1

78 3 1
                                    

Chapter 1

Hapon na at pasado alas singko habang kasalulukuyang isinasara ni Shela ang shop  upang umuwi na sa kanyang apartment ng tumunog  cellphone niyA,

"Bess bukas may lakad tayo ha, wag kana muna mag bukas nang shop.." si Aliana ang nasa kabilang linya, her Best friend hindi lang kaibigang maituturin kundi higit pa sa kapatid,

Saksi siya sa pighati at tagumpay na pinag daanan nang kaibigan dahil karamay siya sa mga panahong iyon.

"Hmm.. mag papasama ka sa pa mamili nang gamit ni baby Atasha noh.?" Pang huhula niya, si Atasha ang bunsong anak nina Aliana at Andrew,

"Hindi Bess mag babakasyon kami sa Caberlin sa resorts na pag mamay ari ni Zed Mathew Natividad asawa ni Samantha." Masayang pag babalita nito,

"Teka bess pag iisipan ko muna ha di kaya nakakahiya kasama niyo ako di naman member nang family." Alanganin niyang saad,

Hindi naman lingid sa kaalaman niyang multi millionaire itong napa ngasawa nang malditang kapatid sa ama ni Aliana na si Samantha.

Ma swerti parin itong minahal nang isang Zed Mathew Natividad dahil sa kasamang ginawa sa kanyang kaibigan, kung dati ay galit siya kay Sam ngayon ay okay narin siya dahil nag kapatwaran na ang pamilya, Napa ka bait lang talaga ng best friend niya. Mabuti at nag bago pa si Samantha matapos ma inlove kay Zed.

"Ano ka ba parang kapatid na nga kita at dina naiiba samin, basta isasama kita, dont worry nandun din naman sina mom and dad. hindi ka mag bubukas nang shop tomorrow ha at ipasusundo kita kay Andrew nang maaga. Opps walang angal." May pahabol pang saad ni Aliana,

Napa ngiwi siya saka ipinag patuloy ang pag sasara nang shop katuwang si Johara at Devina na assistant niya reto. Hindi na siya naka tanggi pa sa kaibigan at pinag bigyan na lang ito. Baka mag tampo pa sa kanya.

Kung paano siya napadpad sa Elite shop ni Aliana ay mahabang storya. Basta Matapos noon ang Successful Fashion Show ng kaibigan ay tinalikuran nito ang kompanyang pinapasukan at nag tayo nang isang Elite dress shop at pumatok iyon Online kaya kinuha siyang assistant noong una. after 4 years na nabuntis ito sa pangalawa nilang anak ni Andrew ay siya na ang nag manage ng shop.

3 months bago ito mag luwal sa pangalawang anak  ay inihabilin nasa kanya ng tuluyan ang shop at mag pa hanggang ngayon siya na ang nag mamanage nito dahil abala na si Aliana sa dalawang anak, paminsam minsan ay dumadalaw si Aliana para na lang kumustahin sila,

Dito narin niya nag tatrabaho ng makilala si Ricky na tatlong taon niya nang boyfriend sa ngayon.

Seaman ang nobyo kaya long distance relationship ang tema nila ganun man kontento si Shela at masaya. kada anim na buwan ay bumababa ito nang barko para makasama siya at mabisita ang pamilyang nasa Silay. Bread winner si Ricky at may tatlong kapatid pang pinag aaral kaya sa idad nitong 30 ay wala pang planong mag asawa.
Hindi pa niya nakikilala ang family nito pero nangako ang nobyo na pag baba nito sa susunod ay uuwi sila para iharap sa mga magulang nang nobyo at excited na siya.

Sa idad niyang  twinty five ay wala pa naman siyang balak mag asawa dahil may kapatid pa siyang pinag aaral, ang bunso nilang si Maica. Kahit na graduating na ito sa kursong nursing sa taong iyon ay nais niya parin itong maka graduate muna bago siya ikasal at lumagay sa tahimik para naman wala nang alalahanin ang kanyang mahal na magulang.

"Wala tayong pasok bukas kaya makikipag date kayong dalawa," aniya kina Johara at Devina.

"Wow totoo, si Mam Aliana ba yung tumawag.?" Tuwang tuwa ng mag tanong si Devina.

"Mismo.. may bakasyon kami kaya walang pasok,"

Nag apir pa ang dalawa sa tuwa at sabay nag laho sa kanyang harapan at may pupuntahan daw, siya naman ay nag para na nang taxi para umuwi.

Pag dating sa kanyang apartment na tinutuluyan ay tinawagan nanaman siya ni Aliana para ipaalalang maaga sila aalis bukas kaya Nag impaki na siya para sa dadalhing damit bukas hindi niya alam kung ilang araw sila doon.

