Script Version (WHOLE STORY)

1 0 0
                                    

Nag-bake si Nina ng isang cinnamon bread para kay Atlas, at pagkatapos nito ay agad siyang nagtungo sa kwarto nito upang ibigay sa kaniya.

Nina: Goodmorning, Dear.
Atlas: Goodmorning, Mommy! Ang bango naman po ng dala niyo!
Nina: Cinnamon bread at gatas, paborito mong almusal.
Atlas: Wow! Sa amoy pala nito ako nagising eh! Gutom na gutom na rin kasi ako.
Nina: Oh ito, kain mabuti ah.
Atlas: Hmm ang sarap!

[Nang makalahati ni Atlas ang tinapay, siya'y may napansin na kakaiba sa kaniyang kinakain]

Nina: Oh Atlas, ano iyon?
Atlas: Aaaaahhh!!

[Napasigaw at napaiyak si Atlas nang mailuwa niya ito at makita ang misteryosong bagay na kaniyang nginunguya]

Nina: Atlas! Aaaah! Kadiri kadiri!

[Dumating ang Lolo at Lola ni Atlas]

Juliette: Anong nangyayari?
Aaron: Oh diyos ko! Ano nanamang ginawa sa iyo ng ina mo?
Juliette: Ang kaniyang sinuka, may patas na ipis! Pinakain ba ito ni Nina....
Aaron: Ginagawa nanaman niya ito. Kailan ba siya magtitino.

[Isang galit na tinig at pagkatapos ay nagtungo kay Nina upang siya'y kausapin]

Aaron: Nina! Buksan mo ang pinto! Ano iyong ginawa mo?
Nina: Wala, di ko alam! Aksidente lang iyon!
Aaron: Aksidente? Huwag mo kaming pinagloloko! Kawawa ang anak mo sayo! Pinagbibigyan lang namin dahil alam namin ang pinagdadaanan mo, pero masyado ka nang sumosobra!

[Sasaktan na sana niya si Nina ngunit agad namang pinigilan ito ni Juliette]

Juliette: Tama na! Walang mabuting kahihinatnan ang gagawin mo!

[Sumapit ang gabi at masayang nakikipaglaro si Atlas sa kaniyang Lolo]

Atlas: Grandy, ayaw po ba sa akin ni mama?
Aaron: Apo hindi, bakit mo naman nasabi iyan?
Atlas: Kasi po....
Aaron: Atlas, mahal ka ng iyong mama at...
Atlas: Ayaw niya sa akin, kung mahal niya ko bakit niya ko inaaway.
Aaron: Atlas apo, may malungkot lang na pinagdadaanan lamang siya, kaya siya nakakagawa ng mga bagay na tulad nuon.
Atlas: Dahil po ba sa sakit ko? Yung down syndrome po ba yon?
Aaron: Hindi, intindihin mo nalang mo nalang ang mama mo, pero sa ngayon, huwag ka munang lumapit sa kaniya ah.

[Walang imik si Atlas at agad itong umalis. Sakto at maghahapunan na, kaya't silang lahat ay nasa hapag kainan.]

Aaron: Pakiabot nga ng ulam, apo.
Atlas: Here you go Grandy! The foor train will come chooog chooog!
.......
Atlas: Isa akong dinosaur! Kakainin na kita, kanin! Aaaarrrgh!
.......
Nina: Aaaahhh! Ano baa! Tama naaa!!!

[Nagdabog ar binalibag ni Nina ang kaniyang pagkain dahil sa inis nito sa kinikilos ni Atlas. Agad siyang tumakbo paakyat sa kaniyang kwarto. Si Atlas naman ay sinamahan ng kaniyang Lola upang patulugin ito]

Juliette: Gusto mo bang kantahan kita, dear? Para makatulog ka ng mahimbing.
Atlas: Opo! Gusto ko yung little snowflakes!

[Mahinhing umawit si Juliette hanggang makatulog si Atlas, pinagmamasdan niya ang napakainosenteng mukha nito. Sa kabila ng maraming gawain ni Juliette, bilang magulang, asawa,lola, at sa kaniyang trabaho,  hindi niya pa rin nakakaligtaan ang pagbibigay ng oras kay Atlas, lalo na sa mga panahong kinakailangan siya nito....araw-araw]

[Kinabukasan, nagusap ang magasawa patungkol sa kanilang magiging gawain sa trabaho. Sila ay magiging abala kung kaya't hindi nila gaanong malalaanan ng oras si Atlas. Dahil dito, naisipan nilang kumuha ng isang Nanny para magsilbing tagabantay sa kaniya.]

Juliette: Ayaw ko sanang iasa sa iba ang tungkulin ko.
Aaron: Hayaan mo, mukha namang maaasahan itong si Verity, masisigurado din niya na hindi magagalaw ni Nina si AtlasJuliette: Sana nga ay mapagkakatiwalaan siya. Napakadelikado rito para kay Atlas kung maiiwan siya kay Nina.
Atlas: Grandy, Granny. Sino po si Verity?
Aaron: Magiging kaibigan mo apo, bukas ay pupunta siya dito at babantayan ka. Gagawin niya lahat ng gusto mo. Maglalaro kayo buong araw.
Atlas: Wow! Excited na kong makita siya!

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 29 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

THE GOOD MOTHER Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang