Chapter 12

750 12 5
                                    


I don't know if I'm doing the right thing. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Gino ay hindi na kami muling nag-usap.  Madalas ko silang  makitang magkasama ni Ate Krystal kaya minsan ay kay Mary at Dustin nalang ako sumasabay.

"Ano? Sasama ba kayo sa party mamaya?" Tanong ni Dustin. Sa susunod na araw na ang graduation namin. Ang bilis lang ng panahon pero, okay na rin iyon. At least ay hindi ko muna siya makikita.

I still have time to move on or just forgett about him.

"Hindi ako papayagan ni Mommy, e." Nakangusong sagot ni Mary. Napatingin ako sa kaniya dahil tulad ko ay hindi ko pa naranasan magpunta sa mga party. Masyado ko pala talagang pina-ikot ang mundo ko kay Gino.

"Ikaw? Alam ko ay kasama sa party si Gino at Krystal. Bakit ikaw hindi?" Nagtatakang tanong ni Dustin.

"Puwede silang pumunta na hindi siya kasama!" Pagdadahilan ni Mary. Masaya akong naging kaibigan ko siya, na kahit ngayon lang kami nagkasundo ay hindi niya ako hinahayaan mag-isa.

"Nag-away kayo ni Gino?"

"You're so maingay!" Reklamo ni Mary sa kaibigan niya. Irita niyang sinubuan 'to ng pagkain para matigil na sa pagtatanong.

"Ikaw nga ang konyo, nagreklamo ba ako?" Matalim siyang tiningnan ni Mary. "Sabi ko nga titigil na ako." Natatawang sabi ni Dustin. Napailing nalang din ako dahil katulad lang siya ni Gino.

Maingay din.

"Sayang naman. Minsan nalang 'to dahil sa college ay magkakahiwalay na tayo--"

"Stop it nga! You're so dramatic, Dustin. Sa UCC pa rin naman tayo, e, even Krystal was there." Saway sa kaniya ni Mary.

"Kung papasa."

"Papasa tayo, okay?" Bigla akong natahimik sa sinabi nila. Sa aming lima ay ako talaga ang madalas mahirapan sa study ko. Kung wala si Gino ay baka hindi ko makuhang magtapos ng Senior High school.

"Paano kung hindi?" Tanong naman ni Dustin.

"E 'di mag-negosyo ka nalang. Mayaman ka naman." Mataray na sagot sa kaniya ni Mary. Laging gano'n ang eksena naming tatlo. Madalas magtalo si Mary at Dustin, parang sanay na sila sa isa't isa. They're comfortable to each other. Malayo sa relasyon na meron kami ni Gino.

Napabuntong-hininga ako habang nakahiga sa kama ko. Kanina pa ako nakauwe pero dahil sa party ngayong gabi ay hindi ko matanggal sa isip ko si Ate Krystal at Gino.

Sa huli ay nag-online nalang ako. Nakalive si Dustin, siya naman kasi ang mahilig mag-video lagi dahil pinapakita niya iyon kay Mary. Si Mary kasi iyong mahilig mag-vlog or mag-edit ng mga video, na kahit hindi siya makasama ay parang nandoon na rin siya.

Parang bumigat ang dibdib ko nang makuha sa video si Ate Krystal at Gino. Magkatabi sila at nagbubulungan dahil malakas ang tugtog sa party. Madami ang dumalo sa nasabing party dahil nando'n rin ng ilan naming kaklase.

"Hi Mary and Krystelle!" Sabi ni Dustin nang makita niyang pinapanood namin ang live niya.

@Mary : You don't have to mention us, Dust.

Napatingin sa camera si Gino. Kunot ang noo niya at halatang may gustong itanong kay Dustin.

Mabilis akong nag-out at pinatay ang cellphone ko. Hindi ko kayang makita pa sila.

Masaya sila kahit wala ako. He can live without me. Ano ba, Zari? Kaibigan kalang naman niya, e. Ikaw lang itong nag-assume.

"Ano ba?! Nakakainis na!" Irita kong sabi habang nakaupo sa kama ko. Gusto ko lang naman mahalin pabalik, e. Gano'n ba kahirap iyon gawin para sa kaniya?

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now