4

8 2 0
                                    

Sebastian Gale Castillo

Nalaman ko nga na ang kuya ni Kendrick at si Hugo ay may nakaraan...? Di ko sure pero malay ko naman 'di ba. Dahil na rin sa encounter nila kanina ay pinatay ko agad ang tawag at hinarap si Hugo, nakita ko ring nakasilip si Kendrick sa amin.

"Ohmaygash feeling ko ata mahihighblood ako." Ang sabi ni Hugo habang pinapahid kuno ang pawis niya.

"Baby what happened?" Kendrick asked me while taking his phone. I looked up at him and gives him a small smile.

"Kausapin ko lang si Hugo, Kendrick." ang pasalamat ko sa kanya. Tumango siya sa akin at hinalikan muna ang noo ko bago bumalik sa kitchen.

"Shet ang sweet naman pala." Ang komento ni Hugo na naupo sa tabi ko.

"Huy, ikaw ha ano 'yong reaction mo sa kuya ni Kendrick kanina?" Ang tanong ko rito. Tumingin siya sa akin na para bang may lihim na sasabihin.

"Wala 'yon teh nagulat lang ako kasi apaka pogi pa rin— este ang pogi ng kuya niya," nararamdaman ko talagang may lihim siya eh hindi ko lang alam kung ano iyon. Tatanungin ko pa sana siya kaso iniba niya ang topic namin. He asked me instead about my relationship with Kendrick.

Hindi ko naman mapigil ang pamulahan sa tinanong niya, sinundot-sundot pa nito ang tagiliran ko.

"Yieeee may lablayp na ang bakla so ano nga papakasal na ba kayo? Dapat invited ako ha!" Ang sabi pa nito, hinampas ko ang kamay niya at umirap sa kanya. Nahihiya tuloy ako.

"Ano ka ba Hugo 'wag ka maingay." Sabi ko pero itong si Hugo may mapang-asar na mukha pa rin.

"Sige na kasi bakla tapos after mo magkaanak magpabuntis ka uli para madami akong inaanak." Ang hirit niya pa hindi ko tuloy maiwasan na hampasin siya sa braso niya na kinatawa niya lang.

Dumating ulit si Kendrick sa likuran ng bahay na mukhang asar talo na naman kay Hugo. Nalaman pala nito na wala kaming relasyon ni Hugo dahil sinabi ko sa kanya iyon pero si Hugo trip natrip ata siyang asarin.

"Gale, kakain na tayo." Ang aya nito sa akin, hinawakan niya ang kamay ko na malugod ko namang inabot.

"Ako 'di mo ba ako aayain?" Ang sabi ni Hugo rito. Tinaasan lang siya ng kilay ni Kendrick. Nagsusungit na naman siya.

"Hindi ka kasama sa budget namin."

"Kendrick!"

Imbis na maasar si Hugo, aba natawa pa talaga siya.

"Hindi naman kasi ikaw kausap ko Kendrick, si Gale." Sabi nito tas humarap sa akin na may ngiti sa mukha.

"Mukhang mas masarap pa nga ako magluto kesa sayo eh." Asar pa nito. Si Kendrick naman pinaikutan lang siya ng mata.

"Doon ka nga sa tricycle driver 'di ba jowa ka non bakit ka ba nandito at nanggugulo ng boyfriend ng may boyfriend?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kendrick. Ano raw?

"Hoy tingin mo sa akin low standard? Pogi lang si Kevin pero never papatol sa kanya may asawa't anak na iyon no ayoko maging kabit o kerida!"

Sa sagutan nilang dalawa feeling ko tuloy may alam sila na hindi ko alam. Tatanungin ko sana sila pero nakalimutan ko na nang ayain na ako ni Kendrick papasok kasama si Hugo na kasunod ko.

Tanungin ko nalang ulit si Hugo or si Kendrick mamaya about kay Kuya Kiyo.

ES1 - Mistakes (BL Short Story)Where stories live. Discover now