CHAPTER 9: Impaktang Bruha!

11 5 0
                                    

[A/N: pls take note that there are few grammatical errors and typos here! Hehe! Pasensya na din sa mga mura! Palamura lang kasi talaga si Kryziel!]

⚠️No edit²!

HAPPY READING EVERYONE!!

CHAPTER 9:

Kryziel's POV:

Eh? Sasama sila? Eh? Heh?! Nagulat ako sa sinabi nila. Sasama sila? Nakakatuwa! Tinaasahan ko sila ng isang kilay. Inaabangan nila ang sagot ko pati ni Siren.

"Hayy... Paano kung sabihin kong..."sinuri ko muna silang lahat. "You're not allowed to come with us?"Nadismaya silang lahat sa sinabi ko at gustong-gusto kong pagtawanan ang mga mukha nila.

Parang tuta na pinagalitan ng amo. HAHAHHA. I chuckled.

"Just kidding mga tukmol! Oo na pwede kayong sumama!"aniya ko. Ang kaninang dismaya nilang mga mukha ay napalitan ng malalawak na ngiti.

"Talaga?!"
"For real?!"
"Bingi ka ba sabi ngang pwede!"
"Yeyyy!"

Nagkagulo silang lahat dahil sa sobrang saya. Parang mga bata na pinayagan sa gusto nila. Nakakatuwa silang lahat. Si Siren naman na nasa tabi ko panay sa pagyugyog.

Sapakin ko na kaya to?

"Libre mo din kami?" tanong ng isa na naka hoodie.

Tumango na lang ako kasi unfair naman kung si Siren lang ang ililibre ko.

Nagsigawan sila. Huhayyy. Mga isip bata talaga! Parang ilang araw na hindi kumakain.

"Hep hep hep! But..."napatigil sila at hinintay ang sasabihin ko. "Kalahati lang ng meal ninyo ang babayaran ko" dugtong ko at ngumiti.

Baka maubos pa ang pera ko sa kakalibre sa kanila.

"Ayyyy...." nila. Ehh? Nagrereklamo?
"Ayaw nyo? Pwede din namang di ko nalang kayo ililibre"sabi ko at nag-cross arm.

"Hindi naman sa ganun! Mas okay na to!"sigaw nila at nagsipagtayuan except doon sa brown ang buhok.

"Ikaw? Hindi ka sasama?"tanong ko sabay turo sa kanya.
"No"tipid niyang sagot.

Sungit! Siya pa nga ang tinatanong, siya patong masungit. Tskkk!

"You sure?"panigurado ko.
"Halika na Drew!"sigaw ni Si. "Libre to!"dugtong niya.

Makayaya parang siya ang manglilibre. Huhayyy.
"No thanks.."
"Sus, tumatanggi ka pa! Obvious namang gusto mong sumama, nagmamatigas ka lang talaga!"sabi ni Siren at lumapit sa kanya.

Tinitigan niya ito ng masama.

"Talagang hindi ka sasama?"tanong ko na naman.
"Sabi na ngang hindi!" Sabi niya ulit ng biglang tumunog ang tiyan niya ng napakalakas.

Eh? Yan kasi! Tanggi pa more!

"Uyy.. tumunog na ang dinosaur sa tiyan mo bro.. hindi ka talaga sasama?"natatawa akong sabi. Just like Siren, his face turns to red.

"Tsk!"tugon niya at tumayo. Lumapit siya sa amin.
"Tara na nga!"nahihiya niyang sabi at nanguna sa paglakad.

Nagkatinginan kami ni Siren at nagkabit-balikat.

__________________________

Papasok pa lang kami sa cafeteria, ramdam ko na ang init ng mga awra nila.

"Bakit sila nandito?"
"Did they forgot to rule?"
"They're not allowed here right?"
"Kapal din ng mga mukha"

Kumapit si Si sa braso ko at bumulong.
"Diba sabi ko sayo? Balik na kaya tayo?"tanong niya.

HATRED CAN'T WIN MY HEART Where stories live. Discover now