03

10 1 0
                                    

Yung inaasahan kong tapos na ang bangayan ay mas malala pa pala sa salitang "bangayan" feeling ko nasa palengke ako ang iingay nitong dalawang nasa harap ko.

"Magsitigil nga kayo.Ang iingay niyo,pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito oh." Pag-awat ko sakanila at saka ko ipinasubo yung BBQ sa kanilang mga bibig na nagpatigil sakanila.

"Pablo!Dito!"pagtawag ko kay Pablo na agad din namang lumapit sa table namin

"Anong ginagawa niya dito?"bulong na tanong ni Stell sakin pero hindi ko lang siya pinansin at saka tumayo para umorder ng BBQ

Kukuha na sana ako ng BBQ ng bigla nalang may bumangga sa'kin at mabilis na tumakbo dahilan para mapaupo ako sa sahig

Ano bang problema ng mga tao ngayon hindi man lang mag-iingat!
Inis kong isip at saka pinagpag ang damit ko at saka mga kamay

Babalik na sana ulit ako sa pag order nang may napansin akong pamilyar na mukha na nasa madilim na sulok sa kabilang kanto na nasa harap ko,may mga sugat siya sa braso at sa mukha at nanghihina.

"K-Ken?"nanginginig kong banggit sa kanyang pangalan na ikina-lingon niya at saka yung mga mata niya ay nakakatakot parin kahit nanghihina na siyang tumayo,wala siyang emosyon na nakatingin sakin.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga sugat na nakita, feeling ko kasi ako yung nasugatan.
Mukha kasi siyang hindi nasasaktan.

"Josh!Antagal mo naman!" Naalala ko nalang na andito din pala yung tatlo kaya dali-dali akong bumalik sa table namin at saka pinulot yung bag ko at akmang aalis na sana nang tinanong ako ni Stell

"Saan ka pupunta?Kakaupo lang natin eh." Ngusong sabi ni Stell na nagpahinto sa'kin sa kinatatayuan at saka liningon sila sabay pilit ngiting sabi.

"Emergency." palusot kong sabi at saka hindi na nagdalawang isip na umalis narinig kopa ang pagtawag ni Stell sakin ngunit hindi kona siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad papalayo.
Sinisigurado ko ring hindi nila ako napansin na tumawid dahil lumiliko-liko pa ako sa tawiran para hindi mapansin.

Nang makarating ako sa kinaroroonan ni Ken ay bumungad ang sugatang mga braso at dumudugo pa ito,halos hindi na siya makatayo at mawawalan na ng malay.

"W-What are you doing here?" nahihirapang tanong niya na nagpairap sa'kin.

"Malamang tinutulungan ka.As your classroom president hindi pwedeng hayaan ko lang yung kaklase kung mamatay sa gilid na lugar."kunot noong sabi ko na kanya namang ikinatawa ng mahina at pilit na tumatayo.May kakayahan paring tumawa to sa seryosong sitwasyon.

"I think you're cursing me to die." sabi niya sa malalim niyang boses na nagpalaki sa mga mata ko at hindi makapaniwala sa narinig.

Aba! Siya nanga yung tinutulungan.

"Sige.Kung gusto mong manatili dito edi diyan ka,aalis na-" bago pa ako maka isang hakbang ay hinawakan niya yung kamay ko na nagpatigil sa'kin at ika baling ko ng tingin sa kanya na nakatitig sa mga mata ko.

"Let me stay at your place for a while.I'll pay." Sabi niya kasabay nun ang pagbagsak niya sa sahig

At talagang iuuwi ko to nang walang malay.

*********************************

Nakakapagod naman to!Ang bigat pa.
Isip ko at saka ibinagsak ko siya sa sofa ng makapasok na sa condo ko.

Bumuntong hininga nalang ako at saka lumingon sakanya na walang malay, Napailing lang ako at agad na tumayo para kunin yung first aid kit.

Bakit ko nga ba siya idinala rito? nevermind.

||•Next Day•||
Nagtungo na ako sa classroom ko na inaantok pa,marami paring bumabati sa'kin ngunit hindi ko na pinansin dahil sa antok at pagod.Nyeta naman kasi kagabi.

"Ohh Josh!"hindi ko na pinansin si Stell at dumiritso sa upuan ko at inilublob ang ulo sa desk at saka ipinikit ang mga mata at natulog,
sobrang aga pa kasi 5:37AM pa hindi rin naman ako makatulog sa condo dahil hindi ako komportable.

Agad akong nakatulog sa mga iniisip ko.

S T E L L'S P O V.

"Ohayo!Ste-" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Justin at agad na tumingin sa upuan ni Josh na ngayo'y natutulog, tinignan naman ako ni Justin na gulat at naguguluhan sa ginawa ko.Ano kayang nangyare kay Josh at antok na antok hindi naman siya ganito first time ko makita siyang pagod bahala na tatanungin ko nalang siya mamaya pagising.

Sinenyasan ko naman siyang wag maingay at tinuro si josh na natutulog.Tumango naman siya at mabilis na iniwakli yung kamay ko at sabay na bumulong.

"Maamoy yung kamay mo!Hindi kaba naghugas?"kunot noong bulong ni Justin na nagpamewang sa'kin sa narinig at saka siya nginisihan.

"Wala namang amoy yung kamay ko baka yung bibig mo." tumatawang tukso ko sakanya na agad nagpanguso sakanyang mukha at saka ako pinagpapalo kaya tumakbo ako papalabas para hindi namin magising yung Josh namin,siya pa naman nagbibigay ng sagot sa math hehe 8AM pa naman mags-start yung class namin eh at saka di bale na hindi din naman ako takot malate.

Agad niya naman akong hinabol at saka kami nagtakbuhan pababa sa building patungo sa plaza.

Nakasalubong pa namin yung new transferre at rinig kong bumati si Justin dun.

"Morning!Ken!" Rinig kong bati ni Justin habang tumatakbo kaya naman mas lalo kong binilisan ang pagtakbo na sana ay hindi ko nalang ginawa.

Nadapa tuloy ako sa harap pa nang mga magagandang babae dahilan para tawanan nila ako lalong lalo na si Justin na namumula na sa kakatawa bago ako tulungang makatayo.

Bad trip! Tinignan ko naman nang masama si Justin na mas lalong nagpatawa sakanya.

"Na karma ka tuloy."tumatawang sabi niya kaya naman binatukan ko siya ng mahina at saka agad naglakad patungong canteen.

Nakakagutom yung pagtakbo eh, sumunod naman ang loko sa'kin.

Pagpasok ko palang sa canteen ay bumungad na si Pablo na umiinom ng kape at kumakain saka nagpipindot sa laptop niya,aba multitasking ah.

Lumapit ako sa table niya at dun umupo "Uy,Pablo!Ang aga-aga multitask kana,sipag mo naman." Sabi ko at saka tinignan yung pinagta-type niya sa laptop, Research pala ginagawa nito.Patuloy lang siya sa pagta-type at hindi man lang ako tinignan.

"Huhulaan ko nasa isip niya,Tamad ka raw."sulpot ni Justin sa tabi ko nang nakasimangot.

F R I E N D STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon