CHAPTER 11: All alone..

9 3 0
                                    


[A/N: pls take note that there are few grammatical errors and typos here! Sorry talaga sa mga wrong grammarz and spellings! Hehe! Pasensya na din sa mga mura! Palamura lang kasi talaga si Kryziel!]



⚠️No edit²!

HAPPY READING EVERYONE!!

CHAPTER 11

Kryziel's POV:

"Edi putulin mo ang lubid na naka connect kay Keiran para hindi makaabot sa kanya! Isa ka pang tanga!" Inis kong sigaw sakanya.

Tama ba ang sinabi ko? Pati ako naguguluhan sa sinabi ko ehh. Ayy bahala na nga!

"We are only here to buy some foods right? We're not all here to cause trouble, am I right miss Kryziel?" Seryoso nyang tanong saakin.

At 'mi-niss' nya pa talaga ako? Hampasin ko kaya sya?!

Hinawakan na naman nya ang balikat ko. Bakit ba ang hilig nyo humawak sa balikat ko ha?!

I looked at Leo at sa mga unggoy na kumag na kasama nya.
"Fine...bitawan mo na ang balikat ko" mahinahon kong sabi sakanya.

Eto namang si Andrew, parang walang tiwala! Makatitig, alam na alam mo na talagang hindi sya naniniwala!

"Are you sure you won't cause any trouble?" panigurado nyang tanong.

Eto na nga ba ang sinasabi ko e! Wala talagang tiwala!

Pati din naman ako walang tiwala sa aking sarili hehe. Hindi ko alam kong totoo ba ang sinabi ko na hindi ko na sila papatulan.

"Oo nga!" sigaw ko at kinuha ang kamay nyang nakahawak sa aking balikat.

"Tara na... bumili nalang tayo para makaalis na kasi kapag hindi pa tayo aalis, alam na alam kong hindi mawawala ang init ng ulo mo sa kanila" sabi ni Andrew saakin.

Blah, blah, blah, alam mo pala ih!

Tinignan ko si Siren, may pasa talaga sya. Napakuyom nalang ako ng aking kamao.

Ang init ng mga titig nila sa isa't-isa. Itong mga kasama kong tukmol, parang ready na sa pagsabak pero pinipigilan lang talaga nila.

Gusto ko na talagang sapakin ang mga pagmumukha ng mga seniors na to kaso may epal e!

Tumalikod ako at sumunod naman si Andrew.

"Papalampasin namin ang ginawa mo kay Si ngayon pero sa susunod na gawin mo ulit ito, hindi ka namin uurungan" seryosong wika ni Andrew sa kanila habang nakatalikod.

"Talag---"

"Tristan!"

Anong papalampasin? Ikaw papalampasin mo pero ako hindi! Hindi dahil sa concern ako kay Siren, hindi ko lang talaga nagustohan ang ginawa nya kay Si at dahil ayaw ko na may magsasabi ng dapat namin gawin!

Kung ano man ang rule-rule na tinutukoy nila, wala akong pakialam dun!

"The fvck!" mura ni unggy #3 (si unggoy #1 ang sinuntok ko).

Nabigla ang lahat sa ginawa ko lalong lalo na si Andrew. Kala mo ha.

Akala nyo ganun-ganun lang? Huyyy! Hindi ha! Hindi! Sisikmuraan pa kita!

Mabilis na hinawakan ni Siren ang aking braso ng akmang sisikmuraan ko ulit ang unggoy.

Minsan talaga hindi ko sila maintindihan. Hawak ng hawak saakin! Kadiri!

HATRED CAN'T WIN MY HEART Where stories live. Discover now