CHAPTER 3

6 0 0
                                    

Eighteen

Gusto ko mang maunang umalis wala rin akong magawa kundi sumama kay sir Acrisius pauwi lalo pa't hindi ko naman alam kung nasaan ako at hindi ko rin alam kung ano ang sasakyan pauwi.

Habang nasa byahe ay panay ang lingon niya saakin habang hinahawakan ko ng madiin ang mga daliri ko. Gusto kong umiyak dahil sa nangyari pero alam kung hindi ko na maibabalik ang nangyari. Wala man akong naalala na ginalaw niya ako gamit ang kamay niya pero ramdam ko na may kakaiba sa pagitan ng binti ko.

Hindi naman siya masakit pero may kakaiba .

Pumikit ako ng mariin. Hinawakan niya ako..............sa .....ano......ko. Paano na ito, hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin dahil sa nangyari.

"Huminto muna tayo sa isang restaurant para makapag-almusal tayo"Saad nito sabay lingon saakin. Kaagad akong umiling. Gutom nga ako pero wala naman akong ganang Kumain at mas gusto ko nang umuwi .

"B-busog po ako"Marahan kong saad. Bumuntonghininga ito, akala ko ay hihinto kami sa isang restaurant pero ng makitang dinaanan lang namin ay nakahinga ako ng maiigi.

Ang daming gumugulo sa isip ko , kung hindi lang huminto ang sasakyan ay baka mabaliw naako sa kakaisip. Kinakabahan kaagad ako, kakain pa ba kami? Kaagad kong nilingon si sir.

"Bili lang ako ng maiinom narin"Malamig nitong saad sabay labas sa sasakyan, tiningnan ko kung saan siya pumasok. Seven Eleven. Napanguso ako at parang may humaplos sa puso ko, sa social media ko lang nakikita ang ganitong store , kaya masarap sa pakiramdam na nakikita kona ito sa personal. Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatitig sa store, ganito pala ang Seven Eleven, malaki at maraming mga pagkain. Ang alam ko mahal diyan.

Sa probensiya namin , may mga store naman pero wala silang ganitong establisyamento kaya namamangha ako kapag nakikita ang mga ganitong bagay.

Panigurado matutuwa sila Jim , Tali at Jani kapag nalaman nilang nakakita ako ng ganito.

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pait ng makitang lumabas na si sir. May dala itong malaking cellophane at maraming laman iyon. Umayos kaagad ako ng upo.

Mayamaya ay pumasok naito .

"Here"Inabot niya saakin ang supot, nagdadalawang isip mang kunin pero kinuha ko narin dahil kuryuso din ako.

"Salamat sir"

Pinaandar nanito ang sasakyan habang ako naman ay kumuha ng isang maiinom, juice ata ito na ang  flavor ay orange ,masarap naman pero mas masarap ata ang Tang nito.

Dahil sa daming iniisip ay nakatulog ako sa byahe , nagising lang maramdanang huminto ang sasakyan.

Kaagad kong binuksan ang mata ko at nilingon si sir Acrisius na nakatitig na pala saakin.

"Salamat po" Saad ko sabay bukas sa pintuan. Hindi kona siya hinintay pa at iniwan na ito sa garahe. Pagpasok ko palang sa bahay ay nakita ko kaagad si Hana. Mabilis itong lumapit saakin.

"Kumusta ?"Malaki ang ngiti nito.

"O-okay lang"

Hindi ba niya ako tatanungin kung bakit ngayon lang ako nakauwi? Magsasalita na sana ito ng sabay kaming napalingon sa pintuan ng bunukas iyon at narinig namin ang impit na tili ni ma'am Hyacinth.

Nanlaki ang mata ko. Saan siya galing? Akala ko nakauwi siya dito?

"Stop it!"Sigae nito, pero marahas ang pagkahawak sa braso ni sir Acrisius dito at Wala itong magawa ng kaladkarin ito papuntang second floor.

"Anong nangyari doon?"Si Hana na mukhang gulat rin sa nangyari.

Dahil ilang buwan palang naman ako dito kaya nagugulat din ako sa mga magkakapatid, alam ko namang strikto at masungit talaga itong si sir Acrisius pero hindi ko akalain na ginanun niya si Hyacinth, mukhang halos suntukin na niya ang kapatid dahil sa galit nito.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Apr 18 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Villanueva Clan Series 2:His Obsession Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu