14

23 2 0
                                    

Chapter 14

Matapos maka graduate ang kapatid na si Maica ay lumuwas ito nang maynila para dito mag review nang tatlong buwan nang sa gayon ay makapag take nang board exam,

Sa kanila ito nanatili ni Jemar na sagot lahat ng lalaki ang gagastosin para sa board exam nito, hanggang sa maka pasok ito sa trabaho.

Noong time na iyon ay nakapa nganak na si Shela.

"Ate natatandaan mo ba si Gino.?" Iba ang ngiti ni Maica habang papalapit ito sa kanya, nasa Veranda sila kasama ang kanyang limang buwan nang anak ngayon na pinangalanan nilang mag asawang si Jaden. Kasalukuyan niya itong pinakakain nang cerelac.

"Oo..yong kaibigang seaman ni Rick. Hanggang ngayon ba nag kakausap parin kayo ni Rick.? Tanong niya. Wala na kase siyang balita sa dating nobyo.

Umupo muna ito sa tapat ni Jaden at pinisil pisil ang matambok na pisnge kaya napapahagikhik ito.

"Oo ate palagi ka niyang kinakamusta at inaalam ang kalagayan mo kung masaya ka kay Kuya Jemar. Nasa barko na ulit siya ngayon, ang totoo nga niyan nag punta siya sa araw nang kasal niyo." Tugon nito.

Natigilan siya sa pag subo kay Jaden na nag isip, hindi niya alam yun dahil hindi naman nakita si Rick sa araw ng kasal nila nang asawa. Kahit papaano ay naka dama siya ng longkot para sa lalaking dating minahal.

"Ang kaso ate pinabogbog ni Kuya Jemar sa mga guardia kaya umalis nalang, sasabihin ko sana sayo to noon kaso alam ko namang wala ka ng pakealam sa kanya." Dugtong pa ni Maica.

Lalo siyang natigilan sa narinig. parang kinurot ang puso niya sa nalaman sa ginawa ni Jemar. Minahal niya si Rick at kahit wala na sila nag hangad parin siyang mapabuti ito at maging masaya narin sa iba. Kaya hindi siya natuwa sa ginawa nang asawa para sa dating kasintahan.

Pag dating nang asawa ay kinumpronta niya ito, patulog na sila noon maging ang anak na nasa crib.

Sinulyapan siya nang asawa na naka kunot ang noo marahil nagtataka kung bakit niya pa naitanong ang bagay na matagal ng nangyari.

"Im sorry inaamin kong nag hire ako ng guardia sa labas ng simbahan noong time na yun para mag bantay pero nanlaban ang lalaki nag pumulit na pumasok kaya napilitan ang guwardyang gawin yun. believe it or not hindi yun kasama sa utos ko." Pag papaliwang ni Jemar pero hindi siya nakumbinsi.

Ginawa nito sa kanya lahat ng karahasan noon para maangkin siya kaya sa sarili gagawin nito kahit na ano hindi lang siya malapitan ni Rick.

Pero hindi siya galit sa asawa dahil ginawa lang nito ang dapat. Pinuprotektahan lang siya ni Jemar mula sa lalaki.

"May problema ba sa ginawa ko Shela.?" Tanong nito sa kanya at masuyo siyang iniupo sa gilid ng kama.

Umiling siya. At tumingin dito, ayaw niyang mag karoon sila ng problema. Ni minsan hindi pa sila nag aaway mag asawa at ayaw niyang pag mulan si Rick nang di nila pag kakaunawaan nito.

Narinig niyang bumuntong hininga ito

"Okay pangako hihinge ako nang tawad kay Rick at makikipag ayos sa kanya, ayaw ko rin namang may ka galit, tiwala naman akong wala ka ng nararamdaman pa sa kanya. Soleso akong tao Shela at ayaw kong may kahati sayo lalo na kung yung Rick na yun.
" Mabigat ang boses nito ng mag salita.

Napa tanga saglit si Shela pero may ngiti na sa labi niya dahil sa narinig. ang gwapo kase nito habang naka simangot.

"Di nga makikipag kaibigan ka kay Rick..?" Naka nguso niyang tanong di niya ma imagine na mag kakamay ang dalawang lalaki at sa mga susunod na araw ay malaya nang makaka dalaw si Rick sa kanila at makakapag usap na sila na tila ba minsan walang masakit na namagitan sa kanilang dalawa.

"Gagawin ko to para sayo, kapag naging okay na kami magiging okay narin ang lahat para sa inyong dalawa." Niyakap siya nito at marahang inihiga sa kama.
"Kaya love ma tulog na tayo." Saka ito nag lalambing na ipinatong ang mabigat na katawan sa kanya at tumunghay sa mga mukha niya.

Nakipag titigan siya sa asawa at may kung anong nag udyok sa kanyang haplusin ang mukha nito, at habang nakikipag titigan sa asawa dama niya ang ilang insektong nasa tiyan, at naririnig niya ang kakaibang musika na tanging siya lang ang nakakarinig sa pag kakataong  iyon.

Mamasasabing siya na ang pinaka ma swerting nilalang sa mundo dahil dumating ito sa buhay niya.
Wala na siyang mahihiling pa, secured na ang future niya at nang buong pamilya plus napaka bait nang asawa maging ang mga byenan lalo ang dalawang kapatid nitong si Zed at Rod na kasundo niya.

Napapikit siya ng gawaran ni Jemar ng halik sa labi. Halik na nag bigay sa kanya nang init sa kanyng katawan, halik na madalas pinanabikan niya.
Tumugon ang babae kaya mas naging malalim ang halik nang asawa kasabay ang pag gapang nang mainit nitong palad. Sabik mapag hanap,

Lumukob sa kanya ang init sa buong niyang katawan bigla siyang nanabik, ilang buwan na ba ang lumipas nang huli silang mag niig mula nang nag dalang tao siya at nanganak, ngayon lang ulit.

Nag simula na siyang sisirin nito kaso narinig nila pareho ang iyak ni Jaden. Nag katitigan pa muna sila dahil kalaunan ay huminto ang anak nila, napa ngiti na noon ang asawa at akmang itutuloy ang naudlot na ginagawa ang kaso tuluyang umiyak ang anak.

Wala itong nagawa kundi ipag timpla ng gatas ang anak at patulugin ulit. Ma tyaga naman niyang inintay ang asawa hanggang sa makatulog na muli ang anak nila,

"And now lets proceed.!" Nakakaloko itong ngumiti habang hinubad ang sariling soot na shirt.

Lihim siyang natatawang may kahalong kilig. Para kase silang bagong mag ka sintahan na nanabik sa isat isa. Napa tili siya ng talunan nang lalaki sa kama. Mabuti nalang at tulog na tulog ang kanilang Anak at hindi nagising sa nilikha niyang ingay.

Kidnapped by the Billionaire Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora