6

19 1 0
                                    

Chapter 6

Alas otso na nang gabi na gising si Shela.. bumangon siya't nag inat. Dalawang oras din pala siyang naka idlip at nakaka ramdam na siya nang gutom. Hindi rin pala siya nakapag bihis manlang kanina dala marahil sa pagud.

Bitbit ang towel na tinungo ang kanyang banyo upang maligo. At habang sinasabon ang katawan ay napag tanto niyang  sa sofa siya naka tulog kanina pag dating paanong nakalipat siya sa  kanyang kwarto.

Hindi siya maaring mag kamali naka tulog talaga siya sa sofa. Napa hawak siya sa sintido habang nag iisip pero kalaunan ay binalewala nalang niya ito,

Pag labas ng banyo naririnig niyang nag ri-ring ang cellphone. Napa tingin nanaman siya sa bag na naka patong sa ibabaw ng kama niya pati kase yun ay nasa kwarto niya samantalang basta niyang inilapag  iyon pag dating. Pero binalewala ang kakatawamg nasa isip  at sinagot ang kung sinong tumatawag.

"Hi ate kumusta.?"
Boses ni Maica.

Nawala sa isip niyang dapat pala ay nakapag padala na siya para sa allowance nito kahapon dahil may babayaran bukas ang kanyang kapatid.

"Maica sorry nawala sa isip kong mag padala. Okay lang ba ihabol ko na lang ngayon mag babaka sakali akong may bukas pang remittance center." Aniya.

"Ganun ba ate kaya pala wala akong mesgs na natatanggap di mo pa pala naipapadala, pasensya na te ha sinubukan ko namang manghiram sa kaklase ko naisip ko kase baka wala kapa sahod.."

"Hindi ganun yun may pera ako dito ang kaso na busy masyado, ganto nalang ibaba mo na tong tawag mo at ura mismo aalis na ako para makapag padala okay.?" Aniya

"Pero ate gabi na baka dilikado sayo ang lumabas okay lang sana kung nandyan si kuya Rick." Pag aalala nito

"Maaga pa ano ka ba sige na tatawagan nalang kita kapag naipadala ko na ang pera."

"Hmm ang bait talaga nang ate ko kaya love na love kita ehh.." tumitili nitong saad sa kabilang linya. Halatang tuwang tuwa.

Napa ngiti naman si Shela. mahal na mahal niya ang kapatid. Di baleng mawalan siya nang pera maibigay niya lang lahat ng pangangailangan nito at ng kanyang pamilya. Yun ang pinaka mahalaga para sa kanya.

"Oo na. Mahal na mahal ko rin kayo." Tugon niya.

Matapos ang pag uusap nila ni Maica ay agad nag bihis si Shela.

"Hi..!"

Pag labas nang kanyang silid ay napatda siya pag kakita kay Jemar na komportableng naka upo sa sofa naka taas ang dalawang paa habang nanunuod nang tv.

Ilang sigundo siyang di nakapag salita habang tulalang naka titig dito. Anong ginagawa nang kurimaw na to sa bahay niya. Daig pa nito ang kawatan na nakapasok sa loob na wala siyang kamalay malay.

"Bakit ka nandito at paano ka naka pasok.?" Muli nanamang umusok ang ilong niya sa galit.

"Simple.. alam ko ang pass code mo." Proud pa nitong saad.

Nag timpi siya sa galit dahil nag mamadali siya,

"Aalis ako kaya pwedi ba lumabas kana nang bahay ko." Utos niya reto,

Kumilos naman agad ang lalaki, pinatay ang tv saka kinuha ang susi nang sasakyan,

"Lets go.!" At naka ngiting binalingan siya.

"Sino naman nag sabing isasama kita....."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang hawakan siya nito sa kamay ay iginaya na palabas.

"Diko hahayaang umalis ka nang walang kasama maraming bastos sa labas hindi safe sa magandang katulad mo.." banat nito,

Asar na asar na siyang walang magawa sa makulet na lalaki lalo na at isinakay na siya nito sa kotse at kinabitan ng sent belt .

