Chapter 7

2 0 0
                                    

Aria's POV

Wahhhhh! Gusto ko matulog
Nagtuturo ngayon yung English Teacher namin. Kahit inaantok pinipilit ko pa ding makinig sabay sulat na din sa notebook ko.

"Ms. Fernandez, Please stand up." Sabi ng teacher.

Nagulat ako non pero tumayo parin ako. "What is Soliloquy?" Tanong ni Ma'am.

Lah, aga namn ng recitation ma'am

"Uhm, Soliloquy po is a speech which a character expresses his or her innermost thoughts and feelings by speaking to himself or herself po." Sagot ko.

Ngumiti sa akin si Ma'am. "Very Good." At saka nagpalakpakan ang lahat.

Naupo na ako at sinimulan ulit magturo ang teacher.

Diba, kahit lutang nakakasagot HEHSHSH

Nakikinig lang kami hanggang sa nag-ring na yung bell, indication na break na namin. Nagpaalam na sa amin ang Teacher at saka na umalis. Nagsitayuan naman na ang lahat at naglabasan na rin. Tumayo na ako at kinuha yung wallet ko at lumabas na. Papunta ako ngayon sa Cafeteria para mag lunch.

Naglakad lang ako hanggang sa makarating na ako ng Cafeteria. Walang masyadong tao sa Cafeteria kaya mabilis akong naka-order. Naghintay lang ako sa gilid ng counter para hintayin yung pagkain ko. Nang dumating na kinuha ko na yung tray na puno ng pagkain at naghanap ng mauupuan.

Hindi naman ako nahirapan maghanap ng upuan dahil maraming bakante. Umupo na ako at sinimulang kumain. Tahimik lang akong kumain, marami din akong nakikita na mga grupo ng mga babae na maiingay de jok lng hehe. Nagtatawanan sila at nakwekwentuhan habang nakapila sa counter.

Meron din akong nakita na babae at lalaki na parang magjowa na naglalandian. Umaakbay yung lalaki sa kanya at nagtatawanan. Paminsan-minsan ding hinahalikan nung lalaki yung babae sa pisngi at lips.

Ew, Yuck, Kadiri

Talagang dito pa sila naglalandian. Hindi ko nalang sila tinignan at kumain nalang ako. Nang natapos na yung pagkain ko, niligpit ko na yung pinagkainan ko at inilagay yun lahat sa tray at dinala yung sa basurahan. Binalik ko naman yung tray pagkatapos at umalis na. Naglakad lang ako nang marating ko na ang classroom namin. Marami pang wala kaya umupo na ako. Wala din yung animal sa upuan niya.

Habang naghihintay ng next sub, nagseselpon mona ako. Scroll-scroll muna sa Tiktok, tapos nag-wattpad. Mga ilang minuto din ang lumipas ng dumating na yung susunod naming teacher. Nasibalikan na ang iba kong kaklase, bumalik na din yung animal na may dalang gym bag. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa harap para makinig kay Ma'am.

Ilang oras din ang lumipas ng mag-uwian na. At syempre hindi muna ako umuwi dahil sa may parusa nga kami ng animal na yon. Naglabasan na ang lahat at saka na ako kumuha ng basahan.

"O! Punasan mo yung board." Sabi ko sa animal sabay abot sa kanya ng basahan.

Inirapan niya ako at saka kinuha yung basahan. Inirapan ko din siya at kinuha ko na yung walis. Nagwalis ako samantala yung animal nagpupunas ng board. Pagkatapos pareho naming inaayos yung mga upuan, pareho din kaming nagpunas sa mga cabinet ng room at table ni Ma'am. Inaayos din namin ang gamit na nakadispley doon, pinunpusan yung mga may alikabok na. Mga 15 minutes din siguro kami natapos.

Maayos naman ang pagkakalinis ng room, kaya okay na yun kahit sumasakit yung likod ko hehe. Lumabas na yung animal kaya kinuha ko na yung bag ko at lumabas na.

"Uy, saan yung library dito?" Tanong ko sa animal na naglalakad.

Hindi siya sumagot kaya nagalit ako. "Oy! Tinatanong kita, sabi ko saan yung Library?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Enemy I LoveWhere stories live. Discover now