CHAPTER 14

156 10 1
                                    

Felicia Addison

NAGISING na lang ako dahil pakiramdam ko may mabigat na bagay ang nakapatong sa may bandang tiyan ko. Nang tignan ko ay bumungad sakin ang maamong mukha ni Lewis na nakaunan sa may tiyan ko.

Kahit pala tulog siya ay napakagwapo niya parin. Ang amo amo ng mukha niya. Pariparihas silang magkakapatid. Napatingin naman ako sa magkabilang gilid ko at bumungad sakin ang maamong mukha rin nina Levin at Lexus.

Nakabaon ang mukha nilang dalawa sa may leeg ko. Mahimbing ang tulog nila dahil rinig na rinig ko ang mahihinana nilang mga hilik. Napangiti na lang ako dahil ang cute nilang tignan. Dahan dahan naman akong bumangon sa kama.

Medyo nahirapan ako dahil sa minsan silang gumagalaw pero hindi naman nagigising. Nang makaupo ako ay dahan dahan ko ring inalis ang mukha ni Lewis na nakapatong na sa hita ko. Pagkaalis ko ay kumuha ako ng isang unan at nilagay ito sa may ilalim ng ulo ni Lewis.

Pagkababa ko ay nagtungo ako sa isang pinto na tiyak akong banyo. Hindi nga ako nagkakamali dahil bumungad sakin ang mamahalin na banyo. Malinis at maaliwalas. Mabango rin. Nagtungo naman ako sa harap ng lababo at naghilamos roon.

Pagkatapus kong mag hilamos at lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko parin silang tatlo na mahimbing ang tulog. Siguro mag luluto na lang ako ng umagahan namin. Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina.

Pagkalabas ko ay bumungad sakin ang tahimik na pasilyo. Nagsimula ulit akong maglakad habang naglalakad ako ay bigla na lang akong napatigil ng makita ko ang malaking litrato na nakasabit sa dingding.

Teka! Mukha ko ang nakalagay sa litrato. Panong meron akong picture rito? Picture ko yon sa garden ng mansion nila daddy. Wala sila noon dahil nagpunta sila sa ibang bansa para magbakasyon. Wala akong nagawa non kaya kinuha ko ang camera  ni daddy, pinost mo rin yon sa instagram. Yan nga lang yung post ko sa Instagram eh. Kaya paanong meron akong picture don?

Tatanungin ko na lang sila mamaya.

Sinimulan ko na ulit ang maglakad kase na nagtataka parin ako kung bakit meron akong picture roon. May nakita naman akong mahabang hagdan kaya agad akong bumaba. Pagkababa ko ay may nakikita na akong mga katulong na naglilinis sa buong bahay.

Hindi nila ako napapansin dahil busy silang lahat sa paglilinis. Maglalakad na sana ako ng bigla na lang may babaeng humarang sa dinaraanan ko. Nakataas ang kilay nito at mukha ring katulog dahil sa suot niya, may hawak hawak rin itong walis.

"Bagong katulong ka ba dito? Bakit walang nababanggit sakin si Aling Marietta?" Masungit na tanong niya. Hindi naman ako nakasagot agad dahil sa pagkagulat ko. Lalo pa akong nagulat ng marahan niyang hinawakan ang braso ko bago niya ibigay sakin yung walis. Agad ko naman na nahawak yung walis dahil muntik na itong mahulog.

"Wag ka ng tatanga tanga diyan, linisin mo na agad yung mga kwarto sa taas dahil darating ang mga kaibigan nila sir." Masungit na sabi niya at pinakalikod ako bago itulak tulak. "T-teka" angal ko pero lalo niya lang nilakasan ang pagkakatulak sakin hanggang sa nawalan ako ng balansi at napadapa sa sahig.

"Ayan tatanga tanga kase! Ano! Katulong ka diba! Wag kang pabagal bagal! Ilang oras na lang darating na sila!" Sigaw niya, napaupo naman ako sa sahig at napatingin sa tuhod ko. Napadaing ako ng bigla na lang itong kumirot at dumugo na nga.

"Wag kang mag inarte, ano ba! Tumayo kana riyan!" Napaangat ako ng tingin ng sumigaw na naman ang babae. Galit na galit itong nakatingin sakin. Mukha ring kaidaran ko lang ito. Dahan dahan naman akong tumayo at hinarap siya.

"B-bakit ako ang inuutusan mo? Ikaw naman ang katulong rito." Naguguluhan na tanong ko napansin ko naman na mas lalong sumama ang tingin niya sakin. "Hoy! Mas angat ako sayo! Kaya wala kang karapatan na sagot-sagutin ako!" Galit na sigaw niya, napansin ko naman na nakatingin na samin yung ibang katulong.

Can't Get Away From Them | ✓Där berättelser lever. Upptäck nu