Prologue

6.2K 399 144
                                    

Gianneri Esmeree Eriza Montero Herrer





"Are you ok with that?" my cousin Kianna asked me.

I smiled and marahang tumango.

"I don't mind naman. And Mommy told me that there's a lot of things I can do sa province..." kwento ko pa sa kanila.

"Like?"

"Mag-ride sa Carabao."

Kinausap ako ni Mommy and Daddy about me going to be transferred from a private school here sa Manila papunta ng Sta. Maria.

"But how about my friennies?" malungkot na tanong ko sa kanya.

I understand naman the situation, Daddy needs to focus sa rice mill. Ayaw na din nila akong iwan ng matagal sa Manila kaya naman doon na lang muna kami mag-stay sa Sta. Maria. I will continue the rest of my elementary years doon and they will decide daw ulit kung paano naman pag dating ng high school and college.

"Friennies?" tanong ni Mommy sa akin.

"My friends...there's a lot of them, e."

Tumawa si Mommy at hinalikan ako sa ulo. Nanatili akong nakanguso while pinaglalaruan ang bracelet na bigay ni Kanika, one of my close friends.

"We can still visit them pag bumalik tayo here sa Manila. You're cousins too...and they can visit you there also," paliwanag pa ni Mommy sa akin.

Tumango na lamang ako at hindi na kumontra pa. I need to be understanding about sa situation. I want to be with them all the time kaya I need to do the sacrifice.

"Sacrifice, huh?"

"Castaniel, wag mo na nga siyang asarin, malungkot nga siya..." suway ni Prymer sa kanya.

"Malungkot? She's not..." sabi niya at inginuso pa ako.

Nilingon ako ni Prymer at pinandilatan ng mata.

"Pakita mo nga yung malungkot..." utos niya sa akin kaya naman napaawang ang bibig ko.

"You mean the malungkot face?" paninigurado ko.

After kong ma-confirm ang gusto niyang mangyari ay nilingon ko si Castaniel na hinihintay ang susunod kong gagawin.

Tinulisan ko ang nguso ko and ginawa ang mga puppy eyes cartoon characters na napapanuod ko.

"Like this?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Matapos 'yon ay pinagtawanan lang nila ako like I'm some kind of joke.

"You're so mean..." suway ko sa kanila.

Natigil lang sila when Ate Kianna stood up para ipagtanggol ako.

"Enough of that. This is not some kind of sacrifice Gianneri...uuwi ka lang ng province and Calli is there," paliwanag niya sa akin.

"Doon ka din naman lumaki..." dugtong pa niya.

Ate Kianna is right naman, pero hindi ko lang ma-iwasan na maging malungkot dahil hindi ko na magiging classmates ang mga friennies ko.

"Ang d-drama niyo," pang-aasar pa niya sa amin.

Bumyahe agad kami pabalik ng Sta. Maria the next morning. Nawala konti ang lungkot ko because I'm also excited na makita si Tita Vera and my cousins.

Before kami lumipat ng manila ay palagi kaming nandoon, they also have a garden na maraming flowers sa tabi ng kanilang castel na house.

It's a bit too scary looking daw before pero ngayon ay parang castle na talaga. Bagay naman 'yon kay Tita Vera, para siyang isang queen sa isang magandang castle because she is so pretty.

Naka tulog ako sa byahe kahit halos 1 hour lang ang tinagal no'n. Ginising na lang ako ni Mommy na nasa loob na kami ng Villa de Montero.

"Yaya Esme!" sigaw na tawag ko and tumakbo ako ng mabilis para ma-hug siya ng super higpit.

"I miss you so much po..."

"Sobrang na miss din kita...para ka talagang Mommy mo nung kasing edad mo siya," sabi niya sa akin while looking sa face ko na para bang inaalala niya ang kabataan ni Mommy.

Matamis akong ngumiti kay Yaya Esme, but i feel a bit sad din ng makita kong marami na siyang grey hair and wrinkles.

Nasa ibang bansa si Grandpa Keizer for some business. Nilingon ko si Daddy na karga ang baby brother kong si Gio dahil super lazy pa ng mga baby at palagi ding tulog.

Hapon ng magpaalam sina Mommy at Daddy na pupunta sila sa may ricemill factory. Nakapunta na ako doon a couple of times and kilala ko na din ang ibang workers. Hindi man by names ay naaalala ko naman ang mga face nila.

"Tumawag ang Tita Vera mo, gusto mo daw bang doon magmirienda sa kanila?" tanong ni Yaya Esme sa akin.

Walang pagdadalawang isip akong tumango at napatalon pa. I need to prepare bigtime, lalo na sa choice of clothes ko. My Tita Vera is very strict.

"Oh, please...I don't like that. So baduy," she said kay Mommy pag hindi niya gusto ang suot nito.

Kaya naman I always try my best to look pretty.

"Magpahatid na kayo sa driver..."

"No, Yaya. We can walk na lang po...I miss naman po ang whole place," sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo ni Yaya Esme.

"Pati yang pananalita ay ipinamana pa talaga sayo ng Mommy at Tita mo," puna niya sa akin kaya naman tinawanan ko na lamang siya bago kami nag lakad ng isa sa mga kasambahay na sasama sa akin papunta kila Tita Vera.

Kakalabas pa lang namin ng Villa Montero ay nadinig na kaagad namin ang ingay ng mga naglalarong bata sa may open field.

Napatingala ako ng makita kong maraming kite sa itaas.

"Ate Laura can we go there kahit sandali lang?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at tumango. Halos takbuhin ko ang daan papunta sa may open field. Doon ay nakita ko kung sino ang mga nagpapalipad ng mga saranggola.

"That's angas, oh...the one with a pangil," natatawang turo ko sa saranggola na may mukha at may pangil pa ang design.

Habang inililibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng files ay manakita akong familiar na face.

"I know you..." sabi ko ng lapitan ko siya.

Humakbang siya pa-atras na para bang I have a nakakahawang sakit. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Sino ka ba?" tanong niya sa akin with a bit masungit na tono.

"It's me..." sabi ko, pero hindi ko na natuloy.

"But I remember you nga," pagtatampo ko.

Mas lalo siyang sumungit.

"Oh, e ano ngayon? Obligasyon ko bang maalala kung sino kang bata ka?" tanong niya sa akin na para bang he's an old man na pero bata lang naman siya like me.

"E, you're bata din naman," puna ko.

Mas lalo siyang sumimangot at inirapan pa ako. Hindi na lang ako nagsalita, tumingala ako at nakitang nagpapalipad din siya ng saranggola.

"Why is yours not that..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko.

Baka kasi ma-hurt siya pag sinabi ko. Ayoko naman maka-hurt ng feelings.

"Ano?"

"C-cute..." mahinang sagot ko, hindi ko na napigilang sabihin.

"Tsk."

'Yon lang ang isinagot niya sa akin at tumikhim pa. Kala mo talaga old na.

"Senyorita Gianneri," tawag ni Ate Laura sa akin.

Pareho kaming lumingon nung masungit na bata.

Matapos non ay muli niyang akong tiningnan mula ulo hanggang paa.

"That's my name..." nakangiting sabi ko sa kanya.

Muli niya akong inirapan.

"Wala akong pake..." Masungit na sabi pa niya sa akin.








(Maria_CarCat)

To Take Every Chance (Sta. Maria Series)Where stories live. Discover now