PROLOGUE

7 1 0
                                    


RED

Celestial Shine's POV

"guys! May new student!"  Anunsiyo ko sakanila. Napatingin naman sila sa akin.

"babae?" Tanong ni Serene. tumango ako, excited.

"sana maganda" rinig kong bulong ni harden, na agad binatukan ni Nathalie.

"aray!" tumawa nalang ako. napatingin ako kay Ice.

"What do you think?" tanong ko sakaniya. tumaas lang ang kilay niya, lowkey asking me 'what?'

"What do you think about the new girl?" tanong kong muli. Kumunot ang noo niya, saka napa iling. Huh?

"Good afternoon, Students let us all gather at the starrial Palace."  Narinig namin ito dahil may speaker na naka attach sa dorm namin.

"starrial palace?!" excited kong sabi. "guys! tara na!"

_
_

nang makarating kami ay namangha ako sa paligid. From Up to down. Nakakamangha. Madami na din ang studyante. 

"Good afternoon everyone. Today, we gather here to know your special pets. This pet will be your guardians until their last breathe. " saad ng headmistress. sa narinig ko ay napasigaw ako. kaytagal kong hinintay to.

"let us start with the Elemental Sages." yes!

"Celestial Shine, Goddess of Light." Napangiti ako habang naglalakad tungo sa harap.

"All you have to do is to call your pet." napakunot ang noo ko.

"By calling them by their name, what would you like to call them?"

"Lighty!" sigaw ko. nagulat ako nang biglang may lumabas na malaking white three-tailed fox! ahhh! lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Sobrang  fluffy ng balahibo niyaa!!!

sunod namang tinawag  si Nathalie.

"Thalia." nagulat kami mg biglang may nagpakita ng fairy. As in Fairy talaga. Maliit ang fairy na tinawag niyang Thalia. Pero may dala dala itong magic one.

Sunod namang tinawag si Serene at ang sakanya ay  si Queen na isang half human-mermaid!

"Harden Rock"

"Jayden!" Lumabas ang isang gray na aso!  Ang laki!

"Steven Windel"

"Seven!" Lumabas ang isang pusa na parang dinala lang ng hangin sa sobrang bilis!

"Ytheil Ice"

"Theice!" (Theyse) babae ata yung babaeng hawk! wow!

Pwede na daw umuwi ang tapos nang tinawag. Ngunit maglalakad na sana kami ng Biglang..

"I am sorry, I forgot to called someone," Kabadong saad ng headmistress Alana.

Napakunot ang noo namin. Napatingin ako kay Nat ng magsalita siya.

"but only six elemental sages are present-" Naputol ang sasabihin niya ng biglang magsalita si headmistress Alana kaya't napalingon ako sakanya.

"Redyszia Redark, I Am truly sorry."(Re-dezsh-jaWait, what?! Redyszia? siya naba ang bagong studyante!?

"Again, Redyszia Redark." Tawag ulit ni Headmistress Alana. Ngayon napatingin na ako sa naglalakad na babae, sobrang ganda niya. Naka suot lang siyang  light red spaghetti strap sa ilalim ng kaniyang dark  red Cardigan at Black trouser, at white shoes. ang ganda.

Redyszia Redark, familiar...

_





Note: This is purely fiction. Ang tao, lugar, bagay , o mga pangyayari ay purong imahinasyon ko lamang. Hindi ito totoo.

Divine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon