Chapter 3

6 0 0
                                    

Aria's POV

Math Class namin ngayon kaya sobrang lutang ng utak ko pero kahit papaano may natandaan naman ako.
First day na first day sa school pero eto sila, nagtuturo na. Para daw may alam na sa mga lessons.

Diba pwedeng next week nalang?

Hindi ba dapat introduction pa ngayon? Yung iba hindi naman nagtuturo. Yung math teacher lang talaga namin. Ewan ko sa iba pero sana hindi muna sila maglelesson.

Ang aga aga lutang na ako paguwi.

"Mr. Morales, Can you solve this using the Quadratic Formula?" Sabi ng teacher namin sabay turo sa Whiteboard.

Nilibot ko ang paningin ko kung sino sa kanila ang pinapasolve niya. Nakita ko ang pagtayo ng animal.

Morales pala apelyido niya.

Umalis siya sa kinauupuan niya at lumapit sa teacher namin. Inabot ng teacher ang isang Marker sa kanya at tinanggap naman niya iyon. Sinimulan na niya ang pagsulat sa board. In fairness, ang ganda ng sulat niya. Neat and Clean. Madaling mabasa at makita.

Natapos na siya sa pagsosolve at ngumiti sa teacher namin saka pumunta sa upuan niya. Sandaling chineck ng teacher ang nasa board at saka humarap sa kanya.

"Very Good Mr. Morales." Sabi niya habang nakangiti.

Nagpalakpakan naman ang iba. Habang ako ay nakatingin lang sa kanila.

"Galing Sana all!" Rinig kong sabi nila.

Agad naman pinaliwanag ng teacher ang naging sagot ni Lance. Habang ineexplain ng teacher ang nasa board, kinokopya ko naman sa notes ang mga nasa board para pag mag rereview ako sa math ay meron akong mabasa sa notes ko.

Habang nagsusulat, nakaramdam ako na para akong maiihi. Kaya agad kong tinaas ang kaliwa kong kamay na agad naman napansin ng teacher. Tumigil siya pageexplain at tinignan ako.

"Ma'am, May i go out po?" Pagpapaalam ko kay Ma'am.

"Sure, Ms. Fernandez." Sagot niya sa akin.

Agad kong nilagay sa notebook ko ang ballpen ko at sinara na ang notebook ko. Tumayo ako ng maramdaman ko na parang bumigat ang pagkakatayo ko. Tinignan ko ang palda ko ng makita ko na nakadikit sa upuan.

Anak ng... WHAT THE FUDGE?!

Agad kong tinignan ang parte sa likod ng palda ko na nakadikit sa upuan. Pilit kong hinihila pero walang talab yon. POTA! Sino naman ba ang may gawa neto?!

Habang hinihila ang palda ko, napansin ko mahinang tawanan ng mga estudyante sa likod. At pati narin ang Animal.

ANIMAL KA!

Siya ang may gawa nito! Alam ko. Tinignan ko siya na may halong galit at sama ng tingin.

"BWISIT KA!" Sigaw ko sa kanya. "ANIMAL KA!

Ang mahinang tawanan ay napalitan nang malakas na tawanan sa kanila. Pati narin tong Animal nato ay hindi na mapigiling tumawa.

Sige tawa lang, dyan kayo masaya eh. Mga animal kayo.

Pano nato? Hindi pa nakakaalis sa pagkakadikit tong palda ko sa upuan ko. Isa lang ang pwede kong gawin.

Pwede to.

Kinuha ko ang bag ko at binuksan yon. Buti nalang talaga na may dalang hoodie ako. Kinuha ko yung hoodie at saka ko yun tinali sa beywang ko, malaki naman ang hoodie ko kaya madaling matatakpan ang aking makinis na legs.

The Enemy I LoveWhere stories live. Discover now