduin lang ni papa mo ang mga ‘yon. Papunta naman na sila”

“Sila Jacey po ba?” Tanong ko na naman.

“Oo” Sagot ni mama habang hinuhugasan ang mga sahog. Matapos sabihin iyon ay agad akong tumakbo para Magpalit na. Grabe, makikita ko na ulit sila Jacey. Antagal na rin noong last kaming nagkita.

_________________________________________

lolz:))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Treacherous Where stories live. Discover now