Chapter 33

46.6K 1.1K 746
                                    

Chapter 33

I probably made myself a little too comfortable during the whole ride. Naka-yakap lang talaga ako kay Lui at naka-sandal iyong ulo ko sa may likuran niya. It was just so comfortable. I was basically just hugging him tightly the whole time. I heard no complaints from his end.

"We're here."

Napa-angat iyong ulo ko nang marinig ko iyong boses niya. Fuck. Nandito na nga pala kami. Masyado akong nag-enjoy sa pagyakap sa kanya.

I got off of the motorcycle. Naka-tayo lang ako doon habang fini-figure out kung paano ko tatanggaling iyong helmet sa ulo ko. Lui saw me struggling. Tumayo siya sa harapan ko at saka tinulungan ako na tanggalin iyong helmet. I was literally holding my breath at every movement that he made.

"Thank you," I said nang matanggal niya na iyong helmet. Lui just nodded at me at saka nilagay niya iyong mga helmet doon sa may handle ng motor. Kinuha niya iyong susi at nilagay iyon sa bulsa niya. I was watching his every movement—every little freaking movement.

Seriously, Italia Reign? Paglalagay lang ng susi sa bulsa, nagkaka-ganyan ka na?

Lui was walking ahead of me, but I was just behind him. Pagdating namin sa may pintuan, he held the door open and waited hanggang sa maka-pasok ako. See? Paano ako hindi magiging delulu, e sa mga ganito pa lang na small gestures, nababaliw na ako?

Besides, so what kung kinikilig ako sa bare minimum? E hindi naman lalaki kaya magbigay ng bare minimum? Case in point—Lance Serrano.

"What do you want?" Lui asked a few minutes after kaming abutan ng menu.

"I have no idea," I told him because my mind wasn't really in the food. I was thinking of ways on how I could break this guy tonight. Should we go clubbing? Kasi nung may nakipag-usap na lalaki pa lang sa akin sa beach ay lumabas na iyong pagiging possessive ni Lui... What more kung may kasayaw ako sa club?

Drastic measures, I know, but I couldn't do this push and pull again! Nagawa na namin 'to before! I needed us to be in a happy place for a freaking change!

"Are you hungry?" he asked.

"No, not really."

"You're not allergic with anything?"

"Seafood lang, but it's not that serious."

"Okay. I'll order for us," he said while looking at me like he's waiting for me to agree. I just gave him a small nod.

Nung bumalik iyong waiter, umorder si Lui. I was just watching him as he ordered for the two of us. Nagsasabi lang naman siya ng mga pagkain sa menu, pero para bang nanonood ako ng series kasi tutok na tutok ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"You want to add?" tanong niya nung matapos na siyang umorder. Bahagya akong umiling. Ibinalik niya iyong tingin niya sa may waiter. "That's all. Terimah kasih," he added.

I slightly arched my brow. "Salita ba 'yon dito?"

He nodded. "Thank you," he replied.

"You know how to speak Indonesian?"

Umiling siya. "I just know the basics—how to say thank you, excuse me, sorry," sabi niya. "Di mo ba ginagawa 'yon kapag nasa ibang bansa ka?"

"Not really... English lang tapos kapag 'di talaga kami magka-intindihan, I type it sa Google Translate tapos pinapabasa ko sa kanila."

Lui and I talked while waiting for the food. It was refreshing kasi 'di kami nagtatalo o kaya nag-uusap tungkol sa law school o kung anuman na related sa trabaho. Ngayon lang ata nangyari 'to.

Game OverWhere stories live. Discover now