Chapter 10 (Champion)

114 32 38
                                    

Champion

Aizeth's POV

Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko sa nakita ko kanina habang nag-peperform kami. Bagama't nasa malayo ay aninag ko parin kung paano nagtawanan, nag-iyakan, at nagyakapan si Zeyschell at Kiefer.

Gusto ba nila ang isa't-isa?

Sila ba?

"Ang galing natin" saad ni Arthea sabay tapik sa balikat ko. Kitang-kita sa mata nya kung gaano sya kasaya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko... Di ko maipaliwanag... Ang gulo.

Masaya naman ako sa naging performance namin, ramdam ko yung malakas na koneksyon namin sa audience. Sobrang proud ako kay Arthea worth it lahat ng pinaghirapan namin... Ang ganda ng outcome... Sana palarin kami.

Nanatili sa backstage si Arthea habang ako naman ay lumabas na upang puntahan si Asha.

Nakita kong naglalakad si Zeyschell paalis kasama ang isang lalaking contestant din yata.

"San pupunta si Zeyschell?" Tanong ko kay Kiefer. Nagulat naman sya sa bigla kong pagsasalita. Tulog na si Asha kaya naman hindi ko na ginising pa.

"Lumabas kasama si Justine mag-uusap daw" sagot nya.

"Galit ka ba? " Para kasing galit ang tono ng pagsasalita nya.

"Hala, hindi pre"

"Pwedeng sayo muna si Asha? Sundan ko lang si Zeyschell" pakiusap ko naman sa kaniya.

"Sige, sundan mo na" nakangiti pa sya.

Naglakad na ako palabas ng plaza. Hindi ko siya makita, dumiretso muna ako sa paboritong isawan ni Zeyschell kasi baka nandon sya pero wala rin, kaya naman bumalik na ako, dahil baka nakabalik na sya sa loob ng plaza.

Pero...

Nakita ko syang naglalakad na parang walang gana hanggang sa napaluhod na sya sa sahig.

Agad akong tumakbo patungo sa kaniya dala ng takot, at pag-aalala.

Tama nga ako umiiyak sya, kahit na andaming katanungan sa isip ko ay pinili ko nalamang manahimik. Iniabot ko sa kaniya ang panyo ko, at inalalayan ko sya pagtayo at paglalakad.

"Okay na ako kaya ko na ang sarili ko, bumalik ka na don, kailangan ka doon." Saad nya at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.

Kinuha kong muli iyon, at inalalayan sya. Alam kong ayaw nya pang pumasok sa loob. Kaya naman sinamahan ko nalang muna sya. Madami pa naman ang mag-peperform kaya kahit wag na muna akong pumunta doon.

Nagpunta kami sa seaside at naupo doon. Ramdam ko kung paano sya narerelax sa bawat tunog ng hampas ng mga alon. Pumikit sya. Kitang kita ko ang kalungkutang nakabalot sa pagkatao nya.

"Grade 7 ako non" biglaang saad nya. Naramdaman nya sigurong naghihintay akong magkwento sya. Makakatulong din iyon sa kaniya baka kasi puno na ang dibdib nya ng mga salitang patuloy nyang kinikimkim.

"Naging kami ni Justine, puppy love kung papakinggan pero yung nabuo naming love, sobrang genuine. Nagsimula yun nung tinuruan nya ako sa mga lessons, tinulungan sa mga assignments at project, kasi hindi naman ako matalinong bata. Dahil sa kaniya tumaas yung mga grades ko... At naging proud sila mama kahit papaano. Naging kami hanggang first year college, sa ilang taong iyon...okay kami... Hindi naman kami nag-aaway ng malala. Wala namang selosan na nagaganap... Akala ko iyon na eh... Hindi pa pala... Hindi pala... Bigla s'yang nag-iba... Pinagpalit nya ako." Pinipilit nyang wag maluha,pero kitang-kita kong nahihirapan sya.

"Pinagpalit nya ako sa lalaki." Nagulat ako sa sinabi nyang iyon.

"Wala na akong magagawa doon, kasi kaya ko namang gawin lahat ng gugustuhin nyang maging ako. Pero wala na akong magagawa kung lalaki na ang gusto nya. Alam mo yung mas masakit don? Hindi nya manlang sinabi... Iniwanan nya nalang ako ng biglaan... Kung di pa ako kinausap ng mama nya hindi ko pa malalamang matagal na palang hindi ako... Tapos ngayon nagpakita sya... Ilang taon na ang nakalipas ngayon ko lang narinig yung salitang patawad... Buong akala ko okay na ako, sobrang sakit parin pala... Kahit na masakit pinili kong patawarin sya para sa ikatatahimik ng buhay ko... Still hoping na wala na akong maramdamang sakit sa mga susunod. Pero... Hindi pa man nagsisimula alam kong masasaktan lang ulit ako." Hindi na ako sumagot, hinawakan ko nalamang ang kamay nya at inihiga sya sa balikat ko. Natatakot ako sa mga posibilidad. Lalo na kung totoo man na gusto nya nga ako. Kasi sa mga narinig ko, ayokong magbigay pa ng dahilan para masaktan syang muli. Pag nagkataon baka masira pa ang pagkakaibigan namin pag nalaman nyang gusto ko si Arthea.

When Words Collide Where stories live. Discover now