Graduation (22)

4 0 0
                                    

"Happy graduation sa atin, Enzo!" masayang bati sa akin ni Ash pagdating ko sa bahay nila.

"Congrats Ash, akala ko 'di natin kakayanin ang buhay college." saad ko bago siya akbayan.

"oo nga eh, buti na lang andyan ka para tulungan ako." nginitian ako nito atsaka pinisil ang aking pisngi.

"ikaw rin naman, andyan para sa akin." sagot ko at pinisil din ang kaniyang pisngi.

"Oo nga pala, may gift ako sayo" excited na saad niya bago iabot sa akin ang isang box na kulay itim. "Favorite color mo pa 'yan ah" natahimik ako at tinitigan lang ang box.

Hindi na itim ang paborito kong kulay. Simula nang magustuhan kita, nagustuhan ko na rin ang mga bagay na gusto mo. Maganda nga talaga ang kulay purple, ikaw ang sinisimbolo nito.

"Ako rin, meron" iniabot ko sa kaniya ang isang paper bag na kulay purple, our favorite color.

Sabay naming binuksan ang regalo namin para sa isa't isa at parehas naman kaming natuwa, kaso saglit lang ang kaniya. Nawala rin agad ang tuwang iyon nang mabasa niya ang nakasulat sa dedication card na "Gusto kita, Ash."

Bumuntong hininga ito at malungkot na tumingin sa akin. "Enzo naman-"

"Hindi mo ako kailangang bastedin nang paulit-ulit. Lagi ko namang alam yung sagot." nakangiti kong saad.

"Bakit sinasabi mo pa rin nang paulit-ulit kung alam mo na 'yung sagot?" Mahinang tanong niya na sapat lang para marinig ko.

"Kasi kagaya mo dati, hindi ko lang naman sinasabi 'yan para sa magiging sagot mo, sinasabi ko 'yan dahil gusto kong ipaalam at ipaalala sayo na meron kang ako na laging andito para sayo. para protektahan at alagaan ka. kahit na hindi mo kayang ibalik ang love na nabibigay ko." nang marinig niya iyon ay nginitian niya ako at sabay yinakap.

"Salamat, Enzo." kagaya ng sagot ko dati., tanging salamat lang ang narinig ko mula sa kaniya.

Maaaring sa kabilang buhay paWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu