Ama...Anak..Alipin...

6 0 0
                                    

Madilim pa ang kapaligiran kahit halos maguumaga na.Makapal pa rin kasi ang hamog sa lugar kung saan matiyagang naghihintay si propesor ramos sa kontak nyang si kajot.Dala na raw kasi nito ang sinaunang tapayang pinakaaasam nyang makuha ng matagal ng panahon.Magbabago na ang lahat sa oras na mapasakamay nya ito..Ilang saglit pa ang lumipas ng mula sa di kalayuan sa kinauupuan nyang malaking bato,una muna ay may narinig syang tunog ng sasakyan na tila palapit na sa kinaroroonan nya.Tumayo ang propesor at pilit na tinanaw sa gitna ng makapal na hamog ang paparating na sasakyan.Isang itim na pick up truck ang natanaw nyang papalapit sa kinaroroonan nya.Tumayo na agad ang propesor at ikinaway kaway ang kamay na may hawak ng cellphone na sinadya nyang pailawin upang makita ng driver ng pick up truck.Tila napansin naman agad sya ng driver nito na biglang binagalan ang takbo ng sasakyan.Binaba naman ng driver ang salamin sa pinto ng kotse upang silipin ang lalaking tila nag sisignal sa kanya.Marahil ay ito na ang kliyente nyang si propesor ramos..
Ang nakangiting mukha naman ng propesor ang bumungad sa lalaki ng ihinto na nito ang sasakyan sa tabi ng propesor.Isang seryosong pagmumukha naman ng lalaki ang nasilayan ng propesor.Mukha pala talagang goons ang kausap nya sa phone.Long hair ang driver ng pick up,may mahaba itong peklat na pahalang sa may nosebridge nito.May mga singkit itong mata na di nya mawari kung natural ba o sadyang naniningkit lang ito dahi sa paggamit nito ng kung anong substance.Balbas sarado din ito at tingin nya malaking tao ito.Kita rin sa katawan nito na tigasin talaga ito..pangbugbugan ika nga.kung bago bago lang sa pagkuha ng mga ganitong tao ang mga kliyenteng tulad ni propesor ramos..talaga namang kakabahan sa pakikipag deal sa mga to na sa isang tingin pa lang alam mo ng walang sasantuhin.Pero iba kasi ang propesor..Sa tagal nilang paghahanap sa tapayan..Mas maliwanag pa ang pag asa nila kung sa mga ganitong uri ng mga tao sila aasa.Sa ngalan ng salapi walang nawawalang bagay ang di nito makikita.
Bumaba naman ang lalaki at tuloy tuloy na pumunta sa may likod ng pick up.
Dahan-dahan nitong inalis ang itim na lonang pinangtakip nya sa isang lumang tapayan.Nanlaki ang mga mata ng propesor at halos maiyak sa kagalakan ng tumambad sa kanya ang tapayang matagal tagal na panahon na rin nilang pinaghahanap.Umakyat pa ang excited na propesor sa likod ng pick up truck ng buksan ng lalaki ang tail gate nito.Nangi nginig pa ang mga kamay ng propesor na marahang hinaplos ang pinakabibig ng tapayan.May dalawang basag ang pinakabibig ng tapayan.Maliit na bahagi na tila bungi sa makinis nitong bibig...
Napahawak tuloy ang propesor sa may bandang dibdib nya.Kinapa kapa doon
ang pendant ng kwintas nya.Tinanggal iyon ng propesor sa pagkakatali at maingat na idinikit sa bunging bahagi ng bibig ng tapayan.Lumapat naman ito ng eksakto sa basag na parte ng tapayan.
Kung ganon ito na pala ang isa sa mga nawawalang basag na bahagi ng lumang tapayan.kung ganon nasan ang isa pa?..
Hinawakan ng propesor ang may basag na parte ng tapayan.Ang alam nya kasi binigay na ito sa kanya ng detective na inupahan nya noon pero napatay ito ng mga gulok.Nagtagis ang mga ngipin ng propesor ng maalala ang mga gulok.Ang grupong yon ang matagal ng panahong nagpapahirap sa kanilang angkan para mahanap ang tapayan.Tinik talaga ito sa landas nila mula pa ng simula..Nahinto naman sa malalim na pagiisip ang propesor ng magsalita na ang lalaking nagdala sa kanya ng lumang tapayan..
"boss..tulad ng napag usapan natin dinala ko na sa yo ang tapayan na yan.Di ko alam bakit mo ganyan pahalagahan ang banga na yan?Dalawangpu sa mga tauhan ko ang namatay dahil lang dyan.
Malamang ako naman ang hahantingin ng mga kaanak ng mga tauhan kong napatay pagkatapos nito..Palagay ko dapat na nating baguhin ang naunang napagkasunduan natin.""ang tila may halong pagbabanta nitong sambit sa propesor na biglang natigilan sa isang bagay na napansin nito ng mapatingin ito sa loob ng tapayan.Amoy na amoy nya ang mga sariwang mga dugong tila kanina lang naialay.Naririnig nya pa ang mga panaghoy ng mga kaluluwang nasa kailaliman.Mga bagong alipin ng kanyang ama sa kailaliman.Napangiti ang propesor ng lihim.Sigurado syang ang lalaking kausap nya ay isa sa mga mapalad na alipin na ginamit ng kapangyarihan upang maging sisidlan sa pagkabuhay sa laman ng kanilang raha upang maging malaya sa sandaling oras.Mukhang nakapili na ang tapayan ng sisidlang putik na gagamitin nito pansamantala.Hanggang sa maisilang itong muli sa pamamagitan naman ng sentensyadang alay..""kung gayon ano ang gusto mong maging pagbabago sa kasunduan?Karagdagan ba sa presyo ng tapayan?walang problema sa pera.Tulad nga ng alam mo.Desperado kong makuha ang tapayan na ito..Magkano ang gusto mong idagdag ko sa presyo?.."" matapat namang tanong ng propesor sa nabigla ngunit nangingiting lalaki.Nagkamot pa ito ng ulo tila nahihiya pang sabihin ang gusto nitong mangyari.Nawiwirduhan na talaga ang lalaki sa propesor.Ano ba talaga meron ang tapayan at ganito na lamang nito ito kung pahalagahan.?
"15 million na ang presyo.pero pwede kong ibaba sa trese kung papayag kang magtrabaho ko sa yo.pwede nyo kong gawing bodyguard..Ang alam ko tulad mo may mga baliw ding mga tao na makikipagpatayan para dyan sa lumang banga na yan.Yung mga bantay nyan na pinatay namin..tingin ko mapera din ang nasa likod nila.At may kakayahan din yun na bumuo ng sarili nitong private army.Tingin ko kakailanganin mo rin ng proteksyon ko at ng mga kaalaman ko sa mga bagay na may kinalaman sa mga sindikato.Marami na din akong kilala sa blackmarket kung may items ka pa na gusto mong makuha..tingin ko kasi sa yo kolektor ka eh.Ano boss payag ka ba?.."
saad naman ng lalaking seryosong naka tunghay lang sa napapaisip na propesor.
Kung sabagay may tama nga naman ito sa mga sinabi nito.Malaking pakinabang ito sa kanya.Isa pa sa oras na isagawa na niya ang dakilang ritwal kinakailangang matiyak nya na wala ng kahit anumang aberya na mangyayari.Hindi pwedeng maulit ang nangyari noon.Dalawang beses ng napigilan ang ritwal.Ang hara ng mga gulok at ang heneral ng mga sundalong hapon.Bago pa ito muling bumalakid sa kanyang ritwal..Uunahan nya na ang mga ito.Ngayong nasa kanya na ang tapayan..Wala ng pwedeng pumigil sa dakilang ritwal na matagal na sanang nangyari.Kung naganap lang sana ito at di napigilan..Matutupad na sana ang pangarap nyang maging isang diyos.Diyos na luluhuran ng lahat ng mga uri ng tao.Isang makapangyarihang diyos na magmamay ari ng sanlibutan..
"sige pumapayag na ako.Bilang pinaka una mong trabaho para sa kin.Gusto kong dalhin mo ang tapayan sa isang safehouse na pagaari ng pamilya ko.Ibibigay ko sa yo ang address at ang susi ng safehouse.Ingatan mong mabuti ang tapayan.Mayroon pa rin akong kinakailangang gawin dito.Nandun sa inuupuan ko kanina yung bag ng pera..
Nandun yung bayad ko sa yo at yung sobra ibigay mo sa katiwala ko sa safe house para sya na ang mamimili ng mga kakailanganin mga bagay duon.Maglie low ka na muna duon at magpalamig.
May malaking bagay akong ipapagawa sa yo pagkatapos ko dito.."Mahabang litanya ng propesor.Agad namang pinulot ng lalaki ang malaking bag at binuksan ang zipper nito upang makita ang laman.Tumambad sa lalaki ang bungkos bungkos ng mga pera na tig iisang libo.Lumaki ang ngisi nito dahil sa nakita.Talaga palang bigtime ang amo nyang bago.Mukhang low profile lang talaga ang pormahan nito.Sumaludo pa ang lalaki na nagmamadali na nitong inayos muli ang pagkakatakip ng lona sa tapayan sa likod ng pick up truck..
Mabilis na itong sumibad sa lugar na yon.Naiwan naman ang propesor na nakatayo lang dun habol tanaw ang papalayo ng pick up truck.Muli isinuot ng lalaki ang kwintas nya na may pendant na kapiraso ng basag na bahagi ng bibig ng tapayan.May isa pa kasi syang misyon sa lugar.May isang tagong lugar sa bundok na ito kung saan may isang munting komunidad.Duon nya matatagpuan ang isang napakatanda ng lalaki na parte ng kanilang lahi.Ang alam nya ito ang sinundan nyang tao bago napunta sa kanya ang posisyong ginagampanan nya sa ngayon...Halos isang daang taon na raw ito sa ngayon.
May gagawin silang ritwal dito bago nya magampanan ang tungkulin nya sa tapayan at sa kanilang lipi..
Sa gitna naman ng paglalakbay ng sasakyan ni yesha na tahimik na nakadungaw lang sa bintana habang binabasa ang article tungkol sa nangyari sa hospital branch nila sa cebu kung san nasunog ng buhay ang pamilya ng lover nyang si doctor red.Nagulat talaga sya sa nangyari at kahit na sobra ang galit nya sa pamilyang ito ay di pa rin nya maiwasang malungkot para sa mga ito.. Likas na mababait naman ang mga anak ng lover nya noon,kung merong dapat masunog sa pamilyang yon ay walang iba kundi ang asawa nitong mataba..Sa
dami ng mga babae na winasak nito, mga babaeng nasangkot sa mahilig nitong asawa kulang pa yatang nasunog ito ng buhay.Iba kasi ito gumanti sa mga naging babae noon ni red.Hindi lang mismo yung babae ang wawasakin nito pati buong pamilya ng babae.Sya lang naman ang di nito nahuli agad.Hindi rin sya nagawang galawin nito kaagad dahil nga pinagbantaan ito ni red na talagang makikipaghiwalay na ito oras na saktan sya ng babae.Nasira lang naman si red ng nakialam na ang malupit ding ama ng misis nito.Ito kasi ang chairman ng buong hospital kaya walang nagawa si red ng pinapili na ito kung ano ang mas mahalaga dito kung sya o ang pagiging succssesor ng chairmanship ng board?..
Mainit na ang sikat ng araw kaya naman naka sunglass ang dalagang nakadungaw lang sa bintana sa tabi ng driver seat habang malalim na nagiisip.Sa tabi nya naman ang driver noon ng lover nyang si doctor red.Ayaw nya na sana itong isama pero mukhang wala na itong balak pang humiwalay sa kanya.Nagalit sya dito ng una pero mas nagulat nga sya sa ibinalita nito ngayon.Wala syang kaalam alam na may ganito na palang nangyari sa lover nya.Kahit papano malungkot sya sa naganap sa pamilya nito pero kung ang tanong eh kung masakit pa ba sa kanya ang pagkawala nito.Parang wala na syang nararamdamang pagmamahal dito mula ng traydurin sya nito..Ang mga pangarap nila..Mga pinagsamahan..
Naputol ang pagmumuni muni ng dalaga ng biglang magsalita ang driver na si mang renato.
""doktora..sino ba tong kailangan nating puntahan sa lugar na yon.?Napakalayo naman ng bahay nun..Alam mo bang kailangan pa nating umakyat sa gitna ng bundok para lang marating tong bahay na to..buti na lang may passable na daan na run na pwedeng daanan yung mga sasakyan.Wag ka mag alaa medyo naaalala ko to nakapunta na ko dito tatlong beses na ata.."""ang nakangiting sambit ng driver habang focus pa rin ito sa pagmamaneho.Bagamat nabibwiset dito ang dalaga ay di nya na lang ito kinibo.Malaking bagay na ring may kasama syang driver na maalam sa mga pasikot sikot sa lugar.Ayaw nyang ma stressed sa paghahanap ng isang lumang dojo na pinamana sa kanya ng japanese na matanda na pasyente nyang namatay noon sa ospital nila.Samantala maingat ng naglalakad sa masukal na kagubatan sila propesor ramos at harmony na kahit papaano ay nalilibang rin naman sa bagong experience.Feeling ng dalaga ay isa itong rejuvination process sa kanya.Hindi nya gaanong ramdam ang pagod dahil sa sayang nararamdaman nya.Malayo layo na rin ang nilalakbay nila.Ang sabi ng propesor ay may isang maliit na community somewhere dito sa bundok ang pupuntahan nila.Nandun daw kasi ang isang matandang lalaki na mahigit 100 years old na ang buhay pa rin at medyo malakas pa.Kailangan ito para sa researched ng propesor.May ginagawa yatang documentary ang prof nya.Mga ilang oras din ang ginugol nila sa paglalakad dahil nga di naman nila kailangang magtagal sa pagpapahinga minsan gawa ng ayaw nilang abutin ng dilim sa gubat dahil di nila kabisado ang lugar.Isa pa wala ng signal sa lugar na kinaroroonan nila.Idagdag mo pa ang mga panganib ng mababangis na hayop sa paligid lalo na pagkagat ng dilim.
Isang maliit na komunidad ang nakita ng namamanghang dalaga.Tila ba napunta sya sa ancient time.Sobrang luma na ng scenaries.Mga bahay na gawa sa kawayan at pawid.Maging ang mga mangilan ngilang kagamitan na nakikita nya sa paligid.May mga nakikita pa kasi syang mga banga na pinaglalagyan siguro ng tubig ng mga residente dito.Tila isa itong maliit na baryo na tantiya nya meron lamang mga sampung pamilya.Auckward ang ambience dahil mukhang di ganon ka friendly ang mga taong tila bahagya lamang nagulat ng makita sila.Pero ang mga nakakatanda ng baryo ay masayang sinalubong ang propesor nya.
Tila kilala na ito dito.Nawiwirduhan man ang dalaga ay di na lang nya ito binigyang pansin.Isang napaka lumang kubo ang nasa bandang gitna ng baryo..
Nakita nyang isang matandang babae ang marahang lumapit sa propesor at pabulong itong kinausap.Napapaawang nalang ang labi ng dalagang napatingin sa dalawang nagbubulungan.Nakikita nya pa na sumusulyap sa kanya ang babaeng matanda habang kinakausap nito ng mahina ang propesor na napapa ngiti na lang ng lumingon sa kanya ng bahagya.Nang matapos ang mahinang pag uusap ng dalawa ay masayang lumapit sa kanya ang guro..""harmony iha..ganito kakausapin ko lang si apo bura.Sya yung elder dito..yung 100 year old na sinasabi ko sa yo.Ako na lang ang papasok sa kubo nya..ikaw magpahinga ka na muna sa isang bakanteng kubo na pinareserve ko sa atin.May mga malilit dun na banga..Dun nakalagay yung tubig at may mga pagkain din don.Ganito kasi sila magluto dito.Kumain ka na lang mauna ka na.."..sambit naman ng naka ngiting propesor.May isang dalagita na nginitian ng propesor at tumingin sa direksyon nya.Naintindihan naman ng dalagita ang nais ng lalaki.Masaya nyang inakay ang napapangiti na lang na si harmony.Inihatid ng isang dalagita si harmony sa isang bakanteng kubo.Habang naglalakad sila papunta duon ay tila gustong mailang ni harmony dahil sa napapansin nyang mga nakaw na sulyap sa kanya ng mga tao.Tila ba may kahulugan ang mga tinging yon.Bagay na di nya sigurado kung ano.Pero talaga namang napaka auckward.Pagsapit nila sa kubo ay agad na nahiga ang kanina pang pagod na si harmony.Aalis na sana ang dalagita ng bigla itong tawagin ni harmony..
""oopss teka lang neng..sorry ha ano ba pangalan mo?wag ka muna umalis..wala kong makausap dito..Ang layo ng lugar nyo no?Putik na yan kala ko aabutin pa kami ng gabi sa paglalakad kanina.." ang masiglang kwento ni harmony sa tila nahihiyang dalagita.Kimi itong napapa ngiti ng pilit habang medyo pagala gala din ang tingin.Tila tinitingnan nito kung may mga nagbabantay sa kanila.Napapa tanga na lang dito si harmony tingin nya parang may kinatatakutan ang dalaga na di nya mawari.Gusto nitong makipag usap pero parang kinakabahan..Para mapawi naman ang kaba ng dalagita ay nakangiting hinila ito ng marahan ni harmony paupo din sa kawayang sahig.
""huyy relax ka lang..ano ka ba? di naman ako nangangain ng tao..bakit ba para kang kabado dyan na ewan?.Ganda naman ako..di naman ako nakakatakot di ba?Ano nga palang pangalan mo?"ang makulit na tanong dito ni harmony na ikinangiti naman ng dalagita.May itsura ang batang babae bagamat medyo may kaitiman ang balat nito mababanaag sa mukha nito ang simpleng ganda.Nakaka lungkot lang isipin para kay harmony na nakatali na ang buhay nito sa maliit na baryong ito.Malamang marami ng kalalakihan ang nagaabang na upang maging asawa ito.Kung makakikita sana ito ng ibang oportunidad sa malawak na mundo sa labas ng baryong ito,pwedeng mapaunlad pa nito ang sarili at baka ito pa ang makatulong sa baryong ito na tila napagiwanan na ng panahon.Parang natutulala naman ang dalagita sa nakikitang itsura ni harmony.Sa tanang buhay nya ngayon lang sya nakakita ng ganito kagandang tao.Napakabait din nito sa kanya.Kung mabibigyan lang sya ng isang kahilingan gusto sana nyang maging katulad nito.Hindi yung katulad sa buhay nya dito.Napansin naman ni harmony ang malungkot na ekspresyon ng dalagita..""huy...bakit naman parang ang lungkot mo?tinatanong ko lang naman pangalan mo..bakit?pangit ba pinangalan nila sayo?" ang malokong tanong dito ni harmony na tuluyan na nitong ikinangiti..Natuwa din naman si harmony sa nagawa nya.Magaan talaga ang loob nya sa dalagita.Kung mapapag bigyan nga lang sya gusto nya itong isama sa syudad.Nasasayangan talaga dito si harmony at parang gusto nya namang mabwiset sa mga kalalakihan sa baryong ito na parang wala man lang ambisyong makaalis sa lugar na ito.Tila ba kuntento na ang mga ito sa ganitong pamumuhay hanggang sa magsitanda na siguro.Ayaw paniwalaan ni harmony na walang choice ang mga tao dito dahil sa hirap ng buhay.Para sa kanya pag ang tao may gustong mangyaring mabuti sa buhay..Gagawa ito ng paraan kahit ano pang mangyari,pero kapag ayaw naman syempre puro na lang dahilang walang kwenta.Kahit lumaki sya sa magulong set up ng mga magulang nya,di nya yon ginawang dahilan para maging batugan.
"ako ate si Bilat..Yun yung tawag nila sa kin mula ng maliit pa ko..Di ko alam bakit yun yung pinangalan nila amang sa kin.Ikaw ate ano po pangalan mo?..""
Napangiti na lang si harmony sa napaka inosenteng dalagita..Di nya tuloy alam kung seryoso ba ito o nang gugoodtime lang.Pero bakas sa mukha nito ang di talaga pagkaunawa sa kahulugan ng pangalan nya.Addict yata mga magulang nito.""ako si harmony..ganda naman ng pangalan mo pala eh..Palitan natin,gusto ko gulpihin mga magulang mo eh...Bakit ganyan pinangalan sa yo?sabog ba sila?""ang pabiro pero naasar talagang tanong dito ni harmony.Malaking kasalanan ito sa bata..Babae pa man din ito.Tila nagtataka naman ang dalagitang napapatingin na lang sa kanya...
""palitan natin ang pangalan mo ang sagwa eh ..adik ba yang amang mo?..buti pa..mula ngayong tatawagin na lang kitang..hmm..isabelle..tama mula ngayon ikaw na si isabelle..para kapag merong nagtanong san nakuha yung bilat.sabihin mo lang sa isabellat.. para katunog pa rin naman ng palayaw mo dito diba?"ang
pa witty namang suggestion ni harmony sa tuwang tuwa na dalagitang tila gusto pa yatang maluha dahil sa pagkakaroon nya ng magandang pangalan.Madalas kasing niloloko sya dahil sa pangalan na meron sya.Kahit papaano may pangalan na syang pwedeng gamitin kung sakali na makakapagaral sya.Bagay na matagal na sana nyang pangarap.Kaya nga lang dahil sa hirap ng buhay sa baryo nila hindi sya pinayagang makapagaral pa ng amang nya.Madalas kasi sabihin nito na babae naman sya kaya ang magiging asawa nya na ang bahalang bumuhay sa kanilang magiging pamilya...Kung sya lang ang masusunod ayaw nya sanang sundin ang nais nito para sa kanya kaya nga lang pagaari pa rin sya nito.Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya ng hindi na raw sya balikan noon ng nanay nya.Nag punta daw ito sa kabayanan para lang daw maghanap sana ng trabaho..Pero makalipas ang ilang linggo di na ito bumalik.Bata pa lang sya noon kaya di nya na rin talaga matandaan ang itsura nito..Magiliw naman itong pinatahan ni harmony.Sa totoo lang nakikita nya rito ang mga kapatid nya sa ama at sa ina na rin sa kanya kanyang bagong pamilya ng mga ito.Hindi man sya ganoon ka close sa mga ito..Bilang ate concern din sya sa safety ng mga ito.Likas naman kasing mabait sa kapwa si harmony dahil ganon naman sya pinalaki ng yaya nya noon na nagsilbi nyang nanay at tatay na rin.Madalas kasi every other week nagpapalitan ang mga magulang nya kung saan sya titira.Sa magulong set up na yon isa lang ang constant..kahit saang bahay pa sya mapunta sa mama man nya o sa papa nya,hindi pwedeng di nya kasama ang yaya nya noon...
"ok lang yan isabelle..ako man bigyan ng ganyang palayaw maiiyak din talaga ko..Mabuti pa..sumama ka sa min pag alis namin dito sa baryo nyo..wag kang mag alala..kakausapin ko si propesor ramos..marami yung pera..babayaran na kita sa amang mo para makalayas ka na dito..masasayang ka lang dito..Sa akin ka na lang tumira..tutal solo naman ako sa bahay ko sa manila..Tulungan mo ko sa mga gawain don..Tas ako na bahala sa yo..tutulungan kita na makapag aral sa manila..pilitin mo makatapos ha..para makahanap ka ng magandang trabaho.. para mag iba yung takbo ng buhay mo.."
ang sinserong sambit dito ni harmony habang pinupunasan ng towel nya ang luhaang mga mata ng bago nyang kaibigan na si isabelle.
""salamat ate harmony...napakabuti mo..ibang iba ka sa mga naging alay kay apo..sana lang di ka mapahamak tulad ng mga naunang alay kasi yung iba..."" naputol ang sinasabi ng dalagita ng biglaang bumukas ng malakas ang kawayang pinto ng kubo.Bumungad dito ang seryosong mukha ng isang may edad ng babaeng may katabaan.Parang galit ito pero di nito maipakita ng husto dahil kay harmony.Tila kabado namang nagpaalam na agad sa kanya ang balisa na dalagita.Mababakas sa mukha nito ang malaking takot sa matabang babae..
Naiwan namang napapaisip ang dalaga sa mga huling sinabi ng dalagitang si isabelle.Anong alay kaya ang sinasabi nito?Sino yung Apo na sinasabi nito?...

TapayaNWhere stories live. Discover now