"Saan tayo pupunta.?" Nang maka upo na ito sa driver seat ay agad binuhay ang makina ng sasakyan.

Napa buntong hininga si Shela bilang pag suko. Ano bang gagawin niya sa lalaki  to para tantanan lamang siya.

"Kahit Saang remittance kailangan ko kaseng mag padala ng pera. " Napipilitan nalang niyang wika.

"Okay.."   agad na nitong pinatakbo ang sasakyan. Sabi nga ni Jemar ay may alam daw ito kung saan malapit na Remittance at saktong bukas pa kaya naipadala niya ang perang kailangan nang kapatid bukas. Bago paman siya umuwi ay tinawagan na muli si Maica  upang ibalitang nakapag padala siya para makuha na nito ang pera bukas bagay na ikinatuwa naman ng kapatid niya.

"Salamat pero makaka alis kana.!" Kahit papaano ay nagawa niyang mag pasalamat kay Jemar lalo at inihatid pa siya nito pauwi sa kanyang bahay. Saktong pag kababa niya lang iyun ng sasakyan nito.

"Pambihira alam mo bang hinintay kitang magising para sabay tayong mag dinner tapos ipag tatabuyan mo ako." Nag tatampo ang boses nang lalaki.

Nandilat ang mga mata niya.

"Ibig mong sabihin kanina kapa sa bahay.?" Di siya makapaniwala.

"Yeah, nakapag luto na nga ako nang dinner nating dalawa." Nginitian pa siya nito,

Umusok nanaman ang ilong niya. Ibig sabihin ito ang nag dala sa kanya sa kwarto dahil natatandaan niyang naka tulog siya sa sofa. Sa inis ay pinag hahampas niya ito,

"Ang lakas nang loob mo pumasok sa loob ng bahay ko at pakialaman ang kusina ko umalis kana..!" Aniya habang gigil itong hinahampas.

Tinanggalan na siya nito nang privacy sa sarili niyang lugar paano nalang pala kung may ginawa itong  di maganda sa kanya. Lalo siyang nainis sa lalaki sa pagiging pakealamero nito. may boyfriend siyang tao ano nalang ang iisipin ni Ricky kapag nalaman nitong nag papasok siya sa bahay niya nang ibang tao at lalaki pa

Sa pag wawala niya habang hinahampas ito nang kanyang bag ay mabilis siyang niyakap nang lalaki.

"Teka nga sandali lang bakit kaba nagagalit.? Wala akong masamang intention sayo Shela at wala akong balak na pwersahin ka mahal kita at kung anoman ang ginagawa ko ngayon patunay lang yon sa nararamdaman ko sayo. Masanay kana dahil hindi ako titigil hanggat hindi ko ka napapasakin.." wika nito habang yakap siya nang mahigpit.

"Bitiwan mo ako pwedi ba.!" Nag pumiglas siya't inis na inis nasa lalaki.

Pero kahit anong pag pupumiglas niya ay di siya makawala sa pag kakayakap nito hanggang ito na ang kusang bumitaw sa kanya nang hindi na siya gumagalaw.

"Okay mag pahinga kana aalis na ako pero babalikan kita bukas. Kumain kana lang may niluto na ako... I love you Shela.. "hinawakan siya nito sa mag kabilang pisnge at kinintalan nang halik sa labi saka ito muling sumakay sa kotse at pinaharorot na iyon.

Nangangatog siya sa dami ng emosyon nag ihakbang ang mga paa papasok sa loob nang bahay ng tuluyang mawala sa paningin niya ang lalaki, ni wala siyang ginawa nang halikan nito dahil pakiramdam niya nanghina siya sa pag pupumiglas niya sa lalaki, ano bang gagawin niya para iwasan ito. Hindi niya nais lukuhin ang nobyo mahal na mahal niya si Rick.

Kidnapped by the Billionaire حيث تعيش القصص. اكتشف الآن