Chapter 1

5 0 0
                                    

Aria's POV

Hayss... Monday nanaman! Nasa kotse ako ngayon papunta sa bagong school na papasukan ko. Santo Tomas Integraded School ang pangalan nung school. Galing kasi kaming New York dahil sa nagkaroon ng problema yung companya nila Daddy, dahil medyo natagalan bago nalutusan ang problema ng company ay doon muna ako nag-aral. Pero ngayong tapos na, bumalik na kami ng pinas at dito ko na ipagpapatuloy ang aking pag-aaral.

Nakarating na kami ng school, agad kong tinignan ang itsura ng school.

"Grabe ang laki" Bulong ko sa sarili ko.

Agad na akong bumaba at nagpasalamat na sa driver na naghatid sa akin dito. Dahil sa sobrang kaba, hindi ko man lang kayang ihakbang ang aking mga paa papuntang gate ng school. Marami akong nakikitang mga istudyante na nagsisipasok na sa loob. Huminga muna ako ng malalim na akala mo naman malaki ang kinakaharap na problema.

"Kaya ko to! Woo!" Sabi ko sabay hawak sa dalawang pisngi ko.

Lumakad na ako papasok ng school, binati ko muna yung guard at saka lumarga papuntang school. Section Silver ang section ko PERO di ko alam kung saang lupalop ng school nato yung room. Kaya lakad-takbo ang ginawa ko, tumitingin din ako sa mga pinto na nadadaanan ko, baka sakaling nakapaskil sa pinto yung pangalan ng mga section pero wala. Hanggang sa may nakabanggaan akong istudyante. Pareho kaming nagsibaksakan.

"What the fvck?!" Dinig kong sabi niya at tumayo.

Tumayo ako at hinarap siya."S-sorry po-"

"Sa laki ng hallway talagang nagkabanggaan pa tayo?!" Putol niya sa sasabihin ko.

Nakita ko ang itsura niya, lalaki siya at maputi na parang may lahing Koreano. Matangkad din siya at gwapo, kaso mainit ang ulo.

"Hindi ko po sina-"

"Yan! Patakbo takbo pa kasi!" Sigaw nito sa akin.

Hindi ako makasagot pero nagagalit na ako sa mga sinasabi niya.

"Edi sorry! Nagsosorry na nga yung tao diba?! Kasalanan mo din harang harang ka sa dinadaanan ko!" Galit na sambit ko sa kanya.

Galit niya akong tinignan. "Wow! So kasalanan ko pa ganon?"

"Parang ganon na nga!"

"Kapal naman ng mukha mo para sumbatan moko!"

"Mas makapal mukha mo! Mayabang ka!"

"You better shut your mout-"

"Tama na nga yan!" Pasigaw na sabi ng kung sino.

Pareho kaming napatingin sa kanya. Pagkatingin ko nakita ko ang isang babae na kasing puti din ng kaharap ko. Lumapit siya sa kaharap ko at tinapik ang balikat.

Magkamag-anak kaya sila?

"Tama na yan, wag muna patulan." Mahinahong sabi niya. "Pumasok kana sa room mo, baka malate kapa." Sabi niya sa kaharap ko.

"Pero ate-"

Ate daw?

"Pumasok kana!" Putol niya sa sasabihin nung lalaki. "Ako nang bahala sa kanya."

Huminga ng malalim ang lalaki at hinarap ako. Masama ang tingin niya sa akin.

"Di pa ako tapos sayo." Sabi niya sa kin at umalis.

The Enemy I LoveWhere stories live. Discover now