03

15 3 0
                                    



— Beginning —




"Tama na yan, captain, wag puro landi!"

Kinantyawan si theo ng teammates niya at lumingon siya saakin. Paano, nasa gitna sila ng training pero siya nandoon sa gilid, nagce-cellphone. Binato niya nang bola si jaden, teammates niya. Pumulot uli siya ng bola at shinoot iyon sa ring.

"Ohh!" Sigaw niya nang pumasok ang bola. "Nakita mo ba 'yon, sol?"

"Tyamba." Inismiran ko siya. Nandito ako ngayon sa covered court ng San Hera University, hinihintay si theo na matapos. Ang sabi niya kasi saakin, hintayin ko siya, sabay na raw kaming umuwi.

May inaral pa silang iba kaya medyo natagalan. Nang matapos sila, nagpalit lang siya ng damit bago lumapit sa mga teammates niya at nag paalam na.

"Manood ka sa laro namin, ah?" Sambit niya habang naglalakad kami sa hallway palabas ng school.

"Kailan ba?" Kumunot ang noo ko.

"Luh, hindi mo alam?" Nagtatampong sambit niya.

Paano ko malalaman, eh, naka focus ang utak ko sa mga schedule ko. Kailan ba yun? Nasabi ba niya saakin dati? Hindi naman ata? Pilit kong inaalala pero wala talaga!

"Wag mo na alalahanin." Sabi niya, nakatingin sa malayo.

Ang ending, pumunta na lang kami sa may mga tusok tusok at nilibre ko siya. Hindi kasi kaya ng sorry ko, kaya nilibre ko na lang siya. Nakaupo kami ngayon sa may bench, sa labas ng simbahan.

"So, kailan nga?" Tanong ko.

"Sa sunday." Ngumiti siya saakin at may kinakalkal sa bag niya. "Ito, tickets para sigurado na akong pupunta ka."

Yun naman talaga ang balak ko kaya ako nag tanong. "Sila noah?" Kumunot ang noo ko.

"Nauna ko na sila binigyan ng tickets," Nanlaki ang mga mata ko nang uminom siya sa palamig ko.

"Mayroon ka naman, ah!" Nalukot ang mukha ko, paanong hindi? Eh, wala nang natira!

Binilhan niya ako ng bago, blue lemonade. Inaya na rin niya akong umuwi dahil gabi na. Wala ang kotse ko kaya nag tricycle na lang kami pauwi.

"Manong, unahin niyo na po sa condo, yung tapat ng Javier Villa, do-doblehin ko na lang  po ang pamasahe ko."  Ngumiti saakin si theo at nginitian ko siya pabalik. What a gentleman.

Nang makarating na kami sa may condo, nagpaalam na ako kay theo. Suwerte ang magiging girlfriend niya dahil responsable siya, mayroon siyang isang salita. Kaso, ayaw niya ata pumasok sa mga relasyon. It was already ten thirty when I feel my stomach, making a sound. Bumaba ako sa condo at nag taxi na lang. I went to some italian restaurant, gusto ko kasi ng pasta. Habang nag oorder ako, nahagip ng mata ko ang sisira sa gabi ko, si kian! Bakit ba lagi na nagku-krus ang landas namin?!

Naalala ko tuloy ang huling sinabi niya saakin. 'If I were, would you be willing to break his heart?' Seryoso kaya siya noon? O baka naman nang aasar lang siya. Bakit naman siya magseselos, hindi niya naman ako gusto. Isa pa, wala kaming good interactions! Imposible ang mga iniisip ko, bakit ko ba iniisip yung mga ganyang bagay? Dumating na ang pasta ko kaya hindi na ako nag isip pa at kumain na lang. Pag lingon ko, wala na rin naman si kian.

See You Never Where stories live. Discover now