Chapter 03

491 5 0
                                    


Napangiti ako habang inaayos ang dadalhin ko sa bahay nina Gino. Nasa likod lang naman ang bahay nila. Isang minuto lang ang lalakarin dahil may pintuan sa kusina namin at bungad na agad ang bahay nila.

"Anak, 9:30, baka matutulog na iyon." Sabi ni Mama sa akin. Mabilis akong umiling. Maaga kasi ang trabaho niya kaya kailangan kong dalhin sa kaniya itong cupcakes na gawa ko para naman may madala siya sa trabaho bukas. Saturday naman kasi kaya sure ako na hindi na naman ako papayagan ni papa na lumabas.

"Mabilis lang po ako. Sigurado naman akong gising siya." Nakangiti kong sabi.

"Sige, anak. Isarado mo nalang ulit a pintuan sa likod, ha? Matulog kana rin ng maaga." Tumango ako at kinuha ang plastic na nilagyan ko ng cupcake. Ngumiti ako nang halikan muna ako ni mama sa pisngi bago tuluyang bumalik sa kuwarto nila papa.

Inayos ko rin muna ang buhok ko bago lumabas ng bahay. Madilim na sa pero may kaunting ilaw naman sa daanan. Pinalagay 'to ni Mama dahil alam niyang pumupunta ako kay Gino kahit gabi na.

Napangiti ako nang makita si Gino, kampanteng nakaupo sa ilalim ng puno. Nakapikit ang mga mata nito habang nakasandal ang ulo sa puno. Nilapag ko muna ang dala ko at maingat akong umupo sa tabi nito at pinagmasdan ang mukha niya.

May pagka-mestizo si Gino, akala ko nga dati ay may lahi siya dahil mukha talaga siyang half American. Ang perfect ng jawline, pointed nose na madalas purihin ng mga taong nakakakita sa kaniya. Makapal ang pilik mata niya.

Muntik na akong mapaupo sa lupa nang biglang idilat ni Gino ng mata niya. Mabuti nalang at mabilis niya akong nahatak na naging dahilan para maupo ako sa hita niya.

Lumunok ako nang maramdam na sobrang lapit namin sa isa't isa. "Nagising ba kita?" Nahihiya kong tanong. Sanay naman ako na sobrang magkalapit kami. Madalas nga kaming magka-holding hand, magyakapan pero, kanina pa ang awkward nung nasa kotse kami. Pakiramdam mo tuloy ay pareho na kami ng nararamdaman.

"Malamig ngayon. Bakit naka croptop ka?" Tanong niya. Ngumiti muna ako at nagdesisyon na tumayo.

"Matutulog na sana ako, e. Kaso nga lang ay gumawa si Mama ng cupcakes. Naisip kita kasi hindi ba may trabaho ka hukas?" Whole day kasi ang pasok niya kapag wala kaming klase.

"Dinamihan ko para makakain si nanay Issa. Kamusta na pala siya?" Tanong ko kay Gino. Bumuntong-hininga muna 'to.

"Uuwe ka ba agad? Dahil kung hindi kukuha muna ako ng jacket sa loob. Baka lamigin ka." Mabilis akong umiling. Ang dami na niyang jacket sa akin. Pati nga uniform niya ay nasa akin na rin dahil sa malakas na ulan kanina.

"Uuwe rin ako agad. Baka magalit si Papa kapag nakita niyang bukas ang pintuan sa likod." Tumango siya ang muling pinasandalan ng tingin ang mukha ko. Kumunot ang noo ko dahil sigurado akong may problema siya at kailangan niya ng makakausap.

"Sige na nga! Kuha mo nalang ako ng jacket." Natatawa kong sabi. Mahina niyang pinisil ang ilong ko bago pumasok sa loob ng bahay nila.

Maliit lang naman ang bahay nila. Minsan ay do'n kami sa kuwarto ni Gino nag-aaral pero nadalas ay dito sa labas. May mesa kasi rito at upuan. May isang bench din malapit sa puno. Do'n ako umupo para hintayin si Gino.

"Wear it." Sinulyapan ko si Gino. Kinuha ko sa kamay niya ang hawak niyang itim na jacket. Matangkad talaga si Gino, nasa 5'9 ang tangkad niya kaya sa tuwing suot ko ang jacket niya ay hanggang legs ko na iyon. Hindi naman kasi ako matangkad. Nasa 5ft. lang gano'n.

"Nagpa-init muna ako ng tubig para naman makapag-timpla ako nh gatas. Sigurado akong hindi ka na naman matutulog ng maaga." Pabiro kong inirapan si Gino nang sabihin niya iyon.

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now