"Hi love.." ngiti niya sa nobyo nang sagutin nito ang kanyang tawag, pasado alas onse na iyun nang gabi at ma tyaga siyang nag antay nang free time ni Ricky para mag paalam na sasama sa bakasyon nang pamilya ni Aliana. Kilala nito ang kaibigan dahil minsan niya nang naipakilala si Rick kina Aliana at Andrew.

Kita niyang ngumiti ang nobyo halatang pagud sa trabaho pero gwapo parin.

"I miss you." Agad nitong banat. At kahit hindi nito sabihin nararamdaman niya.

"I miss you din love pero wait may ipapakita ako." Inilihis niya ang Camera at ipinakita ang kanyang travel  bag na naka ready na para bukas.
Napa kunot noo naman ito,

"Magbabakasyon ako kasama nina Aliana." Hindi paman ito nag tatanong ay ipinaliwanag niya na.

"Dapat lang naman love dahil puro ka nalang trabaho need mo rin mag unwind." Tugon ni Rick na inilapag ang cellphone at bahagyang lumayo, may kinuha lang ito sa portable ref na makikita lang din sa loob nang nalawak na silid nina Rick.

"Hi Shela good evening.!" Dinig niyang may bumati sa kanya pero hindi kita sa monitor. Nakilala niya lang sa boses,
Ilan narin sa mga kasamahan ni Rick ang nakikilala niya sa tuwing tumatawag siya. Kinakantyawan na nga silang mag pakasal na Pero tawa lang ang tugon ng nobyo.

"Hello..!" Bati niya rin.

Di naka tiis sinilip siya sa monitor. si Gino iyon best friend nang kanyang nobyo.

Nginitian niya naman ang lalaki.

"Hayyys Naiinggit nanaman ako sa inyo ni pardz sana all may forever. ihanap mo nga rin ako nang single diyan." Hirit nito." Yung kapatid mo nalang pala na si Maica pwedi bang ligawan.?" Ang lakas nang tawa nitong saad.

Kung bakit nakilala ni Gino si Maica dahil last time na bumaba si Ricky sa barko ay saktong bakasyon ni Maica at isang linggo ito sa kanyang apartment bilang bakasyon. Nakita nito si Maica one time nang tumawag kay Rick at mula noon palagi na itong nangungulet sa kanya pero dedma niya lang, bata pa si Maica at dipa nakaka graduate okay naman si Gino dahil mabait at may trababo pero tanging kapatid niya lang makakapag desisyon sa bagay na iyon,

"Tigilan mo si Maica apaka playboy mo pa naman." Pambubuko ni Rick sa kaibigan nang bumalik sa harap nang monitor umimom lang pala ito nang tubig.

Malakas na tawa ni Gino ang sunod niyang narinig. Ilang sandali lang ay nawala na ito at mag isa na si Rick sa kwarto.

"Mag iingat ka sa bakasyon mo love ha honestly nag aalala ako baka makuha ka ng iba sakin." Alam niyang nag bibiro lang si Rick sa sinabi nito, sa tatlong taon nila never naman itong nag selos. sabagay wala namang dapat pag selosan kung dipa nga ito nangulit noon baka di sila naging mag kasintahan priority niya talaga ang kanyang pamilya mabuti ngat malayo ito at kapwa sila may mga nais pang gawin pag dating sa pamilya.

Ilang oras oras din silang nag usap ni Rick bago sila nag paalam sa isat isa.

Kinabukasan maaga siyang sinundo ni Andrew ready na ngaraw sina Aliana. Pag dating ay agad siyang niyakap nang kaibigan.

"Tita ninang Ang ganda niyo po super.!" Pambobola sa kanya ni Arkie, sabay hagikhik nang pugpugin niya ito nang halik, inaanak niya pareho  sina Arkie at Atasha at kapwa close sa kanya ang dalawa.

"Teka si Tita ninang lang ba ang maganda how about si mommy.?" Kunwari ay nag seselos si Aliana.

"Syempre mommy kita kaya maganda ka rin po super katulad ni tita ninang." Ang sabi nang mag wawalong taong na si Arkie, bibong bibo ito at nahahawig sa amang si Andrew,

Nag tawanan pa sila bago tuluyang umalis dahil nauna na ngaraw sina Tito Hendrick at tita Luzvimenda.

Pag dating nila sa Caberlin ay tila may kabang bumundol sa dibdib ni Shela. Kakaibang kaba na may kahalong takot di niya mawari at tila gusto na lamang bumalik sa Maynila.

Kidnapped by the Billionaire Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα